Chapter 52: * I've Decided*

2.9K 39 3
                                    

Chapter 52: *I’ve Decided*

 

BRYAN’s POV

Kanina ko pa pinipindot ang doorbell ng bahay na ito. Halos kalampagin ko na rin ang bakal na gate. Gigil na gigil na akong maka-usap siya. Gusto kong malaman ang totoong dahilan niya kung bakit niya ako pinabayaan. Kung bakit binigay niya ako. At kung bakit hindi niya sinabi sa akin ang buong katotohanan, kung sinabi niya lang sana ang bagay na yun, e di sana.. sana lang..

“Lumabas ka dyan!” sigaw ko.

Wala na akong pakialam sa mga nabubulabog ko. alas-tres pa lang nang medaling araw.

At wala na rin akong pakialam kung nakikita nila akong umiiyak. Hindi nila alam kung gaano naging miserable ang buhay ko.

“Bakit hindi ka lumabas dito huh!” May mga lumalabas na rin na mga tao, na nabulabog ko na siguro. Ang iba pa doon ay mga lasing na..

Marami pa rin namang nagpapaputok..

Hindi maganda ang new year ko, so nakakasiguro akong hindi din magiging maganda ang buong taon ko.

“ANO BA? LUMABAS KA DYAN! HARAPIN MO AKO!!”

“Iho, tama na yan.. bukas ka na lang bumalik..” sabi nang matandang babae na nakatira sa tabi nang bahay na iyon..

“I just want to talk to her! I want to talk to her..” parang batang sumbong ko sa kaniya kahit na hindi ko naman siya kakilala..

Nang biglang nag-ilawan sa bahay na iyon. Bumukas ang pintuan. Lumabas ang babaeng kanina ko pa hinihintay na maka-usap. Dali-dali itong lumapit sa gate at binuksan iyon. Mukha pa itong nagulat nang makita ako.

“Bryan, what are you doing here? What happened?”

Puno ng hinanakit na tinignan ko siya. Imbis na maging masaya ako dahil nakilala ko na ang tunay kong ina, iba ang nararamdaman ko. Galit. Galit ako sa kaniya. Dahil kung hindi sana niya ako pinamigay, hindi ko mararadaman ito. Inuna niya pa ang sarili niya kaysa sa sarili niyang anak..

Secretly Loving You! (Revising and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon