Chapter 2 *Indirect Kiss*

47 3 1
                                    

February 2, 20XX- Saturday

*knock knock*

"Florentine! Bumangon ka na diyan!" rinig kong sigaw ni Kuya mula sa labas ng kwarto ko.

"Kuya Paolo, ayoko pa! Inaantok pa ako!" sagot ko at nagtakip ng unan sa mukha.

Narinig ko naman yung mga hakbang ni Kuya pababa ng hagdan. Hay salamat! Tinantanan na rin ako. Nagtalukbong na ako ulit ng kumot at bumalik sa pag tulog.

Minulat ko yung isa kong mata nang marinig kong may nagsususi sa pinto ng kwarto ko. Bigla namang pumasok si Kuya habang nakapamaywang.

"Patrisha Florentine Concepcion, kanina pa ko sigaw nang sigaw para gisingin ka kaninang umaga pa pero tulog mantika ka! Bumangon at maligo ka na dahil yung boyfriend mo na sa baba at kanina pa nag hihintay," dire-diretsong sabi ni Kuya.

Agad naman akong napabangon at sinabing, "KUYA?! Wala akong boyfriend!"

"Lalaki 'yun at kaibigan mo, okay? Boyfriend ang tawag dun! Sige na sige na, maligo ka na," protesta ni Kuya at lumabas na ng kwarto ko.

Tss! Tumayo na ako at dumeretso ng Bathroom. I thought I will have a peaceful Saturday rest, but pagising ko si kuya na nag p-pms ang bumungad sa umaga ko.

Ni- hindi nga nag good morning eh. Sinermonan agad ako. 

Pagtapos ko maligo, hinanda ko na yung mga gamit ko. Kinuwa ko na yung bag ko at naglagay ako ng pera, cellphone, tubig, small towel, extra na damit, pulbo, cologne, suklay, alcohol, toothbrush at kung anu-ano pa. 

Anu ba, babae ako eh! *wink*

Bumaba na ako pag tapos ko magbihis at naabutan ko namang nakatago si kuya sa may kitchen at may sinisilip sa sala. Hmm..

"Kuya!" pabulong na tawag ko sa kanya

"Sshh! Florentine, kailan pa kayo nagkakilala niyang lalaking 'yan?" pabulong na tanong ni kuya habang nakatingin pa rin sa sala.

"Uhm, kahapon. Bakit?" mahinang sagot ko.

"Sure ka? Ngayon ko lang ba siya nakita? Ngayon lang siya pumunta rito?" sunod-sunod na tanong niya.

"Oo, yup and yes, kuya. Ang dami mo namang tanong. Sige na, aalis na ako. Bye,"

"Sige sige, mag ingat ka. Tanga ka pa naman. Hahahaha!" sabi niya at tumingin sa akin.

"Che!" sabi ko at pinalo siya sa braso.

Naglakad na ako papuntang sala at naabutan ko si Harry na naiinip na nakatingin sa hagdan. Akala niya ba doon ako bababa? Haha! Ibang hagdan 'yun.

"Hay salamat! After 5 hours na paghihintay nagising ka rin," sabi niya habang nag-uunat.

"Sorry, 'di ko alam ganito ka-aga ka pupunta," sabi ko habang nakatungo.

"Tss! Tara na nga," sabi niya at hinawakan ako sa kamay. Hindi holding hands ha, yung hawak baby. Kung paano humawak ng kamay ng bata, gano'n lang. 

"Wait lang, kakain muna ako!" pag pigil ko sa kanya.

"Tara na! Doon ka na kakain!" sabi niya sabay hatak sa akin.

Well, wala akong magagawa. Ang lakas niya eh.

Lumabas na kami ng bahay at naglakad papuntang covered court. Habang naglalakad, napa-isip ako sa sinabi niya kanina.

"Hay salamat! After 5 hours na paghihintay nagising ka rin." Tinignan ko naman yung oras sa cellphone ko, 12:30 PM. Maga-anim na oras na siyang naghintay do'n. Bumilang naman ako ng limang oras pabalik, 7:00 A.M siya pumunta sa bahay?! He's insane!

I Ball In loveWhere stories live. Discover now