Chapter 1 ♥ Who's that GUY?! >.< ♔

431 19 3
                                    

~ Ang sabi nila.. Love is blind, pero para sakin?.

Love is like...

... magic ~

 ~ 

Chapter I

Trisha 

KRIINNG!! 

" Mmm... "  napa-ungol ako tsaka napa-ikot sa kama nang tumunog ang maingay at sira-ulong alarm clock ko. Tss. Kitang may natutulog eh, nanggigising?!! 

KRRRIIIIIINNNGG!!

Muli akong napa-ungol at napa-gulong sa kabilang side ng kama nang tumunog ulit ang alarm clock ko tsaka tinakpan ng dalawang unan ang tainga ko. Grr.. PROMISE! Isang tunog na lang talaga.... sasabog na ako! 

.

.

.

.

KRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNGGGGGGGG!!

Ok. THAT'S IT!

"Aish!" tuluyan na akong napabangon sa kama, nakasimangot at sabog ang buhok kasabay ng malakas na pagsipa ko sa aking relo palabas ng bahay at pagpasok ni mama sa kwarto. 

"Oh My God Trisha!" nanlaki ang mata ni mama habang nakatingin sa labas ng aking bintana ( which is sira na ) kung san naroroon ang kawawa kong alarm clock pero mala-tigre kung manggising! >3<! Grr!! Kung hindi lang dahil sa pesteng alarm clock na yan edi sana hindi napahamak ang bintana ko sa sobrang lakas ng pagkasipa ko! Tsk. Bwisit kasi eh! 

Napa-buntong hininga na lang si mama tsaka tumingin sa akin ng diretso. "Trisha Ann..." napangiti na lamang ako na parang ewan habang nakaharap sa kanya at nakataas ang isa kong kamay, saying hello~ hehe. In a way :3. 

"Hehe. Good morning po mommy!" diretso lamang siyang nakatingin sa akin, seryoso at hindi ngumingiti kaya napa-baba na lamang ako ng kamay ko at napasimangot. Ajuju!! Bwisit kasing alarm clock yan eh! Pinapahamak ako!! >.<! 

"How many times do I have to tell you to stop making nonsense in this house!" abo't hanggang kabilang bahay ang pangaral ni mama na sinabayan pa niya ng pagtaas ng kilay at pag-cross arms. Yayks! Ang eardrums ko!! >3<. "Alam mo namang mamahalin ang mga gamit dito tas, sisirain mo lang?!" napayuko ako... Lagi na lang... Palagi na lang kaming ganito... 

Huminga muna siya ng malalim at tsaka muling nagsalita. "Bumaba ka na" hinalikan niya ang cheeks ko. "Breakfast is served" nginitian niya lang ako at tsaka siya lumabas ng kwarto ko at tuluyan nang bumaba. 

Napa-upo na lamang ako... Bakit?. Bakit palagi na lang ganito?. Sinubukan kong pigilan ang sarili kong umiyak at mapahagulgol pero, nabigo ako.

16 years.. 

16 years na akong nasasaktan at umiiyak ng ganito, ilang taon akong nagsakrapisyo at nagpakahirap upang makamtam ang pagmamahal ni mama pero, kahit anong gawin ko, kahit anong pilit ko, wala... Hindi niya magawa. 

Pinunasan ko ang aking mga luha at sinubukang alalahanin ang mga ala-ala naming dalawa.. Ang totoo niyan, hindi naman ganito si mama. Nagsimula lamang ang lahat ng ito nang malaman niyang may babae si papa at may anak ito sa labas, at ang anak na iyon ay walang iba kundi.. ako. Noon palang, gustong-gusto na nilang magkaroon ng pamilya, yung may anak at masaya sila pero hindi iyon nangyari... May sakit sa puso si mama at delikado para sa kanyang manganak at dahil dito, hindi napigilan ni papang magmahal ng iba at magkaroon ng anak... Masakit mang aminin pero ang kasalanan na iyon ni papa ay sa akin niya isinisisi, ang lahat ng galit at sakit na nararamdaman niya kay papa, sa akin niya pinaparamdam. Pero, kahit ilang beses man niya akong saktan at itratong hayop, hindi ako nawawalan ng pag-asa. Mahal ko si mama at kahit ganyan siya, gagawin ko ang lahat. Lahat-lahat, mahalin niya lang ako. 

My Pet PrinceWhere stories live. Discover now