Chapter 8 *Ball message #1*

27 2 0
                                    

February 7, 20XX- Thursday

"Isha, dalian mo mag bihis ha!" sabi ni Jennica. Nandito silang tatlo nina Jasmine at Chanel sa bahay namin. Wala kasi kaming pasok ngayon, kaya nag-aya silang mag mall.

"Jen, paano ako makakapagbihis kung hindi pa kayo lumalabas ng kwarto ko?" mataray na sagot ko sa kanya.

"Hmm... Meron ka nga ngayon 'no?" pagbibiro ni Jasmine at tumawa naman silang tatlo.

"Oh siya, sige! Ito na, lalabas na kami!" natatawang sabi ni Chanel at tumayo. Lumabas na sila ng kwarto ko at nagbihis na ako.

Pagkatapos naman noon, bumaba na ako at sumakay kami ng taxi.

"Jen, anong oras tayo uuwi?" tanong ni Chanel kay Jennica. "Hmm.. 4:00? or 5:00?" sagot ni Jennica at tumingin kay Jasmine.

"5:00 nalang! Okay lang ba, Isha?" sagot ni Jasmine at tinanong ako. "Okay la-- OMO! May practice nga pala kami ni Harry mamaya!" sabi ko at napatakip sa bibig.

"Yieeee" pang-aasar ng tatlo. "Oy tumigil nga kayo dyan," sabi ko at tumingin nalang sa bintana.

Mas lalo naman silang tumawa at nang-asar. "Fine. 4:00 nalang tayo umuwi nang makapag-practice sina Mr. and Mrs. Pakipot!" sabi ni Chanel at nagtawanan ang tatlo. At isa pa 'tong si Manong driver, naki-tawa rin!

Aba! Pagtulungan daw ba ako? Tch.

Maya-maya lang, nakarating na rin kami sa mall. Dumiretso agad kami sa mga favorite boutiques namin para tumingin-tingin at mamili.

Nanood rin kami ng sine. I mean, SILA pala. Natulog lang kasi ako. As I said, 'di ako mahilig sa movies. Pagkatapos no'n kumain kami, naglibot-libot at syempre... nag picture-picture.

"Ang bilis naman ng oras!" pag rereklamo ni Jasmine.

"Okay lang 'yan Jas, may next time pa," sagot ni Chanel at tinapik siya sa balikat.

"Diyan lang po sa tabi," sabi ni Jennica kay Manong Driver.

Nasa taxi kami ngayon, pauwi na. Unang binaba si Jennica dahil siya ang may pinakamalapit na bahay. 

"Bye Jen!" sabay-sabay naming sabi naming tatlo.

"Bye! Thanks for the day!" sagot ni Jennica at tuluyan nang bumaba sa taxi.

"Isha, bakit di mo sinama si Harry?" tanong ni Jasmine habang nakangiti ng nakakaloko.

"Ha? Eh bakit ko naman siya isasama?" nagtatakang tanong ko sa kanila.

Bakit ko naman siya isasama? Eh sino ba siya? 

... Sino nga ba siya? ...

"Eh bakit mo naman hindi siya isasama?" pagbabalik ni Chanel sa tanong ko. Kahit kailan talaga 'to, ang hilig mambara.

"Eh... hindi ko naman siya--" 

"MANONG! LAGPAS NA BAHAY NAMIN!" sigaw ni Jasmine. Naalog ang buong katawang lupa ko sa biglaang pag preno.

"Jusko. Jas! Ano ba yan," sabi ni Chanel at umayos ng pagkaka-upo.

"Sorry. Haha! Sige, bye girls!" sabi ni Jasmine at nag flying kiss.

Napatawa at napa-iling nalang kami ni Chanel.

"Diyan lang po sa may brown na gate," sabi ko at bumaba ng taxi.

Sumilip ako sa bintana at kumaway kay Chanel.

"Ingat, Elle" sabi ko at pumasok na ng bahay. Nagpalit na ko ng damit at inihanda ang gamit ko para sa practice. Pagkatapos ko, kinuwa ko na yung bola at lumabas ng bahay.

I Ball In loveWhere stories live. Discover now