CHAPTER 6

1.7M 36.3K 5.1K
                                    

CHAPTER 6

THEMARIE opened her eyes and saw Shun. May tumatamang sikat ng araw sa pisngi niya. What a nice way to wake up. A new day. Handsome face. I'll have a nice day ahead for sure.

Napangiti siya. Nasa kama na siya nito at magkatabi silang dalawa. Mukhang binuhat nga siya nito patungo sa silid. What a sweet guy.

And as if hell boy sense that she's now wide awake, Shun opens his eyes.

"Hey. Good morning, babe."

Ngumiti siya. "Good morning din sayo, hell boy." Hinalikan niya ito sa mga labi. It was just a peck. "Bayad ko sa pagbuhat mo sakin."

Napangiti ito. "Hindi pa naman ako naniningil."

"Mabuti na ang kusang nagbabayad kesa sa sisingilin pa. Nakakahiya 'yon."

Shun chuckled then gets up. "What do you want for breakfast, babe?" Natigilan ito na para bang nagsi-sink in palang sa isip nito ang tinawag nitong sa kaniya. "I mean, Them, anong gusto mong agahan?"

Babe? Tumalon-talon ang mga cells niya sa katawan sa sobrang kilig. "Brewed Coffee at pancake, hell boy."

"The usual breakfast." Umalis ito sa kama at naglakad patungo sa pinto. "Hintayin mo ako rito. Ipagluluto kita ng agahan."

Lihim siyang napangiti. "Okay, hell boy. Hihintayin kita."

Shun gave her a lopsided smile and left the room.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang kilig na nararamdaman. Shun's effect on her is very new. So new that it sometimes confuses her. Hindi naman siya isang babaeng madaling mapaniwala ng isang lalaki. Hindi siya isang babaeng gumagawa ng paraan para makasama ang isang lalaki. Sa uri ng trabaho niya, mahirap sa kaniya ang magtiwala, lalo na ang matulog sa ibang bahay, lalo na kung bahay iyon ng isang lalaking hindi naman niya gaanong kilala.

Hindi naman yata sapat ang lumabas sa finger print scanner para masabi niyang kilala na niya si Shun Kim. But here she is, trusting him and doing everything to charm that gorgeous Chinito.

Nagtungo sa banyo si Themarie at naghilamos saka nagmumog. After that she went in front of the mirror and check if she looks okay. Napakunot ang nuo niya ng mapansin ang salamin ay nakadikit sa sliding na pinto.

She steps closer and slide it open. It's a closet.

Tumigil ang mga mata niya sa revolver gun na nasa ibabaw ng mga nakatupi nitong damit. She picks it up and checked if it loaded. Mabilis niyang ibinalik ang baril ng makitang may bala iyon at nakahanda nang kalabitin ang gatilyo.

Why does he have a gun?

Mabilis niyang isinara ang closet ng marinig na bumukas ang pinto. She didn't even hear his footsteps! This man ... has lots of secret. Nararamdaman iyon ni Themarie hanggang sa kailaliman ng kalamnan niya.

"Breakfast is ready." Ani Shun na may ngiti sa mga labi at may dala ng tray na may lamang dalawang tasa ng kape at apat na pancakes.

"Walang lason 'yan?" That came out from Themarie's mouth before she even realizes it. "It's a joke." Mabilis niyang bawi.

Mukhang hindi naman 'yon pinag-isipan ng masama ng binata. Mahinang tumawa si Shun at inilapag ang tray sa bed side table saka nilapitan siya.

Shun touched her cheeks using the back of his index finger and smiled sweetly at her. "I had a good night sleep. How 'bout you?"

Nag-haywire ang puso niya. "A-Ako rin."

Dahan-dahang lumapit ang labi nito sa labi niya.

"How much for a kiss again?" Tanong nito ng gahibla nalang ang pagitan ng mga labi nila.

POSSESSIVE 8: Shun KimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon