[8] Magbabati kaya kami? Mukhang malabo.

Magsimula sa umpisa
                                    

"Proud ka pa non?! Dapat balansehin. Masama naman yung puro ka puso.. Baka masaktan ka."

"Di na baleng masaktan, basta alam ko.. Nagmahal ako. At wala akong pagsisisihan sa huli kasi gusto ko yun."

Napabuntong hininga na lang si Ate. 

"Halika na nga bumaba ka na doon at baka gutom lang yan kapatid."

"Naku baka nga!"

Nauna na siya bumaba.. Ako? Hinanap ko muna ang bag ko..

OMG! WALA!

YES!! 

-_-? Ako lang ata yung taong masaya pa at nawala ang bag niya..

Pero kasi, ibig sabihin noon..

HINDI PANAGINIP LAHAT NG NANGYARI! 

"OMAYGHAAAAAAAAAAAAD!!!!"

Maya maya may kalabog akong narinig.

"KUMAIN KA MUNA DITO!!!" sigaw ni Ate. Okay. KJ! Palibhasa masaya na sa boyfriend niya!! 

Pagbaba ko para kumain biglang may nagdoorbell..

OMG! Di kaya si Enzo 'to?! Baka may naiwan ako sa kotse nila! Baka yung puso ko sumama na muna sakanya.

"Ate ako na!" sabi ko pa. Excited pa ang lola mo ng biglang..

-____-" Paasa.

"HALU BAKLAAAAA!! Halu Ate! Halu grandmama!" Si Miks lang pala. Ayun nilampasan niya lang ako! At dumeretso sa dining table.

Ate: Anong ginagawa mo dito Miks?

Miks: Eh kasi Ate.. Makikikain ako. Namiss ko luto ni GrandMama!! Ano nga?

Lola: Naku, ito pala ang makulit na kaibigan ni Hope. Buti at madami akong nailuto. 

Miks: Yun sakto!!

Kakain na sana si Miks ng bigla kong inawat.

Miks: KALURKS!! Ready na throat ko ichug the foodang eh! Watit ang problemski?!

Hope: Magdadasal muna tayo. -_-" Baklang 'to! 

So yun nga, kanya kanyang pwesto at nagdasal na kami. 

Sanay na kaming minsan nakikikain tong si Bakla sa amin. Lagi kasing umaalis ng bansa parents niya kasi mayaman eh! Pah nandito naman sa bansa laging wala kaya palaging order yan. Minsan nagcracrave sa lutong bahay kaya ito... Kami ang pinupurwisyo. 

Hindi nga pala alam ng parents niya na bakla siya! Only son yan eh. Kawawa nga eh.. :(

Miks: Makatingin ka naman teh, parang ako mismo naawa sa sarili ko. PG-ng PG na ba ako sa paningin mo?! 

Ako: Isang butil na lang ng kanin papasa na. 

Miks: *kumain ng isang butil*

Ako: PG ka!!

Miks: PRINSESANG GANDA!! :"> 

Ako: Baks. Kumain ka na lang!! -_- 

At ayun nga, kumain na kami. Chinika niya si Ate sa boyfriend niya. Tapos si Lola nagpaalam siya kung pwede makitulog. 

Ako: ABA! Nakikain ka na nga, nakitulog ka pa.

Miks: Parang wala kang utang na loob sa akin ah?

Ako: WALA TALAGA!!

Miks: Wala ba? Hehe. Sige na guuurl. 

Lola: Sige hayaan mo ng matulog sa atin yang si Michael.

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon