Sinimangutan ko siya, "oh ano pang ibang tips?"

Ibinalik niya ang atensyon niya sa laptop niya.

"Eto, sabi rito, wag agad mommy and daddy ang tawag. Masyadong feeling close yung ganun."

"Eh? Hindi pwede?"

"Oo! Tsaka mo na sila i-mommy and daddy kapag kasal na kayo. Atat lang?"

Napasimangot ako. Ano ba yan! Nag p-practice na akong tawagin sila ng mommy and daddy eh.

"Tapos, magdala ka ng gift. Kahit small token lang. I suggest pagkain ang dalhin mo."

Napabuntong hininga ako.

"Anong pagkain ang dadalhin ko para sa isang pamilya ng mga chef?"

Natigilan si Aiscelle.

"Oo nga 'no. Chefs nga pala ang buong angkan nila. Mag dala ka na lang ng ice cream."

"Anong flavor?"

"Kahit ano."

"Search mo kung anong flavor ng ice cream ang magandang dalhin pag meet the parents na."

"Ice!!" tinignan ako ni Aiscelle na parang frustrated na frustrated siya sa akin.

"Bakit ba?" nakasimangot kong tanong.

"Ang praning mo alam mo yun? Eto magandang tip na nakalagay dito---"relax and just be yourself." Ayan! Ayan ang dapat mong gawin! Wag nang praning please? Pati ako na i-stress sa'yo eh!"

"Ang taray mo. Nagpapatulong lang naman," I mumbled.

Palibhasa never pa niyang naranasan ang meet the parents eh. Hihintayin ko talaga ang araw na nerbyosin siya dahil sa ganito ring dahilan.

Hindi na ako pinansin ni Aiscelle at mukhang bumalik na siya sa pagtatrabaho niya. Kaya lang nagulat ako nang bigla-bigla na lang ngumiti habang naka-tingin sa laptop screen niya and then she giggled.

"Ice!! Ni-like ni Jasper yung selfie ko sa Facebook!"

"Bati na kayo?"

She shrugged habang ngiting ngiti, "e-ewan ko? Basta ni-like na niya ang photo ko!"

"Aksidente niya lang na click yung like button."

Napa-simangot si Aiscelle.

"Bwiset ka! Panira ka ng mood! Umalis ka nga sa harapan ko!"

Tumayo ako, "sungit mo. Ipapaalam ko ang paguugaling 'yan kay Jasper!"

"Praning ka! Ipapaalam ko ang paguugaling yan sa parents ni Timi!"

Iniwan ko ang masungit na kakambal ko doon. Masyado kaming magka-ugaling dalawa kaya madalas nag c-clash kami.

Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga sa kama.

Ilang gabi akong hindi patutulugin nitong meet the parents na 'to.

Pero kailangan kong malagpasan 'to. Kasi alam ko, darating ang araw na haharapin ko ulit sila para magpaalam kung pwede ko nang pakasalan si Timi.

I smile at the thought.

Balang araw.


Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant