Chapter 9

17 2 0
                                    

*Ciara's POV*

Happy mother's day mom! Wish I'm with you today. Nakakainggit. Buti pa si Ate Tin, kasama mo na ngayon. Nakakainggit talaga! Uwi na po kayo dito please mom? Pero mom kahit matagal man tayong hindi nagkakasama, I'm still your number 1 fan and you will always be at the top of my list of idols. You're the most awesome mom in the whole wide world! I love you so much! Take care mommy. Can't wait to be with you. I miss you! [Insert picture with me and mom]

Maluha-luha akong nagtatype ng message ko kay mommy sa facebook. Buti napigilan kong umiyak at magdrama. 

Uy... may naglike. Si Dave pala. Kamusta na kaya 'to. I-message ko kaya? 

Pst! Dave!

Oh bakit Ciara?

Kamusta? 

Hindi okay eh. Alam mo na.

Ah. Bakit ka ba kasi nakipagbreak?

Offline.

Lechugas 'tong lalakeng 'to. Biglang nag-out. Gagawa-gawa ng kasalanan sa kaibigan ko, tapos hindi naman kayang harapin. Nakooo! Mga lalake talaga oh! Tsk!

1 New friend request.

Hmmm, sino 'to? Bhosz Jack. Sino yun? Hindi ko naman kilala. Ignore nalang nga. Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin ngayong araw. Boring dito sa condo ko, pag pumunta naman ako sa mall, maiinggit lang ako sa mga pamilyang nagse-celebrate ngayon ng mother's day. Sila Joy at Iza, malamang kasama din ang pamilya nila ngayon. Ang alone ko naman. Si Gab kaya?

Matawagan na nga lang. 

"Oh, hello Ciara! Napatawag ka?"

"Ahm, wala kasi akong magawa eh. Wala din makausap. Kaya eto, binubulabog ka. Hehe!"

"Ah ganun ba? Gusto mo bisitahin mo nalang ako? Hehe kung... gusto mo lang naman. Wala namang pilitan. Kung ayaw mo o--"

"Sige. Pupunta ako."

"Talaga?" nagulat si Gab sa sinabi ko. Bakit naman siya nagulat? Wala naman akong magawa dito eh, pupuntahan ko nalang siya. 

Nag-ayos na ako at dumaan muna sa isang cake shop para bumili ng cake at kung ano-ano pang sweets. Hinintay ako ni Gab sa kanto kung saan malapit na sa bahay nila. Medyo malapit lang pala ang bahay nila sa condo ko.

Maya-maya, nakita ko na si Gab na nakatayo sa waiting shed sa kanto. Pinasakay ko na siya sa kotse ko at tinuro na niya ang lugar kung saan ang bahay nila.

"Salamat sa pagpunta Ciara. Hindi ko naman kasi inaasahan na pupunta ka."

Nginitian ko lang siya bilang sagot sa sinabi niya. Bakit ganun? Parang kinakabahan ako? Yung kaba na naramdaman ko nung pinakilala ako ni Dylan sa parents niya. Pero, kalma lang Ciara. Walang dapat ika-kaba.

"Ciara, maliit lang ang bahay namin ha. Kaming dalawa lang kasi ni mama eh. Tsaka wala din kaming pang upa sa mas malaking bahay." nahihiyang sabi ni Gab.

"Ano ka ba naman. Ok lang yon noh? Walang kaso sakin yon." nginitian ko ulit siya para hindi maging obvious na may kaba akong nararamdaman. 

Tumigil kami sa isang sari-sari store. Akala ko yon na ang bahay nila pero may pinasukan pa kaming eskinita. Sobrang kitid na eskinita. Yung tipong kailangan mong mag sideview pag may dumaan na motorcycle. At ayun nga. May masasalubong kaming motor na ang nakasakay ay isang topless na lalake na puro tattoo ang dalawang braso. Habang naglalakad kami ni Gab, pinagtitingian kami ng mga taong nakatira sa gilid ng eskinita. Ayoko ng ganitong feeling. Para akong alien. Bago makarating sa bahay nila Gab, meron pa kaming nadaanan na isang grupo ng mga kabataang lalake.

Memories in the Making (On-going)Where stories live. Discover now