장 9

2.8K 46 1
                                    

Vanna's POV

Oh My Geee! Magkasama kami ngayon ni Drake na nililibot ang buong Tagaytay ^___^ Sobrang saya ko, sana hindi na matapos ung araw na to!

Gustong-gusto ko na talaga si Drake

.Pero, alam ko namang kahit kelan di nya ko magugustuhan dahil kaibigan lang ang tingin nya sakin. Pero okay narin ung ganito, atleast nakakasama ko sya, nakikitang masaya at sana balang araw, ang dahilan ng bawat pag ngiti  niya ay AKO na Boom! :D

Nandito kami ngayon sa bilihan ng mga souvenirs at mga T-shirts.

"Ang ganda naman ng bracelet nato"sabi ko sa sarili ko

"Gusto mo?" narinig pa la nya

"Ha? Ah-e..Hindi. Nagagandahan lang ako"

Gusto ko naman talaga yun eh. Pero gusto ko ang magbigay sakin nun ay ung taong mamahalin ako ng buong-buo.

"Okay....tara dun sa bilihan ng mga T-shirts"

"Tara sige!"sabay hila ko sa kanya

"Ate! ate! Magkano ung ganito??" hawak-hawak ko ung t-shirt na kulay yellow

"Naku! Murang-mura lang yan! At dahil sa maganda ka, 150 na lang sayo!"

"Naku si ate, nangbola pa!"

"Totoo nga! Kahit tanong mo man dyan sa boyfriend mo!" turo kay drake

"A-ako?" sabi ni drake

"A-a-ay naku naman si ate! Hindi ko po sya boyfriend, magkaibigan lang po kami. Di ba?"

"Y-yeah" sabay tawa ng mahina

"Sayang naman, bagay pa naman sana kayo. O sya! kunin mo na yan, murang-mura ko na sayo yan ibibigay. Actually, couple shirt yang hawak mo............eto pa nga ung kapartner nyan eh......teka asan na bayun?(habang naghahalungkat pa si ate) ETO! O di ba ang ganda..bagay na bagay sa inyo yan!"

"E-e-e hindi pwde ung couple shirt ate, kasi hindi naman po talaga kami. I-i-ba na lang po garud ate na t-shirt"

"No..bibilin po namin ung couple shirt" sabi ni drake sa tindera

Teka, nababaliw na ba tong lalaking to!? Ang couple shirt para lang yan sa magjowa, ee hindi naman kami magjowa ah...Teka, baka naman sa iba niya ibibigay. Tama. sa iba nya yan ibibigay, alangan naman sakin. diba?

"Saan mo ibibigay?" tanong ko

"Isusuot natin, hindi naman siguro masamang magsuot ng couple shirt di ba? Tsaka as a friend lang naman, walang ibig sabihin nun. Okay" array! it hurts! ang sakit namang marinig nun

"A-ah O-o naman hehe" sabi ko na lang

"O ayan na ang couple shirt nyu! Sigurado akong pag-sinuot nyu yan, pagkakamalan kayo na magjowa talaga! :D Perfect couple kayo!"

"Tsss...sige po ate, Salamat :)" pagpapaalam ko kay ateng bolera

Drake's POV

Mukang mali ung nasabi ko kanina kay Vanna. Tanga ko! Sh*t!

Talaga bang muka kaming magsyota nitong si Vanna?

Haay, ang gulo lang talaga. Ang gulo talaga ng feelings ko kay Vanna. Gusto ko ba talaga sya? O baka naman mahal ko na siya? ?___? Gusto rin kaya nya ko? Haist, ang gulo talaga

"Uhm, drake...pagod na ko. Balik na kaya tayo"

"Sige. Gusto mong tubig? Bibilan kita"

"S-sige salamat"

Bakit parang napagod agad sya. eh kanina lang inaaya ko syang umupo muna, ayaw nya. Sabi nya di pa daw sya pagod. Tapos ngayon pagod na agad sya..ang gulo

"Ate, Mineral Water nga"

"Ilan?"

"1"

"O!" sabay abot sakin nung tubig

"Eto ung bayad. Keep the change"

Pupunta na sana ako kay vanna ng biglang nakita ko ung bracelet na tinitignan nya kanina. Alam kong gusto nya yun, pero bakit hindi nya binili?

"Ate magkano to?" hawak-hawak ko ung bracelet

"200, at dahil pogi ka 150 na lang"

Kung bibilin ko to? Ibibigay ko ba sa kanya? Kasi kung ibibigay ko sa kanya, baka kung anong isipin nya. Haay, nevermind na nga lang

"No thanks na lang ate" sabay alis ko

Pumunta na ko kung nasan si Vanna....pero bakit parang ang lungkot ng muka nya? Tsaka bakit parang u-umiiyak sya???

Teka, bakit affected ako..Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak. Punyetang feelings na to! Gulong-gulo na ko!

"V-vanna?"

"D-drake?" sabi nya sabay punas ng mga luha nya

"U-umiiyak ka?"

"Hah? H-hindi ah. Masyado lang napatagal ung tingin ko sa view. Ang g-ganda kasi eh."

"Ganun ba. Eto ung tubig mo" sabay abot ko ng tubig

"Salamat :)..."

"Ano, babalik na ba tayo?"

"Uhm, wag pa pala. Gusto ko munang ienjoy to. Tara! Tara mag horse riding! ^___^"

"Sige.....sabihin mo lang sakin kung hindi ka na-nageenjoy..ibabalik na kita"

"Sige"

F*ck! Ano nanamn ba tong mga sinabi ko! Puputulin ko na talaga tong punyetang dila na to eh! Kung ano-ano ung sinasabi >__< Leche talaga!

Vote and Comment po

T.Y

=)

Past Lover or Present Lover? |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon