CHAPTER 11

1.6M 33.3K 7.4K
                                    

CHAPTER 11

SHUN is pissed! Alam niyang may tinatago sa kaniya si Themarie pero hindi ito. Alam niyang mayroon, but he never expected something like this. When he heard her say i love you to someone on the other line, parang umakyat ang dugo sa ulo niya.

He saw red. He wants blood! He wants to kill someone!

"Shun-"

"Sino ang kausap mo?" Tanong niya sa malamig na boses. He's losing his control. Good heavens! "Please, Themarie, tell me." Nakakuyom ang kamao niya.

Themarie giggled, and Shun frown. Bakit naman ito bubungisngis? Mali ba siya? Sana naman ay mali siya. He really like Themarie and he'll be buried first before he let someone take her away.

"It's a friend of mine." Ani Themarie saka naiiling na niyakap siya. His doubts and suspicions instantly fade away. "Nagseselos ka na naman. Iniisip ko tuloy na in love ka na sakin."

Napakurap-kurap siya habang nakaawang ang mga labi. In love? Kailangan talaga niyang magpa check-up kay Ymar. He can't love a woman he just met ... right?

Wala pa siyang naririnig na ganoon maliban sa mga Disney Princess' movies na palaging love at first sight ang nangyayari. That's just so wrong.

Hinawakan siya ni Themarie sa kamay at hinila siya patungo sa pinto ng apartment nito.

"Umalis ka na." Anito. "Magpapahinga na ako."

Napasimangot siya. "Can't i stay?" Itinaas niya ang kanang kamay na parang nanunumpa. "Promise, i won't grope you."

Pinandilatan siya ng dalaga. "Hindi. Uuwi ka at magpapahinga ako. Okay?"

Bumuntong-hininga siya. May choice? "Fine. Pero date tayo bukas."

Umakto itong nag-iisip saka ngumiti. "Sige. Date tayo."

That made him calm and happy. Nawala kaagad ang pagdududa niya kay Them na may kasintahan itong iba. Dapat siya lang ang lalaki sa buhay nito. Dapat siya lang ... kasi, sa buhay niya, ito lang ang nag-iisang babae.

NAKATINGIN si Themarie sa papalayong bulto ni Shun. Bumuga siya ng marahas na hangin. Hindi dapat nito malaman kung sino si Terron. Kapag nalaman nito, siguradong magagalit ito at iiwan siya. She doesn't want that. She wants him to stay ... stay with him.

Napakasinungaling niya talaga. I'm going to hell for this! Good God.

Humimga siya ng malalim saka tinawagan si Honey.

"May kailangan ka, Thems?" Ani Honey sa kabilang linya.

"My Dad and Terron called." Themarie blurted out.

"So? Anong problema?"

"I like Shun." She blurted out. "Anong gagawin ko?"

Bumuntong-hininga si Honey sa kabilang linya saka nagsalita. "You can't like Shun, Thems. Alam na alam mo yon. Sasaktan mo lang 'yong tao. If he really cared for you, then you'll just hurt him. Really hurt him."

Alam ni Honey ang mga nangyayari sa buhay niya. Honey and Amethyst knows.

"I'm going to hell because of this, aren't i?" Tanong niya kay Honey. "Pero gusto ko si Shun, Honey."

"Then stop liking him, Thems." Malungkot ang boses na sabi ni Honey. "Huwag mong saktan ang lalaking gusto mo."

Her heart tightened inside her ribcage. It hurts. "Bakit ba ganito ang buhay ko? Bakit ganito?"

"It's your duty, Thems."

"Whatever." Mapait na aniya saka pinatay ang tawag.

Galit siya. Gusto niyang magwala. Pero anong magagawa niya? She's bound to her duty. That's part of the deal.

POSSESSIVE 8: Shun KimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon