Chapter 6 *Scary Starry Night*

28 4 1
                                    

"Pasok ka muna sa guest room, tatawagin nalang kita kapag kakain na," sabi ni Harry at tinuro yung pinto ng guest room.

Pumasok naman ako sa kwartong tinuro niya, sumilip ako sa bintana... ang lakas pa rin ng ulan.

Umupo ako sa kama at nagtanggal ng sapatos at medyas.

"Ugh! Namumula yung paa ko!" sabi ko habang kinukuwa yung salonpas sa bag ko.

Nag lagay ako ng salonpas sa paa at hinilot ito.

"Flor, kakain na." sabi ni Harry habang nakatayo sa pinto.

Agad kong ibinaba yung paa ko at sinabing, "Ba't 'di ka man lang kumatok?"

"Kasi hindi nakasara?" sarkastikong sagot niya. Kumunot naman yung noo ko at tumawa siya. "Anong nangyari sa paa mo?" dugtong niya.

"Ha? Ah wala" sabi ko at tumayo. "Kain na tayo, gutom na ko" dugtong ko at lumabas ng kwarto. Sumunod naman siya at sinabing, "Hindi ka na nahihiya sa akin ha?"

"Oo naman, ikaw kaya may kasalanan kung bakit nandito pa ko ngayon" sabi ko ng hindi siya nililingon. Umupo na ko at nilagyan niya ko ng kanin sa plato.

"Uy tama na! Ang daming kanin!" sabi ko at inilayo sa kanya yung plato.

"Hoy anong madami? Tignan mo nga yang katawan mo, ang payat payat! Para kang ting-ting!" 

"Hoy kesa naman sayo! Ang tab-AAAAAAAHHHH" naputol yung sasabihin ko dahil napasigaw ako sa biglaang pagpatay ng ilaw.

"Tss! Blackout. Dyan ka lang ha, kukuwa lang ako ng kandila," sabi niya at narinig kong naglakad siya papunta sa kung saan.

Hindi nalang ako nagsalita at kinuwa ko na lang yung cellphone ko sa bulsa.

"Oh ito na," sabi ni Harry at inilapag yung kandila sa gitna ng lamesa.

"Sinong tinatawagan mo?" tanong ni Harry nang makita niyang nakatapat sa tenga ko yung cellphone.

"Si kuya... ugh! walang signal!" pagrereklamo ko. Nakauwi na kaya 'yun?

Napatingin naman ulit ako sa bintana, sobrang lakas pa rin ng ulan.

"Kumain na muna tayo, baka mamaya humina na yung ulan." sabi niya at sumandok ng kanin.

Tahimik lang kaming kumain at walang nagsasalita. Malakas na pagbuhos lang ng ulan ang maririnig, mabuti nalang wala ng kulog.

"Uhm, Flor mukhang hindi na aabot yung kandila. May flashlight ka bang dala?" tanong niya habang nakatingin sa kandila na malapit ng mamatay.

"Oo, nasa bag ko" tumayo naman kaming dalawa para kumuwa ng flashlight. Inilawan niya yung daanan ko gamit yung ilaw mula sa natitirang kandila.

Pumasok kami sa guest room at hinanap ko sa bag ko yung flashlight. Saktong pagbukas ko ng flashlight, naubos na yung kandila.

*bzzzt* *bzzzt*

Kinuwa ko sa bulsa yung cellphone ko nang maramdaman kong mag vibrate ito. Tinignan ko kung sino yung tumatawag, Unregistered number.

"Hello?" sabi ko pagkasagot ko ng tawag.

[Hello, Flor!] sagot niya sa kabilang linya.

"Kuya?!" tanong ko nang makilala ko yung boses niya.

[Oo, ako nga! Nasa bahay ka na ba?] tanong ni kuya.

"Wala pa, kuya. Nasa bahay ako nila Harry, ang lakas ng ulan"

[Dyan ka na muna, hindi rin ako makakauwi, ang lakas ng ulan] mukhang nasa ospital pa siya dahil sa mga ingay na naririnig ko

"Kuya?! Eeeeehhhh" sabi ko sa kanya. Ayoko kasing matulog dito. Hindi ako sanay matulog sa ibang bahay.

I Ball In loveWhere stories live. Discover now