Chapter 22(Daredevil)

19 1 0
                                    

Jeff POV:

Isang palaisipan ang Blue Poison Dragon Gang sa akin. May kung anong nagtutulak na kailangan kong obserbahan at alamin ang buong grupo ng gang nila. Masyado silang prohibited at confidential sa detalye nila.

Bago pa lang ang gang na ito pero kung iisipin matalino ang nasa likod ng gang na ito. Kahit mga member nila naka-maskara at naka-secret identity.

Mamaya na ang gangfight namin sa kanila. Dito ko malalaman ang galing ni Blade sa pakikipaglaban ngunit delikado parin ang buhay niya.

"So? Kumpleto na tayo." sabi ko habang iniinom ang pomelo juice.

Si Blade na lang kasi ang hinihintay namin dito sa secret conference room namin. Kami lang ang nakaka-alam nito.

"Bakit ka kasi late? Alam mo namang may importanteng pag-uusapan ngayon!" ani ni Ron sa hangin habang pinaglalaruan ang hawak na kutsilyo. Tinignan lang siya ni Blade at umupo na.

"Tama na yan. Hindi basta-basta ang kalaban natin. Magaling, matalino at tuso sila. Hindi natin sila kilala at malaking tanong para sa mga leader ng gang kung sino sa kanila ang leader. Anong kaya niya? Ayon sa mga laban nila magagaling sila." paliwanag ko sa kanila.

"Alam niyo narinig ko palang ang gang na yan, pakiramdam ko malaking kalaban na sila." sabi ni Josh.

"Well, kailangan mo ng lumaban dito Blade. Dito na magsisimula ang mga laban natin." pagalit na sabi ni Ron kay Blade.

"Alam ko. Huwag kang mag-alala, kung inaakala mo na mahina parin ako nagkakamali ka!" malamig niyang pag-sagot.

"Pwede ba huwag na kayong mag-away. Ang kailangan natin ay mag-kaisa at mag-plano sa dapat nating gawin." pagsabat ni Steve sa kanila.

"At pwde rin ba na huwag niyo munang ilagay dito ang personal niyong galit. Sa gang muna ang isipin niyo." naiinis naman na saad ni Josh sa dalawa.

Mga professional talaga sila bukod kay Ron. Kahit galit sila kay Blade basta sa gang wala muna sa kanila yon.

"May naisip na akong plano." napatingin lahat sila sakin "Hindi niyo ako makakasama sa gangfight ngunit pupunta ako ng palihim. Ipapalabas natin na kulang ang RDG. Magmamasid ako sa paligid lalo na sa mga kalaban. Ako ang magsisilbing mata sa mga kalaban. Baka may magtangkang bumaril na naman." sabi ko.

"I guess you're right." – Steve.

"Ikaw Blade bilang leader anong masasabi mo?" marahan na tanong ko.

"I just want to clear something to all of you." tumayo siya "Huwag niyo akong tignan bilang mahina. Look at me as a strong and brave leader." pagtingin niya ng seryoso kay Ron.

"How can we do that? You're not strong enough and you are not Blaire." ani ni Ron.

"As a leader of this gang, you need to follow my command." pagsagot ni Blade. "Yon lang ang masasabi ko Jeff and I agree to your plan. Maliwanag ba ang sinabi ko sa inyo?" umupo na ulit siya.

"As well as you said. We look at you as strong and brave. Happy?" sarcastic kong saad.

Malayo talaga ang ugali niya kay Blaire. Hindi mo alam ang tumatakbo sa isip niya.

"Ipapa-alala ko lang sayo. Not all the time you need to use your leader power. Kailangan mong sundan at pakinggan ang mga member mo." ani ni Ron.

Galit talaga si Ron sa ginagawa ni Blade kay Zam. Kung ako nga nagagalit din sa ginawa niya pero bilang leader sinusunod parin namin siya at yon ang patakaran ni Blaire.

My Gangster Revenge(Who killed Blaire?)Where stories live. Discover now