Chapter 36: *Have we met before?*

3.1K 45 3
                                    

Chapter 36: *Have we met before?*

 

THIRD PERSON’s POV

Saint Matthew high school

Tuesday:

Game 2: 005 x 008 = SFA x Saint Nicholas high school

Yan ang game ngayon ng Saint Francis Academy. Dahil hapon ang laban nila ay pinayagan ang section ni Irish na i-cheer ang mga basketball players.  Magkakasama naman ang magkaklase na pumunta sa Saint Matthew. Hindi nila kasama si Bryan dahil kakausapin pa daw ito ng principal kaya nauna na sila.

“Wow! It’s nice to be back! Hahaha.” Bungad kaagad ni Vincent kahit na ilang buwan lang naman siya nanatili sa eskwelahan na ito dahil pumunta siya sa states.

“Sayang wala si Henry. Ang dami niya pa namang fans dito.” Sabi naman ni Luis. Pumunta na sila sa court. Nandun na din ang kalaban nila. Hindi pa naman nag-s-start ang game. May 20 munites pang natitira.

Nang paupo na sila ay lumapit ang captain ng Saint Nicholas.

“So the bunch of losers was here. Nasan si Henry? Bakit hindi kayo kumpleto?” pakutyang sabi nito.

Luis frowned. Sinisisi pa rin talaga sila nito sa nangyaring pagkatalo nila last year. Wala nga sila noon hindi ba? Dahil pumunta sila sa baguio para sundan si Irish.

“Bakit nagtransfer pa kayo mula sa Saint M? sila nanalo last year diba? Bakit hindi kayo kumapit sa kung sino ang malakas?” kutya pa din nito.

“Oo nga. Tsk tsk.” Sabi naman ng isa nitong kasama.

“Hey! Stop talking like that to Luis and Vincent!” sigaw naman ni Irish. Wala naman kasing kasalanan ang mga kaibigan niya, siya ang dahilan kung bakit hindi nakapunta ang mga ito sa laro nila.

“So the bad princess was here after all. Oo nga naman. Kung nasan ang mga losers nandun ka din!”

Naikuyom ni Irish ang mga palad. Bad princess? Lahat ng nasa Saint N na nakakakilala sa kaniya ay yan ang tawag sa kaniya.

“Don’t call them losers! Nung game niyo hindi niyo ginalingan kaya kayo natalo! You always depend on Luis and Vincent! Kaya nung wala sila at natalo kayo, sila agad ang sinisi niyo!” galit na turan ni Irish. No matter what happen, she will not let them say those words to her friends!

Secretly Loving You! (Revising and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon