Chapter 01 - We are married (July 8, 2011)

Start from the beginning
                                    

"H-ha?"

"Anong ha? Jusko. Huling-huli ka naman eh. Kaya alam kong ayaw mong makipag-divorce."

Pinilit ni Phoebe na makabawi.

"Excuse me, Jhoney. Ikaw kaya ang nagsabi sa'kin na magpa-change of status na ako. Iparegister ko na 'tong bagong kong surname at--"

"Shonga! Adik ka talaga. Biro ko lang 'yun dati. Sineryoso mo naman. Paano at bakit mo naman gagawin 'yun eh di sana pinagkalat mo na lang din na mag-asawa kayo. Jusmiyo marimar ka talaga fibilina!"

"Eh kasi!"

"Eh kasi mahal mo!"

"H-huh? Hindi ah. Nakakaoffend lang talaga minsan. Alam mo yun bawal pa siya kausapin, itext na lang daw siya. Meron ba namang ganun? Nakakahiya ba ako kasama? Samantalang kapag yung magagandang classmate niya ok lang?"

Marami kasing nali-link kay Kent na kung sino-sino. Bwan bwan na lang iba-iba ang nakikitang kasama. Lahat na yata ng babae, basta maganda at maituturing na It Girl. Playboy nga ang tawag sa kanya kahit 18 years old pa lang siya eh. Ewan ba ng lahat bakit parang nakalakas pa yata ng karisma nito yung tatak na playboy. 

"Sabi ko kasi sa'yo mag-ayos ka din. Magpa-parlor ka everyday!"

"HEH!"

"Hay naku ewan ko sa'yo ayaw, love mo na yata talaga siya sis. Dati-rati di ka naman naiinis ng ganyan eh. Hayaan mo na, 'di bale ikaw naman ang legal wife!" 

"Oo na, oo na. Tara na nga!"

Dumeretso na sila sa klase

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dumeretso na sila sa klase. Hindi na rin naman matitigil ang pinaglalaban ni Jhone kahit na ano pang gawin niya kaya mas pinili niya na lang manahimik kahit marami pa din siyang gustong sabihin.

Nasa iisang floor lang halos ang mga classrooms ng bawat year-level kaya halos hindi rin sila nagkakalayo ang pagitan nila ni Kent sa eskuwelahan. Ang agwat nila, ay ang ilang classroom na nakapagitan na nagsilbing distansya ng mga kakayanan ng utak nila. Hindi niya naman classmate si Kent. Matalino kasi talaga ito, eh siya, sinasabi niya sa sarili niya... Bonacles ng bayan, bobo. Biro nga ni Jhone, ang utak niya ga-munggo, kalahati bulok.

"Psst..." naramdaman niyang sinisiko siya ng kaibigan habang mabagal na dumadaan sa mga classroom na ang kalahati ay glass panel. Hindi na sana niya papansinin pero sa lakas ng boses at tindi ng diin ni Jhone, tumingin rin siya "Ayun! Ayun si husband deary mo, nakikipagtitigan naman kay Elisa oh oh!"

Ang haba ng nguso ni Jhone sa katuturo kina Kent at Elisa na nasa loob ng iisang classroom. Ang High And Might Supreme Section A. Si Elisa, yung commercial model nilang kaklase na si tingin ni Phoebe ay hindi naman talaga maganda sa personal pero telegenic sa screen kaya maraming commercial. Ultimo suka at toyo eh mino-model.

Alam ng lahat na may gusto ito kay Kent dahil bukambibig din nito sa harap ng mga cameras ang paghanga sa artista.

Tok tok tok!

Secretly Married (Completed, 2011)Where stories live. Discover now