Chapter 7

Yuck, ganun pala yung feeling ng may paparazzi haha. Ang cool. Pero pano na si Harley, sigurado, nakilala siya eh. Ako na yung may suot ng hoodie niya eh.

 

Hingal na hingal na sila pagbaba ng footbridge. Pumunta sila sa lugar na out of sight sa Orion.

“Hay! Patay ka! Sabi ko naman sa’yo eh hwag mo na hubarin yung hoodie! Ang kulit mo!”

“Anong magagawa ko haha”

“Tawa-tawa ka pa!”

“Okay lang yun haha, napagod ako dun ah haha!”

“Sige na, diyan na yung bahay namin!” Di ka naman makakapasok na dahil wala kang id!”

“Ok! Bye Isabelle. Tomorrow yung hoodie ko ah!!”

Tapos tumakbo na ito!

Kunwari pa to! Tatakbo rin pala. Takot din palang may makakilala sa kanya. Makapasok na nga.

 

Nakita siya ni manong guard na medyo friend-friend niya.

 

“Phoebe bakit ngayon ka lang, nagagalit na yata si Sir Kent”

Sabi ni kuya guard. Ang pagkaka-alam nito katulong lang siya sa bahay nila. Syempre wala nga dapat maka-alam pa na mag-asawa sila.

“Oo, madami pa kasi akong hindi nalalaban! Thanks kuya manong! Pasok na ako ah” sabi niya na lang. Para wala ng itanong si manong guard na hindi niya naman alam ang pangalan.

Tumango si manong guard. Hindi niya alam na nagphone-in na rin ito sa bahay nila.

“Ano po nandiyan na ba si Phoebe” ang bilis sumagot ni Kent parang hindi pa natatapos yung ring, nasagot nito na agad.

“Kapapasok lang po sir. Ngayon lang po. ” Sagot naman ni manong guard. Nagtatataka ito.

Ano kayang problema ni Sir Kent sa batang katulong na yun? Ewan ko ba diyan kay Phoebe bakit nagtatrabaho pa bilang katulong dun. Sabagay baka malaki magpaweldo. Nakakapag-aral nga rin siya sa school ni Sir eh.

 

“Sige salamat manong!”

“Ah okay la ---  ”

*BLAG*

Di na nya natapos ang sasabihin niya. Binaba na agad ni Kent eh

Ay binaba na agad! Anu ba yun?

Napakamot na lang ng ulo si manong guard.

Mga 5 blocks away ang mismong bahay nila Phoebe mula sa gate ng village. Nasa pangalawang kanto pa lang siya ng marinig niya yung tunog ng kotse.

Parang katunog ng kotse ni Kent. Alam niya kasi kahit tunog lang ng makina. Pag lingon nya tama siya. Yung black matte Mercedes Benz (as seen at the right) ni Kent ang nakikita niya. Saan kaya pupunta si Kent, may shooting na naman?

Pumara ito agad sa harap niya. Bumaba ito at hinila siya sa front seat.

“SAKAY!”

“Teka—teka anu ba, wait! Saan ba tayo pupunta? Gabing-gabi na tska hindi pa akko nakakauwi ng bahay. Pwedeng mag-palit muna?”

“Anong saan pupunta?”

“Eh bakit ka nakasasakyan?”

“Uuwi! Tanga mo, engot ka!”

“Grabe naman to makapanlait!! Eh bakit ka pa nakasasakyan, sayang ka sa gasolina! Ang lapit-lapit ng bahay, susunduin mo na nga lang ako, de-kotse pa… ah wait… sinundo mo lang ako?”

Bigla naman siyang kinilig, ito kasi yung pangarap niya, magka-asawa na susunduin siya, ihahatid at ide-date kung saan saan.

“Hwag ka ngang mangarap! Bobo!”

“Teka nga Kent, bakit ba aburido ka?! Kailangan may kasama pang panlalait lahat ng sasabihin mo?”

Dahil nga malapit na lang sila sa bahay, bumusina na agad ito. Binukasan ni manang Lourdes yung gate at pagka-park, bumaba na agad ito. Di man lang siya sinagot.

“Hoy Kent!!!”

Papa-akyat na ito ng hagdan nung magsalita ulit. “Sa susunod kung makikipag date ka, isipin mong may pasok pa kinabukasan, hwag kang masyadong maging iresponsable Phoebe.” Tapos umakyat na agad ito

Date? Anong sinasabi nun? Mind reader ba yun? Nalaman niya kaya na may usapan na kami ni Harley? Eh para naman sa kanya yun eh. Para hindi ipagkalat ni Harley ang totoo. HUWAAAH! Alam niya na ba? Naku hindi.. hindi… No!”

 

“Pagpasensyahan mo na yung alaga ko, alam mo naman yan maiinitin lang talaga yung ulo nun, kung anu-ano lang sinasabi pero nag-aalala yun sa’yo” sabi sa kanya ni manang Lourdes

“Naku manang di ko talaga maintindihan yan paiba-iba ng ugali!”

“Pero okay ka lang ba talaga? Saan ka ba nanggaling? Ngayon ka lang ginabi ng ganyan ah?”

“Pasensya na manang, Nakulong kasi ako sa elevator eh. Kainis, nagbrown-out kasi. Ang problema, wala namang signal. Sorry manang.”

Yun na lang ang sinabi niya, kahit alam niyang hindi naman talaga nawalan ng kuryente.

“Okay ka na ba? Buti naman at nagkaroon ulit ng kuryente kundi kawawa ka naman.”

“Sige manang pagod na talaga ang beauty ko hahaha good night!”

“Haha. Good night iha, ikaw talaga”

Hindi na siya nakapag-palit ng damit sa sobrang pagod. Bagsak talaga siya sa kama.

*later

Secretly Married .ƒĢ. (Completed and Published in English and Indonesian)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!