Chapter 37

9.5K 393 60
                                    

Vice was busy preparing foods for his two kids, at para narin sa dadalhin niya sa hospital. Yoona was just sitting at the stool habang umiinom ng gatas. Si Jomarie naman ay nakatungo lang at nagsusulat. They suddenly heard footsteps na papalapit sa kanila.

"Ninang!!" sigaw ni Jomarie as he ran towards Anne na papasok sa kusina. Anne tappped Jom's head sabay smile dito.

"Nangnang!" sigaw din ni Yoona kahit hindi naman niya ninang si Anne.

Vice turned his back and smiled at her awkwardly. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin sila nakakapag-usap ng maayos about sa naging issue sa pagitan nila, two years ago. Nang magsimula ng makaalala si Vice ay sinubukan na niyang makipag communicate ulit kay Anne. They talk, but not the same as before.

"Napadalaw ka?" Vice asked while pouring syrup on Yoona's pancakes. "Pasensya na, nasa hospital kasi si Karylle eh."

"Ah oo. Vhong told me na isinugod niyo nga daw ulit si Yanna sa hospital two days ago? Pasensya na, ngayon lang ako nakapunta dito. Kakauwi ko lang din kaso from San Francisco," she explained. Napatango naman si Vice. "Alam na ba nila kung anong sakit ni Yanna?"

Vice looked at his kids. Ayaw niya sanang malaman ng dalawa pang anak ang pinagdadaanan ni Yanna kaya't minabuti niyang hilahin si Anne papunta sa Sofa upang doon kausapin.

"Why?" Anne puzzledly asked.

"Ayokong marinig nila Jomarie at Yoona yung sakit ng kapatid nila. I know my kids, ayaw nilang nagssuffer sa masamang kondisyon ang isa sa kanila," he uttered. "Myoclonic Epilepsy ang sakit ni Yanna,"

"Epilepsy? What? Teka!! Masiyado pa namang bata si Yanna para tamaan ng ganong sakit," hysterical na sabi nito. Napasapo ng noo si Vice dahil kahit siya ay hindi maintindihan ang nangyayari.

"Yun din naman yung sabi ko sa Doctor pero sabi niya, sa mga infants daw talaga kadalasang tumatama yung Myoclonic Epilepsy," he added.

"Wait. When I was in Sa Francisco, merong isang baby don na naadmit because of Dravet Syndrome," pagsshare ni Anne. Napakunot noo naman si Vice dahil wala siyang alam sa klase ng sakit na binanggit ng dalaga. "I got curious so I tried to search for that Syndrome then nalaman ko na it's a kind of epilepsy na tumatama din sa mga bata from 9 months to 2 years old. Do you think, parehas yon?"

"Maybe?" patanong din na sagot ni Vice. They shoulders fell.

"Almost 5 years na 'kong nurse pero ngayon ko lang nalaman na may ganyan palang klase na epilepsy,"

"Sabi nung Doctor samin, bibihira lang naman daw yung mga batang tinatamaan ng Myoclonic Epilepsy. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangang si Yanna pa,"

Napayuko na lamang si Vice dahil ayaw niyang ipakita kay Anne na mahina siya. Kung tutuusin, hindi madali ang lumaban sa ganitong klaseng pagsubok but he has to be strong, he has to stand for Yanna, for his family. Nang malaman niya ang walang lunas na sakit ng anak ay tinangka na niyang sumuko, ngunit nang makita niya ang ngiti sa labi ng anak, doon niya naramdaman na kailangan pa niyang lumaban upang matulungan si Yanna.

"Vice, hindi naman magbibigay ng problema ang Diyos kung alam niyang hindi natin kayang lutasin," Anne comforted. Ibinaon na lamang ni Vice ang mukha sa mga palad upang mapigilan ang naglalagablab na emosyon.

"Anne, Myoclonic Epilepsy has no cure..." Vice said. "Tell me, pano 'ko lulutasin 'to kung walang kahit ano ang kayang makapagpagaling sa anak ko?"

"Pray." maiksing pahayag ng dalaga. "Maaaring wala tayong mahanap na gamot para sa sakit ni Yanna. But all we can do for now is to pray. Alam kong pakikinggan ka niya,"

//

Week passed, nakalabas na ng hospital si Yanna. Sabi ng Doctor ay unti-unti na raw bumabalik ang sigla ng bata kaya't maaari na itong umuwi. Niresetahan niya lamang ito ng Vitamins na makakatulong sa kaniya upang lumakas ang pangangatawan. He also said na kailangang maipa-check up si Yanna thrice a month.

"Kambal, miss miss kita!" excited na sabi ni Yoona sabay yakap aa kakambal. "Bakit tagal ikaw don?"

"Di ko din alam kambal." nagkakamot ulong sagot ni Yanna.

"Yoona, Jomarie, hindi muna pwedeng maglaro si Yanna ngayon ha?" paalala ni Vice. Nagpout naman ng sabay ang kambal nang marinig ang sinabi ng ama. "Bawal kasi mapagod si Yanna. She can play naman pero kailangan yung hindi siya napapagod."

"Play nalang kami ng gadgets, Papa." suggest ni Jomarie. Mabilis namang umiling si Vice.

"Nope. Hindi siya pwedeng gumamit ng kahit anong gadgets dahil makakaapekto sa mata niya yon. Bawal yun sa kaniya, anak."

"Sasakit kambal ko? Iiyak ako sige ka," kunot noong sabi ni Yoona sabay cross ng arms.

"Gagaling naman si Yanna, baby eh. We just have to pray for her fast recovery. Okay po ba yun?" Nagthumbs up naman si Jomarie at Yoona sabay yakap sa kapatid nila. "Pupuntahan ko lang si Mama ha?"

Vice stood up. Umakyat ito sa loob ng kwarto upang ayusin ang gamit na dala-dala nila. Naabutan niya roon si Karylle na tinatanggal ang bedsheet.

"Oh, kapapalit lang niyan kahapon ah?" nagtatakang sabi niya. Napalingon naman si Karylle sa asawa.

"Natagusan ko. Sorry," hinging paumanhin ni Karylle.

"Ako na mag-aayos, sige na." Vice offered.

Tumalikod naman si Karylle kaya't nakita ni Vice ang likuran ng asawa. Halos umagos ang dugo sa paanan ni Karylle sa sobrang dami ng tagos nito.

"Ma, bakit naman ganyan kadami ang dugo mo?" nagtatakang tanong ni Vice sa asawa.

"Hindi ko rin alam eh. Baka siguro dahil delay ako nung nakaraan," paliwanag nito bago tuluyang pumasok sa banyo.

My Husband's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon