Chapter 1

38 5 0
                                    

[Monday; 5:30am]

"Good morning Dylan! I love you!" sabi ko habang hawak hawak ang picture niya na nasa side table ko. 

Haaay! Monday na naman. May pasok na naman. Bitin na bitin ang weekend sakin. Hindi ko nga naramdaman na dumaan dahil sa sobrang daming projects. Ang hirap talaga pag graduating na. 

Kumain na ako ng breakfast, naligo, at nagready na sa pagpasok ko. 7:00am ang time ko kaya kelangan ko talaga gumising ng maaga. Medyo malayo pa naman ang bahay namin sa university na pinapasukan ko. Hanggang ngayon, kaklase ko pa din si Joy at si Dave naman ay schoolmate namin. Hanggang ngayon, sila pa din ni Joy. Going stronger and stronger ang relationship nila.

Joy and I we're taking up Bachelor of Science in Business Administration. Since pareho namang may business ang family namin ni Joy kaya eto na yung course na kinuha namin. At ang bilis ng panahon dahil graduating na kami ngayon. Mechanical Engineering naman ang course na kinuha ni Dave. 

"Manong, tara na po." sabi ko sa driver ko at inistart na niya ang kotse. 

After 30 minutes ng byahe, dumating na ako sa university. Sakto lang ang dating ko sa room dahil kasunod ko lang pumasok ng room ang prof namin. Tumabi ako kay Joy na ang aga aga ay nakasimangot na agad.

"Pst! Bakit ka nakasimangot?"

"Si Dave kasi eh." sagot ni Joy at nagpout siya.

"Oh baket magkaaway kayo?"

"Oo. Kagabi pa. Tapos hindi niya pa ako sinundo kaninang umaga. Kaya ako lang mag-isa ang pumasok kanina. Hindi rin ako tinetext. Hindi ko nga alam kung pumasok siya eh." 

"Ah ganun ba? Baka nama--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinaway na kami ng prof namin.

"Ms. De Guzman and Ms. Gamboa, kung magchichismisan lang kayo diyan, sana ay hindi nalang kayo umattend ng klase ko!" pasigaw na sabi ng prof namin.

"Sorry ma'am." sabay na sabi namin ni Joy.

Napakasungit naman nitong prof namin. Panira ng umaga. 

Wala na kaming magawa ni Joy kundi ang pilitin ang sarili namin na makinig sa paulit ulit na dinidiscuss ng prof namin.

Pagkalipas ng dawalang oras na feeling namin ay isang linggo kaming nasa room dahil sa sobrang boring ng subject na yun, sa wakas ay natapos din. Buti nalang twice a week lang namin siya mamimeet. 

"Anong balak mo Joy?" 

"Hindi ko nga alam kung uuwi na ako o hahanapin ko si Dave eh. Pero hindi naman niya yata ako hinahanap. Bahala nga siya. Nakakatampo lang lalo eh. Ikaw uuwi ka na?"

Isa lang ang subject namin pag monday kaya madalas, eto yung time namin para gumala o kaya naman sabay na gumawa ng project it's either kina Joy kami gagawa o sa condo ko. 

"Pupuntahan ko si Dylan ngayon eh. Gusto mo sumama?" 

"Ay may date pala kayo ni Dylan. Sige hahanapin ko nalang si Dave, Ciara. Ingat ka ha."

"Sure. Ikaw din." 

Tinawagan ko na si manong driver para sunduin ako. Dumating din naman siya agad at nagdrive na papunta sa puntod ni Dylan. Pero dumaan muna kami sa isang flower boutique at bumili din ako ng maliit na cake sa katabing shop. 

Pagdating sa puntod ni Dylan, nilapag ko ang dala dala kong bulaklak para sa kanya pati na din ang cake.

"Happy 56th Monthsary Hubby! Sobrang miss na miss na kita Dylan. Mahal na mahal kita. Alam kong gusto mo na akong makamove on. Alam kong gusto mo na din ako magkaroon ng bagong boyfriend. Pero, hindi ko talaga kaya eh. Ikaw lang talaga ang mahal ko. Mahal na mahal kita Dylan. Konting panahon nalang, 5th anniversary na natin." biglang may pumatak na luha mula sa mga mata ko. Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sobrang hirap mawalan ng mahal sa buhay. 

Kasabay ng libing ni Dylan ang pagpunta ng mommy nila sa Canada. Doon na daw muna ang mommy nila para makamove on siya sa pagkawala ng isa niyang anak. Iniwan niya dito si Dave. Ay hindi niya pala iniwan, nagpaiwan talaga si Dave dahil kay Joy. Syempre mahirap naman ang Long distance relationship. Diba? 

Simula noon, wala na rin akong balita sa mommy nila. Naputol na din ang communication namin. Nagdeactivate na din yata si Tita sa facebook kaya hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa kanya.

"Dylan, miss na miss na talaga kita pero wala na akong magagawa para bumalik ka. Pero, sure naman ako na kung nasan ka man ngayon, masaya ka na. You'll always be my angel hubby. I love you."

Pagkatapos ng ilang minutong pagtambay sa puntod ni Dylan, umalis na ako at naghanap ng restaurant na makakainan. Tinatamad kasi ako magluto kaya sa restaurant nalang ako kakain. Ang hirap mabuhay mag-isa. Namimiss ko na si Ate Tin pati si Mommy.

Sa Cavite kasi ang work ni Ate Tin kaya napilitan siyang bumili ng condo malapit sa work niya para hindi na hassle. Si kuya Paul naman, binibisita si Ate Tin every weekend. Oo nga pala, engaged na nga pala sila. At wala akong idea kung kelan sila magpapakasal.

Pagpasok ko sa restaurant na kakainan ko, may napansin akong lalake na naka light blue polo shirt. Hindi ko maalala kung nagmeet na ba kami dati pero hindi maalis yung tingin ko sa kanya. Hanggang sa magkatinginan na kami. Ewan ko pero parang naglue yung tingin ko sa kanya. Haha 

"Ma'am can I take your order?" medyo nagulat ako nung nagsalita yung waiter.

"Ah, eh." tiningnan ko ulit yung guy. Nag smile siya at umalis na. 

Umorder na ako at pagkatapos ng ilang minuto, dumating na ang order ko. Habang kumakain ako, naiisip ko pa din yung lalakeng yun. Hays. Ganun ba siya kagwapo para hindi siya matanggal sa isip ko? Nako naman. Joke lang yun Dylan. I love you! 

Umuwi na ako at nagpahinga. 

Memories in the Making (On-going)Where stories live. Discover now