TBB-CHAPTER 28

26.3K 641 278
                                    

Nanginginig ang kamay kong naibaba ang hawak kong Cellphone hindi ko na rin naintindihan ang iba pang sinasabi ni Tita Celestine. Para akong nabingi habang malakas ang kabog ng dibdib ko ng malaman ko ang nangyari sa Anak ko. Oh. My Little Prince.

Dali-dali akong tumayo at dumiretso sa banyo hindi ko alintana ang kahubadan ko. Narinig ko pang nagsalita si Jared pero hindi ko na ito napakinggan pa. Paulit-ulit na pumapasok sa utak ko ang pagkawala ni CJ.

Nang matapos kung maligo at makapag-bihis paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakabihis na rin si Jared at may pagalala sa mukha nito habang matamang nakatingin sa akin.

"What happened Honey?"

"S-si Cj, Jared. Nawawala" hindi ko na napigilang maiyak. "Ang Baby ko Jared. Ang Anak ko. Please.. hanapin natin siya.. please.. hindi ko kayang mawala ang Baby ko." Humagulgol na ako ng iyak habang nakayakap na kay Jared.

"Hush..Mahahanap natin siya Honey. Hahanapin natin Honey."

Ilang oras akong pinatahan ni Jared hanggang sa naisipan naming umalis at pumunta sa bahay nila Tita Celestine.

Nang makarating kami nagaalalang mukha ni Tita Celestine at Tito Loyd ang nabungaran namin. Bigla akong niyakap ni Tita Celestine ng makababa kami ng sasakyan.

"I'm sorry Iha, iniwan ko lang si CJ sa garden na naglalaro habang nagawa ako ng Meryenda namin. Ng makalabas ako hindi ko na siya. Hinanap ko siya sa buong bahay pero hindi ko siya makita. Kaya naman kinabahan na ako at Tinawagan kita."

"W-wala po bang nakakita sa kanya na lumabas ng bahay?" Tanong ko ng makaupo kami sa sala.

Umiling ito. "Sabi ng Guard sa Labas wala naman silang nakitang lumabas na bata, kaya hinanap ko ulit siya sa buong bahay walang Cj akong nakita."

Hindi ko alam ang gagawin, kinakabahan ako at hindi mapakali. Saan naman pupunta si Cj at hindi nun ugali na umalis ng bahay ng hindi nagpapaalam. Tumayo ako ng hindi nagpapaalam sa kanila.

"Saan ka pupunta iha?" Rinig kong tanong ni Tita Celestine.

Hindi ko na ito nasagot. Hahanapin ko ang Anak ko.

"Honey, saan ka pupunta?" Saad ni Jared ng makahabol sa akin.

"Hahanapin ko ang Anak ko" matatag kong sagot sa kanya habang hindi tumitingin at nagpalinga linga ako baka sakaling nasa paligid lang si Cj.

"Cj Anak! Nasaan ka na?!" Sigaw ko.

DALAWANG araw, dalawang araw simula ng mawala ang Anak ko. Nakipag coordinate na din kami sa mga police para mas mapabilis ang paghahanap sa Anak ko. Wala akong kilala na maaaring kumuha sa anak ko. Wala akong kaaway, wala akong- natigilan ako ng may naalala ako. No. Imposible. Hangga't maaari ayokong magbintang ng hindi ako sigurado.

Hanggang lumipas ang isang linggo at hindi pa din nakikita ang Anak ko. Araw-araw, gabi-gabi. Umiiyak ako at nanalangin sa diyos na sana maayos ang kalagyan ng Anak ko, na sana pinapakain siya, hindi siya sinasaktan. Maisip ko pa lang ang mga bagay na 'yon ay para akong papawalan ng ulirat. Si Jared. Hindi siya sumusuko na mahanap ang Anak namin. Siya ang nagpapatahan sa akin sa tuwing umiiyak ako, nagpapalakas ng loob na mahahanap namin ang Anak namin.

Walang ganang sinundan ko ang paglapag ng pagkain sa lamesa sa harapan ko. Walang ganang tinitigan ko ito. Hanggang sa may nakaumang na kutsara na may lamang pagkain sa harap ng bibig ko.

