Chapter 1: GID - The Three

Start from the beginning
                                    

(Toooooggsssh...Blaaaggghhh)

Kinapa kapa ko ang phone ko, langya malaman ko lang sino tong tumatawag sabog sakin mukha neto.

(Toooooggsssh...Blaaaggghhh....Booogssssh)

Agad akong napatalon sa kabilang pintuan, pusang gala! muntikan na ako.

"Shit!"

Nandito kami sa lumang bodega, choosy pa kasi tong mga 'to.

---Kriiing....Krinnggg..Kringggg...---

Sinagot ko ang tawag..

"Ogag sino ka? istorbo ka nandito ako sa kalagitnaan ng laban tapos tatawag tawag ka ha!" sigaw ko habang tinitignan bawat madaanan ko.

(Booogssshhh...Blaaaaggg..Kaboooomm...Tooogsshhh)

"Tengene! cell phone ko pa talaga tinamaan nyo! iphone6 yun mga gunggong!" sigaw ko, arrghh naiinis na ako sa mga 'to.

"RIP Iphone6 mapapalitan din kita, ipaghihiganti kita sa kanila" sabi ko saka iniwan ang iphone 6 ko sa sahig na wasak.

Agad akong tumakbo, gusto ko na tapusin to.

"Hoy mga gunggong magpakita kayo!!!!" sigaw ko sabay hagis sa gilid ng baril ko.

"Wag kayong mga duwag mga pare! Lumaban kayo ng patas."

Pero wala pa din umiimik, nanatili ang katahimikan. Para tuloy akong tanga dito -___-

"Ang lumabas at magpakita sakin gwapo!" sigaw ko ulit

1....

2...

3.....

At tignan mo nga naman agad na lumabas ang tatlo sa pinagtataguan nila.

Pusang gala! hahahahahahaha gusto ko matawa kasi uto uto sila. Pero mamaya na ako tatawa, irereserve ko nalang mamaya.

"Oppps see! wala akong hawak na baril. Wag kayong unfair mga pre!" mahinanong sabi ko sa kanila. Nakatutok pa din sila ng baril sakin.

Tumango tango naman sila, at ibinaba nila baril nila sa sahig. Napangisi ako, mga uto uto talaga sila.

Agad kong sinipa isa isa mga baril nila na nilapag nila sa sahig para sigurado. Nginitian ko sila ng nakakaloko.

Nagpahulog kayo sa bitag ko.

(Boooogggsssh)

Agad kong sinuntok sa mukha yung isa at napaupo. Sumugod naman yung isa at aba may hawak pang kahoy at mukhang balak niyang alising tong mask ko, Buti nalang nakailag ako.

"Shit!"

Pusang gala masakit! natamaan niya kamay ko. Hinarang ko kasi gamit ng kanang braso ko. May pasa nanaman ako.

Nagbackflip ako sabay sipa sa paa niya.

(Boooogggssshhh)

"Fuck! awwwww" sigaw neto. At di pa nagtagal unti unti ng lumabas ang dugo sa bunganga niya.

Agad akong tumayo at tinignan yung dalawa, akalain mo may lakas pang bumangon ang isa kanina na sinuntok ko sa mukha.

Magsasalita palang sana ako ng...

"May araw ka din Sky!" sigaw ng mga to at agad tumakbo palabas.

Napaunat ako ng braso ko, hayyy tapos na ang laro. Boring naman.

Gangster's In DisguiseWhere stories live. Discover now