[8] Magbabati kaya kami? Mukhang malabo.

Start from the beginning
                                    

Miks: LOLA! Miks kasi. Jusko! -_-"

Lola: Oh siya siya. Faith, tulungan mo akong maglinis.

Ate: Opo, lola. Oh bahala na kayong dalawang baklita diyan. 

Tapos naghugas sila ng pinggan. Kami nasa sofa nanunuod ng Ina, Kapatid, Anak.

"Kalurki talaga sa pagkapapable si Enchong Dee!"

"Koraaak! Bagay nga sila ni Kim Chiu eh."

"Oy ah. Xian and Kim!"

"Enchong and Kim din!"

"Whatavaaah. Kimerald pa rin ako."

"EMEGED! Kimerald forever!"

"Kaso babu na ang loveteam natin. :("

"Oks lang yan bakla.. Tarang magartista.. Hope and Miks.. HIKS LOVETEAM."

"CHAKA NAMAN TEH! Hiks?! Parang hinikang loveteam lang! Parang di swak sa panglasa ng masa!"

"Talagang hindi swak! Kasi kami ni Enzo ang bagay."

"-_- Yan na naman tayo teh. Imagine imagine din."

"OY BAKLA WAG KA ANO!!"

At ayun nga kinwento ko ang lahat at ang ginawa niya...

"AAAAAAAAAAHHHHHHH!!! OMAYGHAAAAD! SAAN AT MAGKANO ANG GAYUMANG BINILI MO?! Saang enkanto ka humiling?! Saang templo ka nagdasal?! At ilang gabi ka nagpuyat para sa falling stars?!"

"Di ko na kailangan yun.. May ALINDOG  ako."

"Teh. Wag masyadong assuming ah? Alindog?! Saang banda?! Sa may kilay ganun?!"

"Ang sama mo! Inggit ka lang kasi nagdate kami!"

"BAKIT KA GANYAN! Malandi ka."

"Pag nagdate malandi agad?!"

"Kung isa sa TRES GWAPITOS.. OO!!! Hayop ka!"

"Hayop agad?! Di ba pwedeng dyosa?!"

"DYOSA?! Ng ano?! Ng halamang nanuyot?! Yung ginagawang tsaa?!" 

"Sama mo! Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita."

"WAPAKELS MUDRABELS!! Naiinggit ako. Ba't mo ginawa yun! Dapat hindi ka nakipagdate." 

Tapos tumalikod siya. Abaaa. Mukhang nainggit nga si bakla! 

"Uyyy nagtatampo na si Mikkkyyy."

"MIKY?! Ano yan?! Bihon?! Ew."

"Uy nagsasalita na.. Bati na kami."

"Bakit kanina ba pipi ako?!"

"Uyyy nakikipagtalo na.. Bati na talaga."

"AY NAKU HOPE TIGILAN MO KO!"

"Uy lumalabas pagkakalalaki, sige ka mainlove ako niyan."

"....."

"Uy joke lang."

"....."

"Uy.."

"KADIRI!! DI KO MAIMAGINE! Over my dead body! You?! Juskolord! Ano po bang kasamaan ang ginawa ko sa naging buhay ko noon?!"

"Oy ah! Grabe naman 'to! Ganoon na ba ako kapanget?"

"Ganon ka kashunga!"

"Oy nag-aaral ako."

"YUN NA NGA! Nag-aaral ka na nga.. Nganga ka pa din."

"Sakit mo magsalita ah!!"

"Oh ano?!"

100 Steps To His Heart [Published Book]Where stories live. Discover now