Chapter Fifteen: Likewise

Start from the beginning
                                    

"Thursday ata, baka mag tagal si Flame."

"So they're going to miss half of the week?"

"Yep, you and Zeus will be Asher free for the week"

"Thank the goddess for that!" Enzo sighed in relief. Ezra wanted to laugh, alam naman niyang mahal nito si Asher. All of them loves Asher but the guy can sometimes be super annoying.

Asher got it from his Dad. He is no doubt the son of Cain Woodsen.

Minsan ay naririnig rin ni Ezra sa kanyang Mama na she resembled her Mom, Carly Heath, so much. She felt honored actually. Her Mother is one of a kind. She knew she will never be like her but kung ito ang nakikita ng iba then she felt honored.

When she was a kid, all she wanted to be was like her Mother. She admired her so much.

She admired the picture frame on Enzo's night stand. She has the same one ngunit naka portrait nga lang ito at naka hang sa kanyang head board.

The picture was taken on their Mother's birthday, syempre birthday din ito ng kanilang Tito Cain. March 19 ang kanilang birthday. They don't celebrate birthdays much but on that night they made an exemption. Naging grand celebration ang araw na iyon and she memorized it like the back of her hand.

"It's going to be our birthday soon," she said and returned the picture to its place.

Ginulo naman ni Enzo ang buhok at tinaasan siya ng kilay. "You have something in mind?"

"Wala pa naman," iling ni Ezra then eyed the picture again. "But I'd like to celebrate it with them."

Enzo nodded in agreement. Tumayo na si Ezra at lumabas na sila.

Tinahak nila ang tahimik na hallway ng Dawn. Mukhang nagsiuwian na nga talaga ang mga students, may nakita pa naman siyang ibang students sa common room.

Desserted na ang parking lot nang makita niya. Agaw pansin tuloy ang sasakyan ni Enzo dahil nag iisa nalang ito.

"Straight home, I don't want any stop overs." Ezra ordered when they got in.

Sinunod naman siya ng kambal. Wala pang kalahating oras ay narating na nila ang Manor.

Nakita na ni Ezra ang nakababatang kapatid na si Elizabeth, naka abang ito sa pinto.

"Bakit ka andyan?" tanong ni Enzo dito.

"Nagkasalisi kayo nila Dad. Kakalis lang nila"

Napataas naman ang kilay ni Ezra sa sagot ng kapatid. "Saan siya pupunta? Hindi siya sasabay ng lunch? And where's Mom?"

"Dami mong tanong Ate"

"Just answer, Lizzy"

"May attack sa isang town kaya kailangan ng back up, hindi sasabay ng lunch si Dad, and si Mom andon sa kwarto niya. Aalis rin iyon. Hinihintay ko lang kayo kasi wala akong kasabay kumain"

Nangunot ang noo ni Ezra. So hindi sila kumpleto para sa lunch ngayon? To think na minadali pa niya si Enzo para maka uwi agad sila tapos ganito rin pala ang aabutan nila.

Nilagpasan ni Ezra si Elizabeth at sakto namang namataan niyang pababa ng hagdan ang kanilang Mom. Naka bihis ito at halata ngang may pupuntahan.

"Mom! Saan ka pupunta?"

"You're here na pala," tinignan siya nito mula ulo hanggang paa bago ngumiti.

"What's with that smile?" she narrowed her eyes at her Mother.

Ngumingiti ito ng ganyan kapag may kailangan.

"Can you accompany me to a lunch meeting, sweetheart?"

Sinclaire Academy: Half BloodsWhere stories live. Discover now