Move On???

2.2K 32 3
                                    

Drake's POV

Dati kami ni Vanna ang may problema.......akala ko wala ng mas hihigit pa sa problema naming yun. Nagkamali ako............Mas mabigat ung dinadala ngayon ni Steffi at Steven. Haay, dalawang beses ko ng nakikitang umiiyak si Steven dahil lang kay Steffi. Masasabi kong, mahal na mahal talaga ni Steven si Steffi. Si Steffi ang nagpabago ng madilim na aura ni Steven. Haaaaaaaaaay, may pag-asa pa ba kayang magka-ayos sila?

"Sigurado ka bang nandun lang si Steven sa bahay nila?" Renz

Papunta kasi kami kila Steven.....manganga musta.

"Oo. Sa lagay nya ngayun, hindi na niyang makukuha pang mag bar"

"Hay, first time kong nakitang umiyak si Steven. Sayang dapat pala pinicturan ko. " Renz

"Gago ka talaga. Ganun na nga ung nangyayari sa kanila eh, nakukuha mo pang magbiro"

"Tsss, sorry" Renz

Sa wakas nakarating na rin sa bahay nila.......Tama ako, nandito nga siya. Nandyan ung kotse nya eh.

"Good Morning po mga Sir." yaya

"Si Steven?" Renz

"Oooh, Hello mga iho!" Tita

"Good Morning po tita" sabay pa kami ni Renz

"Good Morning din, hinahanap nyo si Steven?" Tita

"Opo. Andyan po ba siya?"

"Yes. Nandun sa kwarto nya, nagmumukmok. I don't understand why he is acting like that? Last night, he was so drunk. At umiyak lang siya ng umiyak sakin. Wala naman siyang sinasabi sakin. Ano bang problema ng anak ko? I know, alam nyo. Pls mga iho, tell me." Tita

Patay.........sasabihin ba namin? Tinignan ko si Renz, pero ang gago nakangiti lang. AMPUCHA!

"A-ahm tita, yun nga po ung dahilan kung bakit kami nandito. Tatanungin po sana namin si Steven kung ano ung problema nya"

"Aay ganun ba. Sige, andun siya sa kwarto niya." Tita

"Salamat po"

Tapos pumunta na kami sa kwarto niya...........Pagbukas namin ng pinto, WOW! Black and White na nga tong kwarto nya, nakasara pa lahat ng bintana at kurtina. Ano to? Vampire siya?

"NakNak, may tao ba dito? Baka naman bampira ung tao dito?" Renz

"Sira ka talaga."

"What are you doing here?" mahinang sabi pero ramdam n ramdam mo ung lungkot sa boses nya

"Wow pare, akala ko bampira un pala Zombie hahahaha" Renz

Binigyan ko na ng death glare si Renz. Isa pa, sasapakin ko na to

"Sige behave na ko" Renz

"Ano bang nangyayari sayo pare? Ung itsura ng muka mo parang gugunaw na ang mundo ah."

"Wala kayong pakielam. Iwan nyo na ko" Steven

"Pano ka naming iiwan na ganyan ung kalagayan mo? Mag move-on ka na. Kung talagang ayaw nya na sayo, pakawalan mo na siya. "

Tapos bigla akong kinewelyuhan ni Steven. Nakita ko ung mga nanglilisik nyang mata. Nakaka-takot

"Wala kang alam. Wala kang alam sa mga nararamdaman ko ngayong sakit. Kaya wag kang magsasalita ng ganyan." nanginginig ung boses nya

"Pare tama na yan" Renz

Tapos tinigil na nya tsaka siya umupo sa gilid ng kama. Para siyang batang nagmumukmok dun

Past Lover or Present Lover? |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon