TBB- CHAPTER 14

13.1K 306 2
                                    

Updated na guys!

enjoy..

Votes and Comments are really Appreciated!

Love lots!


-


Halos mangiyak-ngiyak ako ng harapin ko s'ya, Nang magpantay kami tinitigan ko s'ya sa abuhing mata n'ya nababanaag doon na may halong lungkot iyon. I caressed his cheek. Hndi ako nagsalita. Bagkus tinititigan ko lang ang buong mukha n'ya na parang ineeksamin ko ito.

"Mom, I'm sorry.. Kung hndi lang po sana ako nag suggest na dito tayo sa mall, sana.. sana hndi nangyari ito" Naiinis ako dahil malungkot s'ya ngayon at sinisisi n'ya ang sarili n'ya.

Ngumiti ako sa kanya. "No. Honey, it's not your fault, don't blame yourself, in fact I'm so happy.. pinagtanggol mo ako sa kanila na dapat ako ang gumagawa no'n sayo, sobrang saya ko dahil nagkaroon ako ng Anak na katulad mo."

Lumiwanag ang mukha nito sa sinabi ko."Really Mom? You're not mad at me?."

Napatawa ako "Ofcourse not Honey. Why should I? You're my little honey, my little baby, my little hero, and my little prince."

He held my face and wipes my tears streaming down my face using his small thumbs. Hndi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. "I will do everything just to protect you Mom, on behalf of my father." Natigilan nman ako don. How can he say just like that? Gusto n'ya na bang makita ang Ama n'ya? He sighed "I know Mom that you don't want to talk about that, but one thing I surely Mom, everything's gonna be fine" seryosong sabi n'ya,halos mapanganga ako sa mga sinasabi ng anak ko. Really? Is he a six year old kid? He's a damn intelligent!

Ngumiti ako at hinalikan ko s'ya sa magka bilaang pisngi. Niyakap ko ito "Thanks Honey, That's why I love you so much my little prince."

"And I love you too, my Queen"

-

Nang matapos kaming maglaro sa Quantum at Toms world hndi kami nakakalabas ng walang bitbit na stuff toy na nakuha namin dahil sa haba ng ticket namin. Ang dating red polo shirt n'ya ngayon ay white printed animal shirt na, dahil sa dami naming nilaro ay buong katawan n'ya pinag pawisan. Nang mag tanghalian na kumain kami sa Jollibee na paborito n'ya,

Nang mag-hapon na pumunta kami ng park, Agad-agad ito'ng tumakbo at nakihalubilo sa mga bata na. Pinagmamasdan ko lang s'ya habang nakaupo ako hndi kalayuan sa kanya. Makita ko lang ang ngiti n'ya masaya na ako.

Kanina, nakaramdam ako ng lungkot na may halong saya, lungkot kasi alam kong gusto n'yang magkaroon ng Daddy pero hndi ko pa maibibigay sa kanya, masaya ako kahit na alam n'yang hndi ko pa maibibigay pero hndi n'ya pinipilit. Hndi ko nga maringgan na hinahanap n'ya ang Daddy n'ya pero alam ko at ramdam ko kahit hndi n'ya sabihin gusto'ng-gusto n'ya ng magkaroon ng Daddy.

Ano ka ba Gwen! Abo't kamay mo na ang gusto ng Anak mo, ang dapat mo lang gawin ay sabihin sa kanya ang katotohanan, kahit na hndi ka n'ya panagutan. Nakaya mo ang six years ngayon ka pa ba susuko?

Napailing ako sa naisip ko, mahirap. Mahirap gawin ang bagay na yun, lalo pa't hndi ko pa alam ang mangyayari. Baka magkamali lang ako sa hakbang na gagawin ko.

"Bessy!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. "Bessy!" tuwa'ng-tuwa ko'ng sinalubong sila "Hi, Mikaela" binigyan ko s'ya ng kiss sa pisngi na tinugunan nman nito.

"Hello po Tita, where's Cal?" inosenteng tanong nito, tinuro ko ito kung saan naglalaro si Calvin saka nman s'ya tumakbo papunta sa kinaroroonan nito. "Cal!" sigaw pa nito. Napatawa na lang kami.

