Chapter 3

25 4 0
                                    

Chapter 3

*Ciara's POV*

Napaaga yata ang dating ko sa room. Halos wala pang mga tao. Kinuha ko muna yung binder ko at nagreview ako. May quiz kasi kami eh ngayon eh. 

May isang babaeng lumapit sa'kin at nagtanong. "Hi. Ahmm, pwede ba akong humiram ng notes?" 

"Hmm, magrereview din kasi sana ako eh. Pero kung gusto mo, pwede ka naman makishare sakin." nakangiti kong sabi.

"Sige okay lang. Ako nga pala si Izabelle Aquino." umupo siya sa tabi ko at tiningnan yung notes ko.

"Ah, ako naman si Ciara De Guzman. Hmmm, parang ngayon lang kita nakita dito." 

"Nagpalipat kasi ako ng schedule. Kaya ngayon lang tayo nagkita. Ay oo nga pala, Iza nalang itawag mo sakin ha." nakangiti niyang sabi sakin.

Ngumiti din ako sa kanya at nag umpisa na kaming magreview habang hinihintay ko naman si Joy.

Maya-maya dumating na din si Joy.

"Sis! Nagreview ka na?" tanong ni Joy.

"Oo, kagabi. Nagbabasa nalang ako ulit. Ikaw?"

"Hindi masyado eh. Distracted ako sa ipangreregalo ko kay Dave. Buong gabi kong iniisip yun." umupo sa tabi namin si Joy at sinenyasan ako kung sino yung katabi ko.

"Si Iza nga pala, bago nating classmate. Iza, si Joy. Classmate/Bestfriend/Sister ko."

Nag hi naman si Iza at ganun din si Joy. Dumating na ang prof namin at nagstart na ang klase.Inayos na namin ang pwesto namin. Madalas kaming nakaupo ni Joy sa bandang likod dahil mahilig talaga kaming magdaldalan. Lalo na pag boring na ang discussion. Sa amin na din tumabi si Iza. Since kami pa lang naman ang kilala niya sa klase namin.

[Break time; CAfeteria]

"Magkwento ka naman Iza. ^_^" sabi ni Joy.

"Tungkol saan?" medyo nahihiyang sabi ni Iza.

Napansin ko lang. Medyo may pagkamahiyain si Iza. Ang hinhin din kumilos. Tsaka medyo tahimik. Mukhang mahihirapan kami makasundo si Iza. Kasi sobrang opposite namin siya ni Joy. May pagkabalahura kasi kami, maingay, malakas ang trip tsaka medyo makapal ang mukha. Haha

"Sa'yo. Kung san ka nakatira, ilan kapatid mo, may gwapo ba, may jowa ka ba ngaun, ilang taon ka na, ilan na binasted mo, tapos kung v--" siniko ko na si Joy. Ako kasi madaldal lang, pero etong babaeng to, UBOD NG DALDAL. Pero pag tungkol na sa secrets ibang usapan na yon. ^_^

Medyo natawa si Iza sa sobrang pagkachismosa ni Joy "Nakatira ako malapit lang sa university na 'to. May isa akong kapatid. Half brother, 3 years old na siya. Tapos, NBSB ako."

Nagulat kami pareho ni Joy sa sinabi ni Iza. Kasi diba sa panahon ngayon, konti nalang ang mga NBSB? As in konti nalang talaga. Hindi namin akalain na makakakilala kami ng isa. 

"Bakit naman NBSB ka Iza? Ang ganda mo kaya." sabi ko sa kanya.

"Hmm, madami kasing problema ang pamilya ko noong mga nakaraang taon. Kasama na dun ang financial kaya kailangan kong pagbutihan ang pag-aaral ko para naman worth it ang pagpapaaral nila sa'kin. Tsaka mas pinili ko talagang magfocus sa pag-aaral kaya hindi ako nag-eentertain ng mga manliligaw." 

Nga-nga lang kami ni Joy kay Iza. Ang bait niyang anak. Although may kaya naman sila. Pero, hindi talaga siya ganun kaluho. Hindi naman siya kuripot pero matipid lang talaga. Nagkwentuhan, nagtawanan at kumain lang kami buong break time. Nakwento din ni Iza na ngaun, okay na ang pamilya niya. Nakabangon na sila noon sa problema nila.

Memories in the Making (On-going)Where stories live. Discover now