*Chapter.32*Jealousy

Comincia dall'inizio
                                    

"mish, tara na. uwi na tayo"

"ah sige" sagot niya "pinky tara na" tawag niya kay pinky na kasalukuyang kausap si dion

"ok sige. saglit lang" sigaw ni pinky

kinuha ko yung gamit ni mish tulad ng madalas kong gawin. at tuwing uuwi kami meron akong joke. madali namang patawanin si mish eh kahit na korny ung joke ko mabenta sakanya

"mish, anong pagkain ang mabigat?" tanong ko

"ano?" sagot niya

"edi, hop-Ya. di ba pag magbubuhat ka ng mabigat na bagay sasabihin mo hop-yaʹ hahaha" sagot ko

"hahaha ang korny mo talaga spade" pero kahit na korny ako tawa naman siya ng tawa. kulang nalang mag head bang habang nakapatong yung kamay niya sa tiyan niya. tinitigan ko lang siya. masaya na ko pag masaya siya

***

[Jhake's POV]:

pupuntahan ko sana si dion pero nakita kong kausap niya si pinky. sa di kalayuan nakita ko ung bagong kaklase nila na si Spade dala yung gamit ni mish. habang si mish naman tawa ng tawa. mukhang sobrang saya niya. madalas ko sila makitang magkasama at laging masaya si mish.

samantalang ako? ito iniiwasan pa din ni mish. pinagpipilitan ko na nga yung sarili ko sakanya pero sinusungitan niya lang ako. minsan naiisip ko na sana hindi ako naging masungit sakanya noon. baka sana ok kami ngayon. hindi pa din ako sumusuko pero paano ako lalapit sakanya kung layo naman siya ng layo. buti pa yung spade na yun. nakakasama na nga niya si mish. napapasaya pa niya. may gusto kaya siya kay mish? kung meron, magpaparaya na ba ko?

mas maganda sanang lumaban para sa mahal mo pero kung hindi mo naman nakikitang magiging masaya siya sayo at nakikita mong masaya siya sa ibang tao. lalaban ka pa ba? o susuko at hahayaan mo siya maging masaya. siguro nga kailangan ko ng sumuko, pero kailangan ko munang makausap si spade. gusto kong masigurong may mag aalaga kay mish pag sumuko na ko.

***

[Xander's POV]:

kasalukuyan akong nakatingin kay mish halatang sobrang saya. kulang nalang mag headbang siya sa kakatawa. kasama niya si Spade. buti pa si Spade kasama siya.

"hay....." isang buntong hininga ang kumawala mula sakin

"xander" tawag sakin ni elise. palapit na siya sa kinauupuan ko na may dalang ice cream

"oh comfort food" sabay abot niya sakin ng ice cream

"comfort food talaga?" natatawa kong sabi

"oo. pag masama loob ko kumakain ako ng ice cream. alam mo bang kay mish ko natutunan ya--- oops, sorry" sabi niya

"bat ka nagsosorry??" natatawang tanong ko. "tsaka di naman masama loob ko ah" dagdag ko

"wew. plastik!. kanina pa kita tinitignan. kanina ka pa nakatingin kay spade at mish. nagseselos ka db" hindi tanong, kundi siguradong siguradong sabi ni elise

"ano ka ba. masama bang tumingin?" natatawa kong tanong

"huwag mo na itago. di ba ang mag kaibigan hindi naglilihiman? tsaka kahit di mo sabihin nararamdaman ko din. mahusay kaya ako makiramdam" pagmamalaki pa niya

"haha oo na, ikaw na magaling. pero tama ka, nagseselos ako. pero may karapatan ba ko?" tanong ko

"basta may nararamdaman ka, may karapatan kang magselos. ang di mo lang karapatan ay yung magdemand. mamatay ka sa selos kung gusto mo. pakiramdam mo yan eh. pero hinding hindi mo pwede sabihin sa mahal mo na, nagseselos ako pwede ako nalang" sagot naman niya

isang buntong hininga muli ang kumawala sakin tsaka ako ngumiti kahit pilit, gusto ko ipakitang ok lang ako "oo tama ka. kahit mamatay ako sa selos, hindi yun makakatulong para maging ok kami" sagot ko

tinignan niya lang ako bago nagsalita "uy ung ice cream mo tunaw na" sabay tawa. ayos din kasama tong si elise, medyo kwela.

***

[Elise POV]:

pupuntahan ko sana si xander ng makita ko siyang nakaupo sa ilalim.ng isang puno at malalim na nag iisip. sinundan ko ang direksyon ng mata niya. at nakita ko si mish na halatang napaka saya kasama si Spade.

sakto dumaan si manong sorbetero. bumili ako ng dalawang ice cream. naalala ko nung ok pa kami ni mish sinabi niya samin na paborito niyang comfort food ang ice cream. umupo ako sa tabi ni xander at binigay sakanya ung isang ice cream. habang nag uusap kami halata kong pilit lahat ng ngiti at tawa niya.

 "oo tama ka. kahit mamatay ako sa selos, hindi yun makakatulong para maging ok kami" nakangiti siya ng sinabi niyan. pero bakas sa boses niya na higit pa sa lungkot na nakikita ko sa mata niya yung nararamdaman niya. tinitigan ko lang siya. naiingit ako kay mish, madaming nagmamahal sakanya. pero naawa ako kay xander kasi ganito lang sila. at nalulungkot ako dahil hanggang ngayon mahal na mahal pa din niya si mish at wala akong magawa para sakanya dahil wala naman akong kakayahang baguhin ang nararamdaman niya.

"uy ung ice cream mo tunaw na" sabi ko sabay tawa. aukong mahalata niyang nagseselos ako. tulad nga ng sabi ko basta may nararamdaman ka, may karapatan ka magselos. ang di mo lang karapatan ay ang mag demand. tulad ko ngayon. ramdam ko ang sobrang selos na nagpapahirap sakin pero wala akong mag demand kay xander. maswerte na nga ako dahil naging kaibigan ko siya. yun lang masaya na ko. pero mas masaya ko kung makikita ko siyang masaya.

© NYLREHS

  * naLulungkot ako :( kaya ko naisulat ang chapter na toh. sobrang nalulungkot talaga ko promise. malapit na ata ako mabaliw hehe :)

 again . dinelete ko na po ung page ko. gagawa na lang ako ng group siguro kung may 20 readers na magdedemand haha xD message niyo lang ako. usap tayo :)

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora