xMCB 12x (Part One)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anong nangyari?"tanging sinabi ko.

Ang huli kong natatandaan, nasa gate ako at pinapanuod ang umaalis na mga sasakyan.

"Nawalan ka bigla ng malay. Ayos ka na ba?"inalalayan ako ni Nathan sa pag-upo.

"Jan nag-alala kami sa'yo. Ano bang nangyari?"sabi ni Mich.

"Sissy, okay ka na ba?"sabi ni Yhanna.

"Si Macky."

"Ah oo nga pala. Macky Jino Cruz ang totoong pangalan ni Jin."sabi ni Nathan. Sa sinabi niya na iyon tumulo na ang mga luha ko.

"S-Si Jin. Kapatid ko siya. Siya ang nawawala kong kapatid. Siya yun." All this time. Kaya pala ang gaan ng loob ko sa kanya. Kaya pala kahit may pagkaisip bata siya natitiis ko pa rin. Kaya pala tinuturing ko na siyang kapatid dahil kapatid ko pala talaga siya.

"Eliza, sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?"sabi ni Nathan.

"Oo sigurado ako. Macky Jino Montenegro ang pangalan ng nawawala kong kapatid. Isang taon ang agwat namin sa isa't isa. Ilan taon na ba si Jin?"

"If I'm not wrong, 16 pa lang siya. Nag-advance siya dahil matalino siya."sabi nito. Lalo akong umiyak.

"18 na ko. Siya nga ang kapatid ko. Kailangan ko na siyang makausap." tumayo na ako sa kama pero pinigilan ako ni Nathan.

"Huwag muna. Maghanap muna tayo ng proweba."

"Proweba? Nathan naman! Alam mo kung gaano ko hiniling na makita siya! Na makasama siya! 16 years! 16 years ko siyang hindi nakasama!" patuloy na sa pag-agos ang luha ko. Lumapit sina Yhanna sa akin at pinapatahan ako.

"We don't know if Jin can handle such information like this. Gugustuhin mo bang masaktan siya sa mga nangyayari?"

My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon