Chapter 43

9.1K 363 22
                                    

'There's a lump on her cervix na nagccause ng bleeding, other than her expected monthly period. We really have to remove this lump bago pa ito maging malignant. Sa ngayon she has to undergo with Chemo Therapy. Wag kayong mag-alala, hindi pa naman masyadong malala ang sakit ni Mrs. Magagawan pa natin 'to ng paraan,"

Napapikit ng madiin si Vice matapos mapakinggan ang paliwanag ng Doctor about sa sakit ni Karylle. Tahimik n'yang pinagmamasdan ang mukha ng asawa na nakaratay ngayon sa hospital bed matapos himatayin kani-kanina lang. Kagaya nang nangyayari noong mga nakaraang araw, muling dinugo si Karylle.

He insisted na dalhin na 'to sa hospital para malaman kung ano bang nangyayari sa asawa. Nakikipagbunuuan pa sa kanya si Karylle kanina hanggang sa nawalan ito ng malay. Natataranta nila itong dinala sa hospital na agad din namang inassist ng dalawang doctor.

"Ma naman... kawawala lang ni Yanna," pigil luhang bulong ni Vice habang kinukuha ang kamay ni Karylle. He pressed his lips at the back of her hands. "Baka hindi ko na kayanin 'to,"

"Kayanin mo brad. Ikaw lang naman ang kinakapitan ng pamilya mo ngayon," sabi naman ni Vhong na kanina pa pala nakatayo sa bukana ng pintuan. "Sorry hindi na 'ko kumatok. Itinext kasi ako ni Anne na isinugod daw si Karylle dito. Nataranta narin ako,"

"Okay lang,"

"Kamusta na daw siya?"

"Kailangan niyang magpa-chemo bago pa daw lumala," muli nyang hinalikan ang kamay ng natutulog na asawa. "Can you please tell me why am I experiencing all of this, Vhong?"

"Parte ng buhay ang mga problema, brad?"

"Bakit naman sunod-sunod?" katwiran nito. He let go of K's hand at matamang tinignan ang kaibigan. "Kakawala lang ni Yanna nung nakaraang linggo, tapos eto nanaman. Ano ba talagang gusto niyang mangyari? Kunin sa 'kin lahat?"

"Diyos lang ang nakakaalam, Vice, at walang sino man ang pwedeng kumwestyon sa mga ginagawa n'ya,"

Vice frustratedly tugged his hair. Sa sobrang dami ng iniisip ay hindi na siya nakakatulog, dumagdag pa ang kakareveal palang na sakit ni Karylle. Gusto n'yang lumaban pero tila sinusubok naman siya ng tadhana. Now he's getting puzzled. Lalaban pa ba siya oh susuko na?

Ipinangako niya sa sariling hindi na muling mababawasan ang pamilya nya kaya kahit anong hirap man ang kaharapin nya, kakailanganin nyang lumaban.

"Mahal mo ba talaga si Karylle?" tanong ni Vhong. Kunot noo naman siyang tinignan ni Vice. "Dahil kung hindi--

"Ferdinand, hindi ako masasaktan ng ganito kung hindi ko mahal ang asawa ko," he uttered. Mapait namang napangiti si Vhong sa kanya. "Kung kaya ko lang baguhin ang sitwasyon naming dalawa, malamang ako ang nakaratay diyan at hindi siya,"

"Kung mahal mo si Karylle, hinding hindi mo siya pakakawalan gaya ng pagpapakawalang ginawa mo kay Yanna,"

His brows went more furrowed dahil mukhang iba ang pagkakaintindi nya sa sinabi ng kaibigan. Yanna and Karylle have different situation. Si Yanna, makina nalang ang bumubuhay sa kanya. He needs to let her go dahil ayaw na nyang mahirapan pa ang anak. Si Karylle, magagamot pa kaya magagawan pa nila ng paraan ang paggaling nito.

"What's your point?"

"Wala. Gusto ko lang iparealize sa 'yo na ngayon, malaki ang magagawa mo para humaba ang buhay ni Karylle. Hindi kagaya nung kay Yanna na ginusto mo lang kumilos kung kailan bilang na ang mga araw niya," paliwanag nito. Vice's jaw clenched and his fist hardened.

"So what are you trying to say?" tila mapag-hamong tanong ni Vice. "Na wala akong ginawa para mabuhay si Yanna?"

"Bakit, mali ba ako?" mapang-uyam na sabi ng binata. Lalong nag-init ang dugo ni Vice kaya hindi na nito napigilan ang sarili na suntukin si Vhong sa panga.

"Wala kang alam sa pinagdaanan ko. Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa 'kin na mawalan ng anak," madiin nitong sabi. Napasapo naman sa panga si Vhong dahil sa lakad ng pagkakasuntok sa kanya ng kaibigan.

"If you really wanted to save Yanna, sana manlang naisip mong magresearch oh magtanong-tanong..." pagpapatuloy nito. "Kung hindi pa tinanong ni Karylle si Jhong, hindi pa kayo magkaka-idea about sa Marijuana na pwedeng gamitin as cure for epilepsy. Kung hindi pa itinext ni Karylle si Anne, hindi kayo magkakaroon ng option na dalhin si Yanna sa San Francisco para doon ipagamot. Now tell me, Vice... sino ang naghanap ng paraan para mapahaba ang buhay ng anak mo? Ikaw ba?"

Natahimik si Vice nang marinig ang sinabi ni Vhong. He has his point.

"Hindi naman kita sinisisi brad. Gusto ko lang iparealize sa 'yo yung mga bagay na pwedeng makapagpahaba ng buhay ni Yanna... yung options na pwede mong gawin pero hindi mo nagawa dahil nananahimik ka,"

Nahihiyang napayuko si Vice dahil ngayon lang nagsink in sa utak niya ang mga salitang binitawan ni Vhong. Totoo naman eh. Dapat nagresearch siya... oh di kaya nagtanong-tanong. All the time, si Karylle lang ang naghanap ng paraan kung paano gagaling si Yanna. He didn't do anything.

And now... he's blaming himself.

//

Karylle woke up around 3 pm at si Vice naman ang una niyang nakita. She roamed her eyes at nang marealized na nasa hospital siya ay nagmamadali niyang tinanggal ang dextrose na nakakabit sa kanya. Nagworry naman agad si Vice kaya pinigilan nya ang asawa sa ginagawa nito.

"Take me home," maawtoridad nitong sabi habang diretsong nakatingin kay Vice.

"Ma, hindi pa pwede..."

"I. SAID. TAKE. ME. HOME." madiin at pasigaw nitong pag-uulit. Napakagat-labi naman si Vice dahil ngayon nya lang nakita na ganito kamiserable ang buhay ng asawa. "Vice, take me home or else... I would kill myself,"

Sa takot ay agad pinuntahan ni Vice ang Doctor upang kausapin kung pwede na bang ilabas si Karylle. Sa itsura ng asawa ay mukhang hindi ito nagbibiro. Sa lumipas na dalawang linggo ay ngayon nalang ulit nagsalita si Karylle kaya nilamon ng takot ang buong pagkatao ni Vice dahil baka totohanin ng asawa ang sinabi nito.

"Pwede naman, just make sure na maich-check namin siya once a week. Then don't forget the chemo therapy," pagpapaalala ng Doctor kay Vice.

Matapos malaman na pwede namang ilabas si Karylle ay naidischarged ito agad. Pinakiusapan ni Vice si Coco na kung pwede ay ayusin nito ang kwarto nila ni Karylle upang pag-uwi ay makapagpahinga ito agad.

While they were on the way, Vice tried na kausapin ang asawa ngunit hindi naman siya nito sinasagot. She was just looking at the window, having her own life. Pinipilit nalang intindihin ni Vice ang asawa dahil alam naman nya ang pinagdaraanan nito.

Nang makarating sa bahay ay inalalayan ni Vice si Karylle paakyat sa kwarto nito. Yoona was about to hug her mom pero mabilis na umiwas si Karylle na hindi naman nakalagpas sa paningin ng asawa. Hindi nalang niya ito pinansin bagkus ay sinabihan nalang ang anak na maglaro sa ibaba.

Nang makahiga na si Karylle ay kinumutan siya ni Vice. She closed her eyes and conditioned herself to sleep. Tinitigan lang siya ni Vice na umupo sa bedside. He took her hand at hinalikan ito.

"Mahal na mahal kita, Karylle..."

My Husband's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon