"ano ba kase talaga kailangan mo?"
tanong ko

"gusto ko lang mag thank you talaga sayo. tsaka gusto kitang makita" sabi nito kaya naman napatingin ako sakanya at ngumiti ito

jooskooo po! eto nanaman ang ngiti niya. ano ba kaseng meron bakit iba ang nararamdaman ko sa twing nakangiti siya sakin.

"gustong makita? bakit?! balak mo talagang sirain ang araw ko no?"

"wala naman akong ginagawa sayo pano ko nasisira o masisira ang araw mo?" sabi niya at halatang naguguluhan ito

"wala!" inis kong sabi

"alam ko na bakit ko nasisira ang araw mo sa twing nakikita mo ako" kangiti nitong sabi

"ano?!"

"kase nasasapawan ang ganda mo sakin hahahahahhaha"

bigla akong nainis sakanya dahil nakakaloko ang pag tawa nito!

"ang kapal mo rin talaga spencer ano?! ikaw mas maganda sakin?! pwede ba! matangkad ka lang sakin pero mas maganda ako sayo!"

pagtawa lang ang ginawa niya kayo lalo akong nainis sakanya!

grrrrrrrrrrrr! bwisit na babaeng to!

"kung aasarin mo lang ako pwede ba umalis kana dito! baka hindi pako makabenta ng dahil sayo!!"

at bigla na itong tumigil sa pag tawa niya.

"tignan mo to ang pikon talaga."

"di ako pikon!"

"e ano yan?"

"wala! tigilan moko!" pag mamataray ko

"nga pala shay panigurado nag lunch kana anong gusto mong miryenda?" seryoso niyang tanong

"miryenda?"

"yup! mag miryenda tayo"

"inaaya mo nanaman ako para mag pasubo sakin?! kaya siguro pumunta ka dito ano?!"

kala nitong babaeng to! kunyare pang mag papathankyou gusto nanaman palang mag pasubo sakin!

"hindi ah. gusto lang sana kitang makasabay mag miryenda"

"so feeling mo close na tayo niyan?!"

"wala akong sinasabi"

"asan ba kase girlfriend mo?!"

"hindi ko nga girlfriend si bea! kainis to!"

"di maganda ang nag dedeny ng girlfriend spencer!"

"di ko nga siya dinideny dahil hindi ko nga siya girlfriend! ang kulit mo din e no?"

"okay deny pa more!"

"haaay nako! ano na gusto mong kainin na miryenda?"

"wow nang iiba ng usapan"

"pag ako nang inis niyan sayo pikon ka agad"

"ano ba gusto mo?" tanong ko dahil baka ako naman asarin nito

"kung ano nalang gusto mo" balik naman niya

"haaay nako malay ko ba sa gusto mo"

"kahit ano lang basta gusto mong kainin ako naman bibili e"

"natural alangan naman ako pa bumili" sagot ko naman

"kaya nga tinatanong kita para alam ko kung anong gusto mo"

"tutal hindi naman ako maarte kahit ano lang sakin. ikaw na pumili sige" sabi ko at tumayo na ito para bumili ng bigla nalang mag tumawag sa pangalan niya

When You Kiss Me •GiRL2GiRL•Where stories live. Discover now