TBB-CHAPTER 22

13.5K 332 5
                                    

Nang makarating kami sa bahay ni Jared halos umawang ang bibig ko dahil sobrang laki ng bahay at halatang mayaman ang nakatira si Cj naman ay tuwang tuwa ng makita ang bahay lalo na ng makita niya ang kwarto niya at punong-puno ito ng mga Laruan tulad ng mga Cars, action Figure na iba't ibang character makikita mo talaga na pinaghandaan ni Jared ang pagdating namin at tinupad niya ang pangako niya na babawi siya sa amin lalo na sa Anak ko. Masaya ako dahil nakikita kong masaya ang Anak ko iba pa rin talaga ang kalinga ng isang Ama.

Nang humapon na ay iginala ako ni Jared sa buong bahay para mapamilyar ako dito, Si Cj ay hindi na nakasama dahil napagod ito sa paglalaro ng mga bagong laruan niya kasama ang Ama niya, hindi mapuknat ang ngiti ko sa tuwing naririnig kong humahalakhak si Cj tuwing nagpapatawa ang Daddy niya nakikita ko din mahal na mahal ni Jared si Cj na siyang nakapag pagaan ng loob ko.

Nagulat ako ng makita ko ang napakagandang garden namumuno ito ng iba't ibang kulay ng bulaklak sa hardin nila ng tanungin ko siya kung sino ang nagaalaga ng garden niya ang tanging sagot niya "My Mom who has taking care them of that is why they are beautiful" Nang marinig ko iyon bigla akong natigilan at kinabahan pakiramdam ko ang kaninang malawak kong ngiti ngayon ay nawala. Maraming pumapasok sa isip ko, paano na lang kung tutol siya sa pagsasama namin? Paano na lang kung kunin nila sa akin si Cj at idaan sa korte? Hindi ko ata makakaya na mawalay siya sa akin baka ikamatay ko iyon.

Napasinghap ako ng may pumulupot na braso sa bewang ko at idinikit niya ang katawan namin. Naramdaman ko din na ipinatong niya ang baba niya sa kanang balikat ko. Hanggang ngayon hindi ko pa din maiwasan ang hindi mabigla sa bigla biglaan niyang kilos.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nakakasama na namin siya ng Anak ko. Parang dati sa aming dalawa lang ng Anak ko umiikot ang buhay namin, ngayon mayroon ng masasabing buong pamilya ang Anak ko.

Natigil ang pag-iisip ko ng magsalita siya. "I know this is hard for you, I know you were somewhat unsure about your decisions but I'm happy that you gave me a second chance, you gave me a wonderful gift. Thank you for giving my Little Jared. Really." Sincere niyang pahayag hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang mga bagay na ito. "Before i admit that i don't want any commitment, cos i don't want to take any responsibility But when we met again, i promised to myself that i will do everything to make you mine. Believe it or not, I really, really like you." Tsaka niya ako hinarap sa kanya.

Hindi ko alam pero halos lumundag ang puso ko sa sinabi niya, Ramdam ko na din na tumutulo na pala ang mga luha ko. Pinahid niya ang mga luha ko sa mata tsaka niya ako tinitigan ng mga abuhing mata niya na siyang nagpapalunod sa katauhan ko at nagpapahina ng mga tuhod ko. " When you left me before that night? I was disappointment, angry cos you left me without any single words. I hired Investigator just to find you, but i failed. In my Six year i felt i lost, i don't know. hindi naman ako ganito dati until i met you. Hindi na ako nang babae, Laging bahay-trabaho na lang ako. Kaya ng makita kita sa Anniversay party nabuhayan ako ng dugo, I know this is so fucking gay but i felt completed again." Sa haba ng sinabi niya nakikita ko sa abuhing mata niya ng sincere doon at kislap ng kasiyahan.

Masaya ako. Masayang-masaya hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat kong maramdaman. sobra sobra na itong ibinigay sa akin. Ang tanging gusto ko lang ay maging maayos ang pakikitungo niya sa Anak ko o ang mahalin niya at tanggapin ito. Hindi ko inaakala na sasabihin niya ang bagay na ito at hindi ko rin inaakala na ganito pala ang nararamdaman niya sa akin. Naramadaman ko na lang ang kamay niya na pinapahid sa mukha ako.

"When i met my Little Jared, you don't know how much I'm happy that time, no. Until now. I'm very lucky because that i have a handsome son. Thank you for taking care of him." Pagpapatuloy niya, Tumango-tango ako habang naiyak. masyado akong masaya kaya hindi ko alam ang dapat na sabihin.

"Don't leave again okay?" Halos may pagmamakaawa sa boses niya ng sabihin niya iyon.

Umiling ako. "No. i won't leave you again." sagot ko.

"Can we start anew? one big happy family?" nakangiting tanong niya habang ang abuhing mata niya ay kumikislap sa saya.

Tumango ako. "Para sa Anak ko."

He pinched my nose. "Anak natin at para sa ating dalawa."

Unti-unting bumaba ang mukha niya tsaka ko na lang naramdaman na lumapat na ang labi niya sa labi ko, kaya tumingkayad ako at ipinulupot ko ang mga braso ko sa batok niya at tinugon ko ang mainit at ang malalim niyang halik. Masaya ako kahit na sa haba ng sinabi niya hindi siya naghanap kung ano ba ang dapat kong sabihin sa mga pinagtapat niya sa akin. Mahal ko siya kaya masaya ako ang kung ano nararamdaman niya para sa akin. Ito na ang simula ng pag buo ng pamilya namin.

"hesus maryusep naman ang mga batang ito dito pa nagtutukaan." Agad akong bumitaw mula sa pagkakapit sa kanya. Ramdam kong uminit ang mga pisngi ko. Nakakahiya at may nakakita sa amin baka kung ano na lang sabihin ni Manang.

"Manang naman, normal na po iyon may Anak na nga po kami." natatawang saad ni Jared tsaka niya ako inakbayan. Ako naman hindi makatingin kay Manang dahil nahihiya pa rin ako.

"Alam ko naman iyon at bagay na bagay kayong dalawa, at napakagwapo ng Anak niyo. At 'yan ang dahilan kaya hinanap ko kayo dahil hinahanap kayo ni Cj." saad ni Manang.

Halos mamula ang mukha ko ng kindatan ako ni Manang. "Sige po. Susunod na po kami, Narinig mo iyon? Bagay daw tayo. Kaya nga ang gwapo ng Anak natin kasi maganda ka." Halos mamula ang buong mukha ko ng sabihin niya iyon. hindi ko alam na may pagka alaskador pala itong si Jared.

"Tse. tara na nga. Hinahanap na tayo ni Cj." tsaka ako naunang naglakad papasok ng Mansion.

"Honey, wait me up."

"Mom, Can i make a wish?" Tanong ni Cj habang naghahapunan kami.

Tumango ako. " Sure Honey, Anything."

"What is it son? Daddy can too." saad ni Jared sa Anak niya.

Halos dumating ilang minuto hindi siya nagsasalita, at aligaga ang mga abuhing mata niya. Parang hirap na hirap siya na sabihin ang gusto niya.

Nagpunas ako bibig tsaka uminom at lumapit sa upuan niya dahil magkatapat kami. "Come on. spill out." pag eencourage ko.

Tumingin siya sa akin ng Alanganin. " Tita lyka is a pregnant."

Nagtaka ako. "Yes. and?"

"In three months she's about to give birth her second child." mahinang saad niya. Hindi ko alam kung ano ang tinutumbok ni Cj.

"Yes, Honey. and?"

"Mikaela has a new sibling." mahinang sagot niya habang pinaglalaruan niya ang pagkain sa plato niya.

"Yes Honey. I think it's a girl again. Honey anong kinalaman nito sa Wish mo?" takang tanong ko. Si Jared ay nakikinig lang sa amin habang nakain at panaka-nakang tumitingin sa amin.

Mas lalo siyang yumuko. "I want baby." mahina ngunit rinig na rinig ko iyon. halos lumuwa ang mata ko.

"Honey. Baby agad? bata ka pa. for petes sake. Six years old ka pa lang tas Baby na agad ang gusto mo?" halos maghysterical ako. nakarinig naman ako ng tawa. kaya sinamaan ko ng tingin si Jared itinaas niya ang dalawang kamay niya tanda ng pagsuko habang nagpipigil ng tawa.

Lumingon si Cj na namumula ang mukha. "Mom. it's not what i mean." nakangusong saad niya, kaya nakahinga ako ng maluwag. akala ko pa naman na gusto niya na ng Baby ang bata pa naman niya. "What i mean is I want a baby from you. I want siblings too Mom. I want to brother to him/her. I want to take care of my siblings. Can you do it Mom?"

Sorry for to keep you waiting. kung mali po ang English grammar ko patawarin. ^^ Tsaka Nabusy po ako sa pag eedit sa Adobe PS. XD

Anyway thank you po sa mga Nag-aabang, Nag-cocomment, nagbabasa at Nagvovote malaking appreciated po sa akin iyon. Maraming-maraming salamat po sa lahat.

May ginawa akong page sa Fb. search niyo lang ang "The bachelor's baby" same cover po siya pa like na lang. Salamat talaga! love lots!

The Bachelor's BabyWhere stories live. Discover now