Chapter 17

12.3K 471 57
                                    

Chapter 17

"May amnesia ba 'ko?"

Hindi malaman ni Karylle kung anong isasagot niya. Nanatiling nakakunot ang noo niya at hindi makatingin ng diretso sa asawa. She really wants to tell him the truth pero tila may pumipigil sa kaniya. Naalala niya kasi ang sinabi noon ng doktor na maaaring hindi makabuti sa pasyente kung ifoforce itong makaalala.

"Wag mo ng sagutin." pagccut agad ni Vice. "Wala naman akong naaalala na naaksidente ako kaya malabong magkaamnesia ako. I don't even had bruises when I woke up sa hospital, four years ago."

Nakahinga ng maluwag si Karylle sa tinurang iyon ng asawa. Ngunit hindi rin maalis sa sarili niya ang ma-guilty dahil alam niyang itinatago niya ang katotohanan kay Vice. Katotohanan na nakalimot ito matapos ang pinagdaanan nila noon.

"Bababa na muna 'ko. Magluluto ako ng dinner," Karylle said sabay tayo.

"Ako na bahala sa dinner. Ipagpatuloy mo nalang 'tong ginagawa ko."

Lihim na napangiti si Karylle. Muli niyang naramdaman ang kilig na ipinaparamdam sa kaniya ni Vice noong mga panahon na okay pa silang dalawa. Vice stood up t bahagyang ipinagpag ang gusot na damit.

"What do you want for dinner?" pabulong na tanong nito as he looked at her.

"Gusto ko ng dried fish then fried rice."

"Seriously?"

"Yes. Tapos gusto ko malutong yung pagkakaluto sa dried fish huh?" Karylle said sabay smile.

Hindi na ulit nagsalita si Vice at lumabas nalang ng room para makapagprepare ng dinner. Nakangiti at kinikilig namang ipinagpatuloy ni Karylle ang pag-iimpake ng damit nila.

//

The next day,

Dumating sila sa La Union mga passed 3 in the afternoon. Ipinark ni Vice ang sasakyan sa isang side bago buksan ang pintuan sa gilid ni Karylle. Joms was silently sleeping kaya bubuhatin dapat ito ni Karylle nang mag-offer si Vice na siya na ang magbubuhat. Nabigla man ay ipinaubaya nalang din niya sa asawa.

"Papa," tila naalimpungatan na ungol ni Joms habang iniistretch ang kamay niya.

Nirub lang naman ni Vice ang likod ng bata kaya't hindi nagtagal ay bumalik din ito sa pagtulog. Nakapulupot ang kamay ni Jomarie sa leeg ng ama kaya lihim na napangiti si Karylle dahil ito ang unang beses na kargahin ng asawa ang anak.

"Mamaya ko na kukunin yung gamit." Vice said bago ioffer ang kamay niya to guide Karylle dahil mabato ang daanan pababa sa bahay nila "Careful! Nasa tiyan mo yung anak ko,"

Ilang bahay din ang dinaanan nila Karylle at Vice before they reached the house of Vice's family. Paniguradong hindi naman mahihirapang makisama si Karylle sa mga tao doon dahil puro mga kamag-anak ng asawa ang nakatira sa side ng barrio na 'yon.

"Nanay, andito sila Tutoy!" nakangiting balita ng kapatid ni Vice na si Babot nang makita niya ito.

Nagsilabasan naman agad ang mga kaanak niya at sinalubong sila ng isang matamis na ngiti. Nagmano si Karylle sa biyanan dahil hindi naman ito ang unang beses nilang pagkikita. Paminsan-minsan kasi ay bumibisita din ito sa Manila kaya't nakilala niya ito.

"Ibababa ko lang si Joms, nay." paalam ni Vice dahil nangangalay narin siya sa pagbubuhat sa bata.  He went inside the house at ibinaba si Jomarie sa kama.

Bumalik din naman agad si Vice sa labas at nagpaalam si Karylle na siya naman ang papasok sa loob upang makapagpahinga dahil nakaramdam siya ng pagod sa biyahe.

"Hindi ka ba nagugutom?" tanong ni Nanay Rosario sa kaniya.

"Hindi pa naman po. Matutulog lang po 'ko saglit," magalang na paalam nito bago pumasok sa loob ng bahay at tumabi sa anak para makapagpahinga.

Vice removed his Polo shirt at iniwan lang na nakasuot ang sando niya. Tumabi sa kaniya ang ina at yumakap na agad din naman niyang sinuklian.

"Bakit hindi mo manlang sinabi na magbabakasyon kayo dito?" tanong ng kapatid ni Vice na si Babot.

"Biglaan lang din naman yung desisyon ko Kuya. Masiyado kasing magulo sa Maynila, ayoko namang mastress si Karylle. Baka makasama sa anak ko," sagot nito habang inililibot ang paningin sa bukid sa gilid ng bahay nila.

"Kay Jomarie?" paglilinaw ni Babot na nalito sa sinabi ng kapatid.

"Hindi ko naman anak si Joms," Vice said kaya nagpull away ang ina sa pagkakayakap sa kaniya. "Buntis si Karylle and I don't want her to get stress kaya dinala ko siya dito,"

"Hindi naman yata tama na itaboy mo si Joms bilang anak mo," pangangaral ni Nanay Rosario. Vice just pulled out a poker face.

"Pati ba naman ho kayo napaniwala na anak ko yung bata na 'yon?"

"Tutoy! Ikaw pa nga ang nagbalita sa 'min noon na magkakaanak na kayo ni Karylle," sabi ni Babot. "Hanggang ngayon ba wala ka paring maalala?"

"You know what? Nagpunta ako dito para mawala lahat ng confusions sa utak ko, yun pala hindi rin ako makakaligtas. Ano ba talagang nangyari sa 'kin?"

Salitang tinignan ni Vice ang ina at ang kapatis. He was waiting for their answer, hoping na ngayon ay malinawan na siya sa totoong nangyayari.

"Wala kami sa tamang lugar para sabihin kung anong nangyayari, Tutoy." sabi ni Nanay Rosario whilst tapping Vice's arms. "Pero naaawa na 'ko sa mag-ina mo."

"Then tell me what's happening,"

//

Vice was busy preparing dinner for the family. Ang nanay kasi niya at ang kapatid na si Babot ay nagdesisyon na sumaglit sa kabilang barrio upang kunin ang alagang baboy na ipapakatay nila bukas for the celebration daw ng pagbubuntis ni Karylle.

"Vice?"

He turned around at nakita niya si Karylle na inaayos ang buhok into bun. Halatang kagigising lang nito dahil sa malamlam niyang mata. Vice didn't speak at pinagpatuloy nalang ang paghihiwa ng gulay na lulutuin niya.

"Ako na maghihiwa," offer ni Karylle.

"I told you to rest."

"Vice, buntis lang naman ako. Hindi ako baldado." Karylle said while giggling. "Masama din naman sa buntis yung walang ginagawa."

"Fine. Get the squash, ikaw na maghiwa." sabi ni Vice na ihiniwalay ang sitaw sa talong. "Wait, kumakain ka ba ng pinakbet?"

"Oo naman."

Pinagmamasdan lang ni Vice ang asawa habang nagbabalat ito ng kalabasa. Karylle was smiling na parang ineenjoy ang ginagawa. Nang maalala ni Vice ang pinag-usapan nilang mag-ina, nagclear agad ito ng throat para komprontahin si Karylle.

"Nanay told me," panimula ni Vice kaya napatingin naman sa kaniya ang asawa.

"Ang alin?"

"Na may amnesia ako,"

Napahigpit lang ang pagkakakapit ni Karylle sa kutsilyong hawak niya. Hindi niya kasi akalain na sa ganitong sitwasyon pa malalaman ng asawa ang kondisyon nito.

"So kailan mo balak sabihin sa 'kin yung sakit ko?!" he asked with his furrowed brows.

//

My Husband's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon