*o* Paalam na, aking mahal...(Kay hirap sabihin :)

2.3K 43 12
                                    

Drake's POV

Hindi ko kayang makitang ganun si Steffi. Syempre kaibigan ko na rin siya, alam kong mabait siyang tao. Pero kailanga ko lang diretsuhin ung baluktot na utak ni Steven.....

Pumunta ako sa rooftop. Alam kong nandun lang siya...............

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Ikaw pala. Gusto mo?" sabay alok sakin ng beer

"No thanks. Gusto kong mag-usap tayo"

"Para san? Kung tungkol lang to kay Steffi, ayoko na"

"Steven, talaga bang ganyan ng katigas yang puso mo! Tuluyan na bang nilamon ng galit yang puso mo hah!? Sino ka para saktan mo ng ganun si Steffi!? Oo, maaaring sinaktan ka nya noon pero nagawa lang nya yun dahil naguguluhan siya nung mga panahon na yun. Pero ngayon labis nya na yung pinag-sisisihan at nakikita namin yun. SA bawat pag-iwas mo sa kanya, sa twing makikita niya kayo nila na Masaya nasasaktan siya. Steven.........magkakaibigan tayo. Hindi mo man lang siyang magawang mahalin ulit pero sana mapatawad mo siya."

"Sinaktan nya rin ako noon. Hindi lang sinaktan kundi pina-asa pa. Alam mo bang sa twing nakikita kong namimiss nya si Carlo, sobrang sakit nun sakin. Tiniis ko lahat ng sakit para sa kanya kahit alam kong hindi ko na kaya kinaya ko dahil naaniniwala akong makakalimutan nya rin si Carlo. Pero mali ako.................imbes na makalimutan nya naaalala nya pa sakin! Alam mo bang kung gaano kasakit yun hah drake!? "

"Parehas lang kayong nasaktan, umiyak, nagalit pero hindi yun sapat na dahilan para saktan mo siya ng ganun. Steven, iba ang nararamdaman ng isang babae kesa sa lalaki! Napanood namin ung sagutan nyo kanina ni Steffi, naglagay kami ng video cam dun sa loob ng kwarto. Nakita at narinig namin ang lahat-lahat! Hindi ko inakalang magagawa mo yun kay Steffi. Hindi kaya sobrang pagpapahirap na ung ginagawa mo ngayon kay Steffi? Hindi natin alam ang mangyayari pagkatapos nitong araw na to. Hindi natin alam kung hanggang saan o hanggang kelan magiging ganito ang lahat? Sana, wag mong hayaang dumating sa punto na halos isumpa mo na siya."

Pagkatapos ko sabihin lahat ng yun umalis na ko. Haaaaaay, sana matapos na ang lahat ng to. =((

***

Steffi's POV

Umuwi ako sa bahay ng tulala. Pipigilan ko muna tong luha na to kapag kaharap ko si Kuya. Ayoko kong malaman nya kung ano ung nangyayari sakin.

"O bunso andyan ka na pala, kamusta?"

"O-okay lang kuya."

"Sa tono ng pananalita mo, mukang hindi ka okay. Come on, tell me?"

Matagal ko munang tinitigan si Kuya bago ko siya yakapin ng mahigpit.

"Kuya.......................kuyaaa....." habang nakayakap

"Ano yun? Sabihin mo sakin?"

"Wala to kuya. Napagod lang ako kanina. Sige pahinga nako. Goodnyt"

Past Lover or Present Lover? |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon