Chapter 1 *Game Play*

172 5 0
                                    

A/N: ALL events in this story is based from my/other's experiences and of course from my IMAGINATION. If you have the same name with my characters, it is PURELY COINCIDENTAL.

Life is like a ball, it bounces up and down. When you serve it, there will be always someone to receive. But not all of them was able to return it and bounced into another direction. However, they will still be the one to get it and start again.

February 01, 20XX- Friday

*blows whistle*

"MS. CONCEPCION! GET OUT OF THE GAME, NOW!" sigaw ni Ms. Katrina.

"I'm sorry Ma'am," sabi ko habang nakatungo.

"I'll talk to you later," kalmadong sabi niya at ipinagpatuloy na ang laro.

Malungkot akong naglakad patungo sa bleachers para umupo at manood sa mga kaklase kong naglalaro. Ang gagaling nila mag volleyball. Eh ako? Kahit anong gawin ko, minamagnet pa rin ng mukha ko yung sahig. Palagi nalang akong nadadapa, nasusubsob at kung saan-saan ko napapapunta yung bola.

Kasama ba talaga 'to sa P.E? Patakbuhin niyo nalang ako o pasayawin ng todo, pwede pa!

I'm Patrisha Florentine Concepcion and I suck in ALL ball games. Kung nung bata kayo eh mahilig kayo sa bola, ako hindi. Hindi ko nga maintindihan kung bakit iniiyakan pa ng ibang bata ang bola pag hindi sila nabilihan eh.

*blows whistle*

"Class Dismissed! You may now leave the Gym," sabi ni Ms. Katrina. Naglabasan na silang lahat at kaming dalawa nalang ang nandito.

Lumingon siya sa akin at tinawag ako. "Ms. Concepcion, come here!" Agad akong tumayo at lumapit kay Ms. Katrina.

"Yes Ma'am?" kabadong tanong ko sa kanya.

"Nakikita kong nahihirapan ka pa rin hanggang ngayon sa volleyball. Ms. Concepcion, 3 months na tayong nagpapractice nang nagpapractice nito at hanggang ngayon hindi ka pa rin nagi-improve," seryosong sabi niya sa akin.

"Sorry Ma'am," sabi ko at tumungo.

"Don't be sorry. I just want the best for my students," sagot niya at pumunta sa ball rack para kumuwa ng bola.

"RECEIVE!" sigaw niya at sinerve yung bola mula doon sa ball rack. Sinundan ko ng tingin yung bola at sinubok i-recieve. Pero nag-land lang sa mukha ko yung bola.

"Ouch!" sabi ko habang nakahawak sa ilong kong tinamaan.

"Ms. Concepcion, you may have that ball. I want you to practice volleyball and I don't want to see your report card with a failing mark in P.E!" striktong sabi niya.

"Yes Ma'am," pagsang-ayon ko at pilit na ngumiti kahit na ang sakit ng ilong ko.

"By the way, next month na ang tournament and you're one of the players," sabi niya habang nakangiti at lumabas ng Gym.

Ilang segundo rin akong nakatayo ro'n dahil ang tagal mag loading sa utak ko ng sinabi ni Ms. Katrina.

"By the way, next month na ang tournament and you're one of the players."

"By the way, next month na ang tournament and you're one of the players."

Ano raw? Isa pa nga..

"By the way, next month na ang tournament and you're one of the players."

Jusko! Ako? Volleyball player? Baka Floor Kisser! Hay nako! Mag aaral talaga ako mag volleyball! Kinuwa ko na yung gamit ko at bumalik ng classroom.

I Ball In loveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