"Mylabs?" seryosong sabi ko. Napalingon sya, tinignan nya lang ako, yung tingin na parang nagtatanong. Medyo traffic kaya ayun na-stuck kame dito sa Edsa. Badtrip talaga! bakit ba laging traffic dito?

"Saan nga tayo pupunta?" hindi na talaga ako mapakali, grr! I wanna know! I wanna know! (--") "Ang kulit mo talaga" nakangiting sabi nya. Ay potek! ang gwapo talaga! hm! sarap sarap mo kurutin!

"Sabihin mo na kasi.. Sige na mylabs.. Pleaseee.." para akong bata na nagmamakaawa, si mylabs naman kasi e! pa-suspense! dami alam..

"Do you really want to know?" tanong nya. Aba'y oo naman mylabs! kanina pa ako naeexcite e, "Yes! I really want to know, as in GUSTO ko na talaga malaman, now na!" ngiting wagi nanaman ako, come on spill it!

"Later" iiihhh kainis naman si mylabs e! ayaw talaga sabihin :( tsk! "Ikaw talaga Mikekim! pinapaexcite mo ako tapos bibitinin mo din.." napasimangot ako, sya naman ayun patawa tawa. Pasalamat ka gwapo ka kundi.. Kiss kita dyan e!

"Don't pout or even frown, I don't wanna see you making that kind of reaction" at mas lalo akong napasimangot sa sinabi nya. Ano'ng ibig sabihin nya dun? bakit panget ba talaga ako kapag sumisimangot ako? hindi naman ah!

"Why? am I ugly? you hate this?" sabi ko saka ko pinakita yung 'make face' kuno na ayaw nyang makita. Yung pinaka panget kong mukha pinakita ko na, bahala sya! nagtatampo ako. Haha joke lang! hindi ako nagtatampo, nang-iinis lang.

"Stop that Gab" seryosong sabi nya. Bahala ka Mike! hindi ako titigil, bleeee :P

"Ayoko nga!" *makefaceulit* "Panget ba?" *makefacewithpout* "Eto mas panget"

"I said stop!!!" natigil ako ng sumigaw sya. Hala mukhang nagalit ko yata si mylabs ah, huhu ang hirap pa naman suyuin ni Mike, daig ko pa! sya? isang sorry lang nya okay na saken bati na agad kame, e pag ako? halos lumupasay na ako sa sahig at mapaos na kakasigaw sa pinto nya wala pa din :(

Natahimik ako saglit. As in saglit lang..

"Mylabs galit ka ba?" hindi ko kayang magalit sakin si mylabs, hindi talaga huhu.. "Tsk! ang kulit mo, para kang bata alam mo ba yun?" ouch! ang sakit naman nun.. Pero ayos lang, accept the reality. Totoo naman e, makulit naman talaga ako, palage ko syang kinukulit, palage ko syang ginugulo.. Siguro nagsasawa na sya sakin :(

"Sorry.." sabi ko,natahimik sya. Nakatingin lang sya sa mga sasakyan sa harap namin, wala akong marinig na kahit ano kahit pa ang ingay ng mga busina sa paligid namin.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon