Chapter 넷 NET.

142 6 2
                                    

Chapter 넷 NET.

[Lexie’s POV]

“Hayy… akala ko Key, hanggang panaginip lang kita! Ikaw naman Taeminnie, humanda ka! Dahil hindi na ikaw ang sasayaw sa para saakin, ako na ang sasayaw sa harapan mo! Puhahaha~! Ikaw naman Jonghyun! Pinagpupuyatan kong praktisin ang vocals ko para sayo, you naman Onew my labs---“ 

Aray naman! =__=

May sumapok saakin, si palaka siguro ‘to, so, lumingon ako!

At hindi nga ako nagkamali! +___+

“Hoy! Kuya Palaka! Bakit mo ko sinapok hah?!”

“Nagsasalita ka nanaman kasi diyan na mag-isa! Pinag-titinginan ka na nga eh!”

“Minsan nga lang akong ganito eh…”

“Anong minsan ka dyan? Okay… sa Saturday at Sunday ka lang di ganoon!”

“At least meron parin, Saturday at Sunday.”  Pinandilatan ko siya ng mata.

“MS. PACADA! COME HERE PLEASE…”  Ay! Ba’t kaya ako pinapatawag? Tumingin ako kay Kuya Lein na nag-a-arooo saakin. Hehehe!  “AND… MR. ZAPANTA TOO.”

Hahahaha! Aroooo pala ah? Arooo din siya! :P

Nag-aroooo sign ako sa kanya. Inirapan niya lang ako. Marunong din pala siya ng ganun? Wahahaha!

Lumapit na kaming dalawa kay Professor Mrs. Corona.

“Ms. Pacada, Go now at High School Department, your Mom is now at downstairs.”  Nagka-tinginan kami ni Kuya Lein.  “Mr. Zapanta, accompany her as you always do. Thank you.”  Nag-smile si Ma’am saamin.

Waaaah! Thank you po talaga ma’am! Siya kasi yung nagpapa-alam saakin kapag pumupunta si Mama dito, ‘di niya pa kasi talaga alam hanggang ngayon.

“Tara na?”  inilahad niya saakin ang kamay niya. Tinanggap ko yun.

Tapos… tumakbo kami ng sobrang bilis!

Nung nasa harapan na ako ng locker ko, kaagad kong binuksan at kinuha yung highschool uniform ko.

“C.R. lang ako Kuya, puntahan mo na si Mama.”

“Sige, sige.”

[Arlein’s POV]

“Tita…”  tawag ko kay Tita Liza.

“Oh ikaw pala ‘yan Lei-Lei.”  Ngiti ni Tita.

Nyaaa! LEI-LEI? Si Tita talaga, hanggang ngayon, ganyan parin ang tawag saakin.

“Nasaan na si Lexie hah nak?”

“A-ah? si Lexie po ba?”

“MAAAMAA!”  Ay! Buti naman! Dumating na siya.

“Anaaak!”  niyakap niya si Lexie.  “Dumaan lang ako saglit para ibigay sa iyo ito.”  Ang bait talaga ni Tita, pinag-dadala niya pa ng Lunch si Lexie sa school.  “Marami yan hah anak! Bigyan mo rin ‘tong si Lei-Lei.” 

“Nag-abala pa po kayo Tita, kahit wag na po ako, ayos lang po ako.”  Ngumiti ako kay Tita.

“Ay! Hindi pwede ‘yun, anak, sabihin mo saakin, kapag di kumain itong si Lei-Lei hah?”  baling niya kay Lexie.

“Hehehe! Sige po Mama.”

“Oh siya mga anak, mauuna na ako hah? Mag-lalako pa kasi ako.”

“Mag-iingat ka ho Mama hah?”  niyakap niya si Tita.

“Oo naman anak, ikaw rin hah?”

“Opo.”

Tapos ay umalis na si Tita.

FANGIRL turns SUPERSTAR! (A SHINee fanfiction)Onde histórias criam vida. Descubra agora