Past Lover or Present Lover?

2.7K 33 3
                                    

Chapter 32

--------->Picture ni Kurt sa gilid ^__^

Vanna's POV

Maaga akong umuwi ngayon. Hindi na rin ako nakapag-paalam sa dalawa. Wala kasi ako sa mood ngayon. Kasi nakita ko na naman na magkasama ung dalawa. =(((

Naglalakad ako ngayon sa may highway, hindi ko ginamit ung car ko. Baka mabangga ko lang..

BEEP! BEEP! BEEP! Busina ng kulay dilaw na sasakyan. Kilala ko yang sasakyan na yan.

"Hello Vanna, bakit ka naglalakad?" Si kurt

"Aaahm, Trip lang haha ^__^"

"Come on, hatid na kita sa bahay nyo."

Hhhhmmm, masakit na rin tong paa ko. Tsaka hindi naman ako ung magdadarive. Pweede na

"Sige" sabay sakay ko

Habang nagdadrive si Kurt, tinitingnan ko siya. Ang cool pala niyang tignan. Parang wala man lang problema. Tapos may dimple din pala siya, ang cuuuteee ^__^

"Nagugutom ka ba? Gusto mo mag early dinner tayo?"

Hhhm sabagay gutom na ko.....

"Sige ba. Basta libre mo ^_^"

"Yeah, sure. San mo ba gusto? Sa restaurant o sa karinderya?"

Ano? Kumain din ba siya sa karinderya??

"Kumakain ka din sa karinderya?"

"Oo ^__^ Actually, mas nasasarapan ko pa ung food dun kesa sa restaurant."

"^____^ Sa  karinderya na lang tayo."

"Sige"

Ayooooos! Matagal narin akong hindi nakakakain sa karinderya ^_____^

Habang nagdadrive si Kurt, nakita ko sila Nikka at Drake na papasok sa isang restaurant. Hala! wag mong sabihing, magdidinner sila!

"May problema ba?"

"W-wala."

Ilang minuto pa, nakarating narin kami dun sa karinderya na sinasabi ni Kurt. Infairness, kahit kainderya lang siya marami paring kumakain...

"Naku sir, buti nabalik ulit kayo dito. Akala namin, hindi na kayo kakain dito." sabi nung tindera

"Pasensya na po naging busy lang." Kurt

"Naku okay lang yun Sir. Inday! Kunin mo na ung order nila!"

Past Lover or Present Lover? |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon