Chapter 71: *Do you still love me?*

Magsimula sa umpisa
                                    

Tignan niyo, ako na naman ang nakita. Namumula ba ako? Sa inis ata hindi sa kilig!

“Magsitigil nga kayo! Bumalik na kayo sa mga classroom niyo.” Tong mga fourth year na ito talaga! Hayyy! Nandito kasi kami sa third floor. Tumitingin sa malawak na quadrangle nang school. At sino ang kasama ko? ang korni na si Sir Dan.

“Bakit ba kasi hindi mo na lang ako sagutin Jenny, para hindi ka na nila, ahm tayo tinutukso..” maya-maya’y sabi nito. Nakangiti sa akin.

“Ehem.. Dan kasi.. ahm..” I’m still waiting for someone. Talaga?? Isip ko ba tong nagsasalita o ako mismo?? “I’m sorry. Hindi talaga kasi kita magawang mahalin ee.”

Totoo naman tong sinasabi ko. Hindi ko siya magawang mahalin. Kasi .. kasi nga.. ahm.. mahal ko pa rin si Luis.. ARGH! Hindi ko na dapat siyang mahalin kasi nga engage na siya! Soon to be married na nga e! wala na akong habol! Walang wala naaaaa!

“Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin??” tanong nito sa malungkot na tinig.

Awww. Nasaktan ko siya.  Ayoko naman manakit ng feelings ng iba e. Pero bwisit na puso to e! umiibig sa isang taong hindi na ako ang mahal.

“I’m sorry. Hindi ko talaga kaya ee..” Sorry talaga. Tanga ang taong iniibig mo ee.

Bigla niya akong niyakap. “Huli na to. Promise. Just want you to know that I’m still here. Kung kailangan mo na nang boyfriend or asawa, nandito lang ako.”

Kinurot ko nga siya. Pilyo pa rin ee.

Tumawa lang ito. Gumanti na rin ako ng yakap. Last na ee.

“Jen?”

Otomatikong naghiwalay kami ni Dan.

“Lu..luis??” totoo ba to o hallucination ko lang?

Secretly Loving You! (Revising and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon