TBB-CHAPTER 2

17K 334 3
                                    

"Hoy bessy! Nakikinig ka ba sa akin?" nakasimangot nyang tanong.

"Ano nga ulit ang sinasabi mo?" iba kasi ang nasa isip ko ngayon. Kinakabahan ako para mamayang gabi. Hndi ako makapaniwalang nagdesisyon ako ng ganitong kabilis. Pero hndi ko maaatim na wala akong ginawa. Ayokong malungkot ang  Mama at Kapatid ko.

Nilapit nya sa mukha ko ang isang magazine "Sabi ko. Ang hot at ang gwapo ni Jared Montero no? you know what? Despite his reputation as playboy, chick magnet. Madami pa din ang naghahabol sa kanya. Kyaahh.. kong wala akong boyfriend matagal ko ng sinagot to. Papable masyado"

"makasagot ka dyan. parang nanligaw sayo ah, ni hndi mo pa nga nakikita sa personal yan. Wag ambisyosa teh" panonopla ko dito na sya namang ikinasimangot nito.

Nilapag nya sa mesa ang magazine saka tumayo at pinameywangan ako. Natuon naman ang pansin ko sa magazine. I mean sa front page ng magazine. The Hot Bachelors. He's  wearing a navy blue polo shirt, faded jeans and shoes.

"Bessy pag  nagkita kami ng personal nyan hihiwalayan ko na agad si boyfie no!"

His brownish messy hair. I look his face. Thick eye brows, Pointed nose, pinkish lips. Chiseled jaw.

"Tapos.. pag nagbreak kami edi.. maliligawan na ako ni Jared my love ko"

 And his gray eyes. My god. Para akong nahihipnotismo, hndi ko maiwasang titigan ang mga mata nya. Parang totoo lang na nasa harapan ko sya.

"On second thought. Pwede na rin ang mga kaibigan nyang Hot bachelors din. Kyah.. ang hot din kaya nila Leo, Mark at Alex. Omg. Omg Ang gagawapo nila, kyaah.."

Nagulat ako ng may humampas sa balikat ko "Naman bessy e, kanina pa ako nagsasalita dito hndi mo naman ako pinapansin." Saka sya sumimagot at umupo sa tabing upuan ko.

"Sorry, kanina ka pala nagsasalita kala ko natula ka e," mas lalo syang sumimangot.

"Hay, ewan ko sayo bessy, matutuyuan ata ako ng dugo sayo" bumalik na sya sa kinakain nya. Muli akong napasulyap sa magazine.

Jared Montero..

 

 

 

**

The Bachelor's BabyWhere stories live. Discover now