Chapter 01 - We are married (July 8, 2011)

Start from the beginning
                                    

Di napansin ni Phoebe ang ginagawa. Di niya na pala napigilang kumatok sa glass panel. Kitang kita Tumingin agad si Kent na parang maglalabas ng laser beam at mamatay siya sa kinatatayuan sa kahit na anong oras. 

Etong masungit na ito. Flirt ka! May asawa ka na noh!! 

Gusto niya sanang isigaw. Yung pagngingitian kasi nito sa harap ni Elisa ay ultimo commercial na kahit sino ay napapatingin na lang na parang isang napakagandang tanawin.

Nagulat na lang siya ng lumabas bigla si Kent.

"ANO bang sabi ko sa'yo?" pahinang sabi nito, nakatingin kasi lahat pati na lahat ng mga nasa section A. Kabilang na ang ilang pumapasok at lumalabas. 

"W-wala." bigla naman siyang nautal. Nakipagtitigan na lang siya. Naalala niya, oo nga pala, kabilin-bilinan ni Kent na bawal siyang kausapin sa school. Hindi ba't kasasabi lang nito kanina bago ito umalis? lagot na naman siya. 

Napakagat na lang si Phoebe sa labi. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip niya at kumatok siya ng ganoon?

"Sabi ko naman sa'yo hindi ako nakikipagdate sa hindi ko kakilala, miss... ano nga ba ulit pangalan mo?" sabi ni Kent na parang hindi talaga siya kilala.

Anong sinasabi nito? Nakikipag date? Siya? At hindi niya pa daw ako kilala. Talagang artista kang Kent Fuentabella ka!

"A-ANO?"

"Ang sabi ko, hwag mo nang ipilit miss, o ito na lang autograph para manahimik ka hwag ka namang sumusunod kahit sa classroom. Please?"

Namalayan na lang ni Phoebe na hinahawakan na ni Kent ang kamay niya. Pero hindi dahil sa kung ano pang iniisip niya. Sinulatan lang pala nito ang likod ng palad niya. Para pumirma! 

"Takteng bata to! Kabisado ko na yang pirma mo dahil inutusan mo akong mag-forge para makapagpahinga ka dahil sa dami ng pipirmahan mong posters mo!"

"Okay na ba yan miss?" nakangiti pa talaga ito ng matapos mag-sign sa balat niya.

Gusto na sana niyang sumigaw at ibuking ang lahat ng lihim ni Kent ng biglang may magsalit.

"Miss Bernal, anung-ginagawa mo pa dito? Magta-time na. Ang autograph signing ay hindi sa oras ng klase." pumasok ang homeroom adviser ni Kent at nahiya siya. Buong alam pa rin ng lahat ay isa lang siyang simpleng fan na nagpapa-autorgraph. At sa school, Bernal pa rin ang surname niya.

"Opo ma'am." walang nagawang sabi niya. Naramdaman na lang niya na kinakaladkad na siya ni Jhone palayo sa Section A papunta sa tamang kinalalagyan nila. Ang Section D.

"Hoy Fibs, langya ka, ano naman ang naisipan mo at mukhang engot kang kumatok dun?  Muntik ng maging marshmallow yung tuhod ko sa pagkapahiya sa'yo eh."

"S-sorry na, nakakainis talaga yun Jhone. Grrrrr!" malapit na siyang maging Leon. Naisip niyang humanda talaga si Kent sa bahay nila mamaya. 

 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Secretly Married (Completed, 2011)Where stories live. Discover now