"Bessy! Ang laki na ng tiyan mo! Kelan ang labas n'yan?."

"Dalawang b'wan pa Bessy!, sabi ko na nga nandito kayo ngayon, ang galing talaga ng instinct ko, kaya dito kami pumunta!" humalakhak pa 'to.

"Oo nga e, may lahing were wolf ka talaga lakas mo'ng makaamo'y" saka ko sya tinawanan. Napanguso na lang ito.

Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin, pinagmasdan na lang namin ang mga Anak namin na ngayon magkalaro na at naghahabulan ang mga ito.

"Bessy, wala ka bang balak na ipakilala sa kanya ang Anak n'ya?" basag ni Bessy sa katahimikan namin. Matapos ko kasi'ng malaman na buntis ako kiniwento ko na rin sa kanya lahat, hndi ko rin nman kasi kayang ilihim sa kanya. Sandamakmak pa nga ang sermon ko sa kanya daig pa ng Mama ko.

Wala nga ba ako'ng balak na ipaalam? Pa'no pag nalaman niya?

I sighed. "Hndi ko alam Bessy, two week's ago.." tumikhim ako. "I.. saw him.. No. I already met him" nakita ko pa sa peripheral vision ko na nang-lalaki ang mata n'ya. Sabi ko na nga ba ganyan ang magiging reaksyon n'ya.

"How does it feel? What do you feel? Do you felt spark when your eyes met? How about you heart? It's getting beating fast? What? Cat your tongue? Ugh! Speak up-"

"Teka nga! Nahihilo ako sa mga tanong mo! Pa'no ako makakapag salita kung ang bunganga mo walang preno sa kakatanong!? Try mo kaya'ng isa-isahin ang mga tanong mo! At kung magtanong ka ayus-ayusin mo dapat yung makatotohanan nman, may pa spark-spark ka pang nalalaman diyan!"

Tumawa ito "Sorry naman.. hey! Makatotohanan lahat yun, at wag mo ko'ng segweyin sagutin mo na ang mga tanong ko" inirapan pa ako. Wala na talaga ako'ng kawala.

"Bessy.. mahirap kasi," parang bata'ng sumbong ko sa kanya "may girlfriend na kasi s'ya, kaya hangga't maaari aalisin ko na kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya, sa haba ng panahon alam kong wala ng patutunguhan pero mahal ko pa rin s'ya, alam mo naman yun di ba?" tumango ito "since college, kahit na hndi ko pa s'ya kilala no'n, alam ko'ng baliw lang ang nagmamahal base sa magazine lamang nakikita pero ng makasama ko s'ya na hndi ko naman inaasahan, at ng mag bunga ang isang gabing pinagsamahan namin, mas lalo ko s'yang minahal, kaya nang magkita kami ulit kami sobrang saya ko, lalo na ng magasayaw kami, yung dibdib ko sobrang kabog, nang magdikit ang mga katawan namin bolta-boltahing kuryente ang dumadaloy sa katawan ko para kami'ng bumalik six years ago"

Nang tingnan ko ito nakanganga ito saka nagtitili-tili "Ano ba Bessy! Nahihilo ako! Wag mo ko'ng alugin!"

"Kasi nman Bessy! Nakakakilig kaya yun, kayo talaga ang tinadhana. Promise!, at wag mo'ng pansinin ang girlfriend non di n'ya mahal yun, maghihiwalay din yun, tapos sabihin mong may anak kayo. Ora mismo papakasalan ka non! Trust me" ngiti-ngiti pa nitong sabi.

Umiling-iling ako. "Ayokong makasira ng Relasyon ng dahil lang sa mayroon kaming Anak, at ayokong pakakasalan niya lang ako dahil sa may anak na kami."

"Hay, naku! Bahala ka, malay mo hinahanap ka pala niya 6 years ago, malay mo rin gusto ka niya, malay mo.. malay mo lang."

Malabo. Ako? Papahanap niya? Imposible.

The Bachelor's BabyWhere stories live. Discover now