"Honey, say ahh.." nakangiting utos ni Jared, Na siyang kong sinunod.

Ilang araw ganito ang routine namin at nagpapasalamat ako at hindi sumusuko si Jared sa akin.

Kapag ganito lagi niyang pinapakita ang ngiti niya sa akin at lagi niyang pinapalakas ang loob ko.

Masayang hinawakan ni Jared ang pisngi ko. "Mahahanap natin siya Honey. Promise ko 'yan sayo." Tsaka niya ako binigyan ng mabilis na halik sa labi.

Tumango ako habang binigyan ko siya ng ngiti sa labi. "Sana mahanap na natin siya Jared. Miss na miss ko na ang Little prince ko" pinunasan ni Jared ang luhang tumulo sa pisngi ko.

Tumayo ako at umupo sa hita ni Jared. Sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya. Lately. Gustong gusto ko ang amoy niya. Hindi kumpleto ang araw ko ng hindi ko siya naaamoy. Nasanay na rin si Jared sa inaasal ko at hindi naman siya nagrereklamo.

"Honey.." malambing kong saad sa kanya.

"uhm?" Sagot niya habang hinahagod hagod niya ang bewang ko.

"Gusto ko ng buko na may gatas."

"Sure Honey" Hinalikan niya ako sa pisngi. Pinigilan ko siya ng akmang tatayo siya.

"Where are you going?" Sinubsob ko pa lalo ang mukha ko sa leeg niya.

"Kukuha ako ng Buko na may Gatas"

"Dito ka lang, gusto ko dito lang sayo" Lambing kong saad.

"Honey, paano ako makakakuha ng gustong mong kainin, kung ayaw mo akong paalisin?" Malambing na sambit niya habang hinahawak hawakan ang buhok ko.

"Isama mo 'ko." Ungot ko pa. Ang bango ni Jared.

"Your wish is my command."

Hindi na ako nabigla ng buhatin niya ako at ipulupot ang mga binti ko sa bewang niya. Pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya habang nakabaon pa din ang mukha ko sa leeg niya. Ramdam ko ang mga paggalaw niya ng kung ano-ano ng hindi ako nalalaglag. Namalayan ko na lang ang pagbigat ng takukap ko.

JARED POV

While i was busying mixing the coconut and the milk i felt her in weight and her deep breathing. I guess she's sleeping right now. I heavely sigh. I don't know what I'm gonna do. But whenever i see her cryin' i felt so Jerk. I know what is her only want. Our son.

Isang linggo akong naghahanap but he's nowhere to be found. I felt useless. I'm rich pero bakit hindi ko mahanap ang Anak ko. I used my all connection just to find my son but it was always failed. Pero hindi pa rin ako tumitigil na mahanap ang Anak namin.

Simula ng makilala ko si Gwen at mawalay siya sa akin ng anim na taon at ng magkita ulit kami at meron pala kaming Anak walang pagsidlan ang saya ako. I was so lucky that time. I felt that i was the happiest man on earth. What can i wish for? I have my Love. And i have my son.

But one week without my son. I felt so weak. Pero kapag nakikita ko ang Mahal ko na napanghihinaan ng loob nasasaktan ako kaya hangga't kaya dapat lagi akong malakas.

Dinala ko siya sa kwarto habang mahimbing ang tulog niya. Lately mas lalo siyang bumigat at kung ano-ano ang hinihiling niyang pagkain na siya kung sinunod. Alam kong kahit sa maliit niyang paglalambing ay paraan na rin yun para hindi siya masyadong malungkot.

Hinawi ko ang buhok niya na nakalat sa mukha niya. Kahit na matamlay siya, minsan hyper at malambing. Mas lalo siyang gumaganda. Kaya itong babaeng ito. Hinding hindi ko na pakakawalan pa. Mahal na mahal ko ito. Kaya gagawin ko ang lahat sumaya lang siya.

"I love you Honey, i will do everything just to make you happy and i will do everything just to find our Little Jared."

--

Hi The bachelors baby Readers.
Thank you po sa Vote, sa Comment at sa mga mambabasa ko. Sa mga nagmemessage sa Board ko. Thank you so much. Muaawwwh!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 05, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Bachelor's BabyWhere stories live. Discover now