~*~


[Timi's POV]


Napa-stretch ako ng mga braso ko at pinisil pisil ko ang balikat ko. Ang sakit ng likod ko. Kailangan ko ng masahe.

Marunong kaya mag-masahe si Ice?

Kanina lang, may kumain dito sa amin na18pax, long table. Walk in sila kaya naman hindi kami nakapag handa. Idagdag pa yung iba pang customer. At idagdag pa lalo yung executive chef ko na absent. Kaya ako tuloy ang nag manage ng kitchen.

Mabuti na lang talaga na pang world class din ang galing ng mga chefs and servers ko na kahit rush hour, kalmado pa rin sila.

Nag mistulang fast food chain sa ingay at dami ng tao ang restaurant ko kanina.

Buti na lang ngayon payapa na rin ang ambiance.

Kinuha ko ang phone ko then I texted Ice.

"Sakit ng likod ko, pwedeng i-massage mo ako?"

Dinagdagan ko ng emoticon na smiley face na my heart shaped na eyes then I send it to him. Napatawa ako nang mahina dahil naiimagine ko na naman ang mukha niyang namumula kapag nabasa niya ang message ko.

Yung isang yun pa naman, ang bilis maka-pick up ng pwedeng mga mangyari. Sa sobrang bilis, ang advance na masyado ng pagiisip niya.

"Chef, nandyan po si Sir Ayen," sabi ng isa sa mga servers ko.

Nandyan na naman ang patay gutom kong kaibigan na for sure eh makikikain na naman.

Siya talaga ang ikakalugi ng negosyo ko.

Pinuntahan ko si Ayen sa dining area at nagulat ako nang makita kong sa bar area siya nakaupo ngayon.

Wow. Sa bar area lang. Ibig sabihin makikiinom lang siya ngayon at hindi makikikain?

Nilapitan ko siya.

"Nandito ka na naman!" salubong ko.

He grinned at me, "bakit parang 'di ka masaya na makita ako?"

Tinabihan ko siya, "kasi malulugi na ang negosyo ko sa'yo?"

He just chuckled. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay.

"Something's wrong with you," sabi ko sa kanya.

"Hmm? Ano naman yun?"

"Ba't parang matamlay ka?"

Umiling siya, "kulang sa tulog. May inaasikaso kasi akong bagong project."

"For EndMira?"

"Nope. Para kay Mia."

I gave him a meaningful smile.

"What?" tanong niya.

"Wala. Napapadalas lang kasi yang project mo for Mia eh."

"Oo naman. Laki nang bayad eh."

"Sus. Yun lang ba?"

Ngumiti lang siya habang iiling-iling.

"Bakit ka nga pala nandito? Makikikain?"

"Ah no. May ibibigay lang ako sa'yo."

"Ano yun?"

May inilabas siya sa bag niya na maliit na envelop at iniabot sa akin.

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Where stories live. Discover now