Vice's Secret ;; 2nd

7.1K 277 65
                                    

While on their way to studio, pansin ni Karylle ang kakaibang mood sa boyfriend. Tahimik ito at walang kibo. He didn't even bother kissing her kanina nung nagkita sila. Alam niyang may problema ang binata ngunit mas pinili nalang muna niyang manahimik dahil baka uminit lang ang ulo nito.

Pagkarating sa Studio ay ihinatid lang ni Vice si Karylle sa dressing room nito at walang paalam na umalis para magpaayos sa mga bakla. Nakasalubong naman ni Anne ang kaibigan ngunit hindi rin siya nito kinibo. Anne went directly to Karylle's dressing room para maki-usyoso.

"What happened? Nag-away kayo ni bakla?"

"Hindi,"

"Eh bakit walang kibo?"

"I don't really know, Anne. Umuwi lang naman siya tapos nung sinundo niya 'ko, ayun na. Hindi na niya ko kinakausap," pag eexplain naman ng dalaga.

"Hala ka! Baka naman may nagawa o nasabi kang hindi maganda?"

Inisip naman ni Karylle kung may nagawa nga ba siya oh nasabihing hindi maganda para magalit sa kaniya si Vice, pero wala naman siyang naalala. Aside dun sa...

"Imposible namang magalit siya sa 'kin nang dahil lang dun," she grumbled kasabay ng pag-frown.

"Dahil saan?"

"Sinabi ko lang naman sa kaniya na Camille deserves to know the truth," pag-amin nito. "Na dapat sabihin niya yung totoo,"

"Oh my god, hindi nga kaya dahil dun?"

"Anne, ang babaw ha!"

"Karylle, hindi nga naman kasi madaling sabihin yun. Lalo na't labin-limang taon niyang itinago sa bata yung totoo,"

Napayuko nalang si Karylle dahil sa sinabi ng kaibigan. Wala naman siyang masamang intensyon kundi ang tulungan ang nobyong bawasan ang problema nito. She wants to help him.

"Gusto ko lang naman tulungan yung boyfriend ko, Anne. Ayokong nilulugmok niya yung sarili niya sa kasinungalingan,"

-.-.-.-.-

Althrough out the show ay kapansin-pansin ang pananamlay ni Vice. Limitado ang kilos, jokes pati ang kulit. Nabother naman si Karylle sa kinikilos na iyon ng boyfriend at iniisip niya na baka nga siya ang dahilan kung bakit ito walang kibo.

After the show ay dumiretso si Karylle sa Dressing Room ng boyfriend upang kausapin si Vice. Nadatnan niya itong nakaupo lang sa Vanity chait habang nakatingin sa salamin. Bahagya itong ngumiti nang makita ang reflection ng nobya sa mirror bago ito harapin.

"Why?" Vice asked. Inabot niya ang kamay ni Karylle at mabilis na pinaupo sa lap niya.

"What's wrong? Kanina ka pa matamlay,"

"Masama lang pakiramdam ko,"

He encircled his arms around his waist and buried his face on her back. Sa galaw na iyon ni Vice ay alam ni Karylle na hindi lang basta masama ang pakiramdam nito. She knows that he's up with something.

"Babe, ano yung pinaka-ayaw ko sa isang relasyon?" Karylle asked seriously. Napa-pout naman si Vice at mas hinigpitan nalang ang pagkakayakap sa kasintahan.

"Ayaw mo ng nagsisinungaling,"

"Eh ano yang ginagawa mo ngayon?"

"Masama lang naman talaga pakiramdam ko,"

"Vice..." pag-uulit ng dalaga sa tonong tila nagbabanta.

"Fine! Fine!" Vice removed his hands mula sa pagkakayakap sa waist ni Karylle. "Yung bata kasi,"

My Husband's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon