[W.O.S] CHAPTER 18: FOUND HIM

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko namalayan na natumba na ako at napahawak nalang ako sa ulo ko.

"Argh! Di ko na kaya!" sigaw ko.

Maya-maya, may inihagis papunta sa'kin si Silver. Kinuha ko kaagad 'yun at tumingin sa kanya. Doble na ang paningin ko. Pakiramdam ko mahihimatay na ako. Basta ang naririnig ko lang ay sumisigaw si Silver sa akin. Pero iba ang nakikita ko sa kanya.

Si Kiro. Si Kiro ang nakikita ko sa kanya.

"Asky! Gamitin mo 'yan! Isa 'yang poison remedy! Dali, bilisan mo!" sigaw niya. Sana tama pa ang naririnig ko. Agad ko siyang sinunod at ininom iyon. Hindi ko pa man nakakalahati, napadura na ako. Ang saklap ng lasa. Hindi ko ito naubos at tinabi nalang 'yung natira.

Maya-maya, nawala na ang hilo ko. Maayos na rin ang paningin ko. Nagulat nalang ako nang biglang kumulog ng malakas. Napatingin ako sa langit at nakita kong kumikidlat.

Sumama bigla ang kutob ko. Si Kiro agad ang pumasok sa isip ko. Pakiramdam ko may nangyaring masama sa kanya.

Napatingin ako kay Silver. Nakapalupot ang braso ng ninja sa leeg at mga kamay niya. Ginamitan na siya ng martial arts nito dahil nasira ni silver ang espada niya.

Tatakbo na sana ako papalapit sa kanya kaya lang pinigilan niya ako.

"No Asky! Stay there!" sigaw niya habang namimilipit.

"Pero Silver--" hindi ko na naituloy dahil bigla siyang sumigaw.

"No! Wag kang lumapit! Tumakbo ka na!" sigaw niya.

Hindi Silver. Hindi ko gagawin 'yun. Alanganin ang lagay mo ngayon!

"Hindi kita pwedeng iwan!" sigaw ko.

"Tumakbo ka na! Iligtas mo ang sarili mo!" sabi niya. Nakatingin parin ako sa kanya. Ayoko siyang iwan dito. Ayoko!

"What are you waiting for?! Run Asky! I'm okay, I got this!" sigaw niya ulit.

Napaluha ako at sinunod na ang sinabi niya.

Wala akong kwenta! Sa lahat ng ginawa nila sa'kin, ito pa ang iginanti ko. Pero pangako ko Silver, hindi ako titigil sa paghahanap kay Mist. 'Yun lang ang tanging paraan para masuklian ko ang lahat ng kabutihang ginawa niyo sa'kin. Ibabalik ko siya sa'yo Silver.

Pangako.


*****


Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko alam kung nasaa na ba ako. Huminto nalang ako nang makaramdam na ako ng pagod. Hingal na hingal ako.

Si Wish.

Si Mist.

Si Silver.

Si Kiro.

Mga taong parte na ng buhay ko.

Tumakbo na uli ako. Hindi ko alam kung saan na ako dadalhin ng mga paa ko. Napakadilim pa ng paligid. Paano at saan ko ba sisimulang hanapin si Mist?

"Ashe..."

Napahinto ako nang marinig ang boses na iyon. Napa-iyak nalang ako.

"Yume!" tawag ko sa kanya. "Yume hindi ko na alam ang gagawin ko! Lumabas ka na kasi! Ikaw naman kasi iniwan mo ako eh!" sabi ko.

"Hindi naman ako nang-iwan. I'm just here. Inside of you." sagot niya.

"Alam ko naman 'yun eh. Pero iba parin yung tipong nayayakap ka diba?" sabi ko sa kanya.

"Wag ka ng umiyak Ashe. Nahihirapan ako. Ayokong nakikita kitang ganyan." lalo akong napabulalas ng iyak nang sabihin niya iyon.

"Naalala mo pa ba 'yung sinabi mo noon sa bata at kay Zeth?" tanong niya at pinunasan ko ang mga luha ko.

"Oo Yume. Ang hirap pala. Ang hirap tiisin. Bigla nalang silang bubuhos." sabi ko sa kanya.

"I understand. Feeling hopeless and pain is normal because you are here in this world. But I know you. You always overcame it. Kasi pro-player ka diba?" sabi niya. Napatawa ako ng marinig ko yun.

"That's better. Ngumiti ka na rin." sabi niya.

"Salamat Yume ah. You always cheer me up." sabi ko sa kanya. Nagulat nalang ako ng bigla siyang nag-smirk.

"Bakit?" taka kong tanong.

"Wag ka munang magpasalamat." sabi niya. I don't get it.

"Hindi ko maintindihan." sabi ko.

"Run Ashe before it's too late. It's time." sabi niya.

"Ano?--Yume! Yume!" tawag ko sa kanya pero hindi na siya sumasagot.

Sabi niya tumakbo daw ako. Pero saan naman ako pupunta? Umupo muna ako at pinikit ang mga mata ko.

Inisip ko 'yung mga sinabi ni Yume. Parang magkahalo ang sinabi niya. Magkahalong good news and bad news.

"Okay, time to go." sabi ko at hinanda na ang sarili ko. May tiwala ako kay Yume. Hahayaan kong dalhin ako ng mga paa ko kung saan ako dapat tumungo.

Tumayo ako at nagsimula ng tumakbo.

*takbo*

*takbo*

*takbo*

Maya-maya, pagkaliko ko sa kanan, may nasanggi ang mga paa ko. Yumuko ako para tingnan kung ano 'yun.

Nagulat nalang ako nang matagpuan ko siya.

"K-Kiro!"







FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon