Chapter 9 *Sunlight, Eyes, Action!*

26 3 1
                                    

Dahan-dahan kong i-minulat ang mga mata ko. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama ko. Napansin kong hawak ko pa ang cellphone ko, sinulyapan ko iyon. 

1 unread message

From: +690917*******

Practice tomorrow. After school. Goodnight!

Alam ko namang si Harry 'to kaya sinave ko na yung number niya at nagreply. Napahawak ako sa ulo ko, umaga na ba?

To: Harry

Sige. Kanina ka pa ba nag message? As in kanina pa? O.O

 Kaka-send ko palang ng message ko sa kanya nang biglang mag vibrate muli ang cellphone ko.

From: Harry

Yup :DD

 Napangiti ako sandali. Nakakatuwa talaga yung mga lalaking ang hilig gumamit ng emoticons.

To: Harry

Sige. Shemay nakatulog ako T__T hindi pa ko nag aaral.  :(

Inabot ko ang libro sa bedside table ko. Sheez! Bakit ba kasi ako nakatulog?!

 From: Harry

Lagot! :DD

Napakunot yung noo ko sandali. Sheez! Nalimutan kong may exam pa bukas! Hindi pa ako nag aaral. Tumingin ako sa wall clock ko. 11:00 sharp! Kaya pa 'to...

 To: Harry

Putek. Sabi na makakatulog ako eh.  Hay, Long test pa naman. Pupuyat nanaman ako -__-

Binuksan ko ang libro at nagbasa ng kaunti. Ang sakit ng ulo ko...

From: Harry

Okay lang 'yan. Kayang kaya mong bumagsak. Joke lang.

Napataas na ang isang kilay ko this time. Grabe ha!

To: Harry

 Wow. :/

Wala rin ako sa mood makipag-away. Bumalik ako sa pagbabasa... pero wala talagang pumapasok sa utak ko.

From: Harry

;DDD

Woah. He'll just send me that? This guy's getting on my nerves!

 To: Harry

Hirap mo rin intindihin minsan eh. "Jokes are half meant" ... 

Tulad ng kanina, agad na nag vibrate ang phone ko.

 From: Harry

Oh... Sorry. Very sorry , very very soooorryy :(

Wait... Sarcastic ba 'to? He's just SO HARD to understand!

 To: Harry

Sincere ba yan or sarcastic? Sabi sayo eh, hirap mong intindihin -,-

Nakaramdam naman ako ng gutom matapos ko siyang replyan. Hindi pa pala ako kumakain. Iniwan ko muna ang cellphone ko sa kama at bumaba sa kusina. Binuksan ko ang cupboard at kumuwa ng kung anu-ano. Kumaripas naman ako ng takbo pabalik sa kwarto ko. 

Pagbalik ko, 4 unread messages.

 From: Harry

Hayy... Sincere. :(

I Ball In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon