Chapter 37: *Knight in Shining Armor*

3K 44 4
                                    

Chapter 37: *Knight in Shining Armor*

 

IRISH’s POV

Bakit kailangan niyang gawin yun? Bakit kailangan niya pa akong paalisin? Wala naman akong ginagawang masama diba? Nagseselos ba talaga siya? Pero wala naman siyang dapat ikaselos ee. At saka hindi ba niya ako pinagkakatiwalaan??

Pati tuloy si.. tsk. Hindi ko pa pala natanong ang pangalan niya.

Asan na ba siya? Oo nga pala, medyo malayo sa park ang bilihan. Hihintayin ko na lang siya at pagkatapos ay uuwi na ako.

“Irish??”

“Huh?”

“Si Irish nga mga tol!”

Napatayo ako. Tss! Kilala ko ang mga to! Mga sanggano to ng Saint Nicholas! Teka? Bakit kasama nila ang ibang taga-Saint Matthew?

“Akalain mong nandito ka?” lumapit sa akin yung may benda sa kaliwang kamay.

“Anong kailangan niyo?”

“O teka? Bakit parang takot ka?” sabi naman nang nakahead band na nakasuot ng uniporme ng Saint matthew.

Binilang ko sila. Apat na taga-saint N at tatlong Saint M!

“Naalala mo to?” ipakita niya sa akin yung may benda.

Hindi ako nagsalita. Naalala ko na. Ako ang gumawa non.

“Ikaw ang gumawa nito babae ka! P*** lang! ang tagal kong inasam na makita ka ulit! Gigil na gigil akong gantihan ka!”

“Ang dami mo ding sinaktan sa grupo namin!”

“At yung iba, nasa hospital pa rin hanggan ngayon!”

Secretly Loving You! (Revising and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon