17. He Loves me not?

1.8K 50 22
                                    

 (c) May 10, 2013 by CeeryL. All Rights Reserved

CLsakuraloves presents

17. He loves me not?

>>Ivy<<

Palagi nalang niya kong snob, palagi nalang niya kong sinusupladuhan, palagi nalang niya kong binubwisit, palagi nalang niya kong inaasar, higit sa lahat palagi nalang niya kong pinapahiya.

Bakit ganun yung mga pogi? Bakit ganun yung mga heartthrob? Bakit ganun yung mga crush ng bayan? Bakit ganun yung mga sikat at hinahangaan? Porke madami may gusto sa kanila dapat ganun na ba?

Tanggap ko ng loser ako, tanggap ko naring low class lang ako, pero sana minsan maappreciate naman niya yung effort ko para mapansin niya. Hindi naman ako panget, yun nga lang hindi rin ganun kaganda tulad ng mga babaeng parati niyang ka-date at kasama.

Ewan ko ba sa kanya, kahit yata ipagsigawan ko na sa buong mundo na gusto ko siya, wala padin mangyayare. Ang hirap nu? Bakit kasi hindi pwedeng manligaw ang babae? Okay let me rephrase that, bakit kasi nakakahiya kung babae ang manliligaw? Lalake lang ba talaga ang may karapatang manligaw? Kami din naman pwede di ba? Unfortunately, so awkward lang talaga pag ganun ang nangyare.

Ako nga pala si Ivy San Jose, isang babaeng adik sa crush na si Jethro Chad Aviles, na anak ng bestfriend ni Papa.  Akalain niyo nga naman nu? Magbest of friends ang Papa namin. Pero hindi naman advantage yun para sakin, feeling ko nga dis advantage pa kasi, mas lalo akong napapahiya, hindi lang sa iba pati nadin sa parents namin. 

Hay buhay! 

Narito kami ngayon sa bahay nila, ininvite kasi kami ni Tito na mag dinner dito, as usual hindi naman niya ko pinapansin. Alam niyo bang makakausap ko lang yan kapag aasarin niya lang ako. Kaya nga minsan minamabuti ko nalang na wag nalang niya ko pansinin para hindi niya ko maasar. Alam niya kasing matagal nako may gusto sa kanya, nalaman niya yun mula nung marinig niya kaming nag uusap ni Papa. Hay! ayoko nalang balikan yun, masyadong masakit.

"Gumaganda ka iha ahh? Siguro nililigawan ka na nitong si Chad ko nu?" biglang sabi ni Tita Shey habang kumakain kami. Syempre nagulat ako dun kaya napa nga nga ako ng konti. Grabe nakakahiya kasi alam naman nila na hindi ako gusto ng anak nila e.

"Ma naman alam mo namang----" alam namang HINDI niya ko gusto at malabong mangyare yun. Aray Chad! wag naman sa harapan ng parents natin ohh?

"Ahh o nga pala, Iha pasensya na huh?" ouch, pasensya kasi hindi niya ko gusto? Okay lang yun kahit hindi, kahit masakit okay lang tanggap ko na pero wag naman sanang ganito ka-obvious, wag harap ng mga mahal ko sa buhay. :(

CL's collection of ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now