Lalabas na sana ako sa lift ng hatakin ako pabalik ni Drake. Pinindut niya yung 1 button.


"Akala ko ba aalis tayo?" I asked him.


"Change of plans," sabi niya. Hindi na ako nagsalita. May tiwala naman ako kay Drake. Never pa naman niya akong pinahamak... or not? Once nga pala. Nung debut ko. Haaay.


Nakarating agad kami sa 1st floor at hinatak niya ako. Oo, hinatak niya ako, papunta sa convinience store. Aba! Ang dinner date namin, mauuwi yata sa mini stop date!!


Naglalakad si Drake sa mga aisle habang yung isang kamay niya nakahawak sa kamay ko. Yung isang kamay niya, may dalang basket.


"Do you eat ramen?" he asked.


"Ha?"


"Nevermind. I'll make you eat those," sabi niya sabay lagay sa basket niya ng ramen. No, ramens pala! Apat na pack yun ah! Magpipicnic ba kami ngayong gabi?? Kumuha din siya ng itlog?? Pati marshmallows, stick?!! Soy milk, toblerone, chips, at kung anu ano pa. Ay, bumili din siya ng isang kilong yelo! Naka ecstacy ba si Drake ngayon?!


Binayaran niya na yung pinamili niya. Naka paper bags pa naman yung mga dry goods pero yung yelo, hawak niya sa plastic. Iwasan tumigin sa braso, Alys. Break na kayo. Bawal pagnasaan ang biceps!!


o____-


-____o


"Waaaaaaaaaaaah!!!" Napasigaw ako dahil nadulas ako. Bwisit na yelo yan!! Tumutulo pala!! At dahil tiles ang floor, nadulas ako!!!


Binitawan ni Drake yung yelo at nahawakan niya yung kamay ko pero na out of balance din siya kaya sabay kaming bumagsak sa floor.


*wild palpitations*


>////////////<


Buti na lang nasa 19th floor na kami. Busy kasi mga tao dito, eh 10 na unit kami dito. Yung iba, laging wala, yung ibang unit, wala pang nag ooccupy.


Nakatingin lang kami sa isa't isa. Ang awkward!!


Ay, nasabi ko na na nakapatong siya sa akin? Omg!! Kakalbuhin ako ni mommy pag nalaman niya 'to!!


"Alys..." sabi ni Drake. Konting konti na lang, mahahalikan ko na siya!! I mean, mahahalikan niya na ako.


"H-ha?"


"Can I kiss you? I know we broke up but... I feel like kissing you right now."


"H-ha?"


Nakatingin pa din kami sa isa't isa. Lord, test ba 'to para makita kung nakamove on na nga ako? Kung oo, failing na yata ang standing ko!


"I don't wanna force you. I won't kiss you if you don't like me to," sabi niya. "Or not," sabi niya ulit tapos kiniss niya ako sa neck.


O__________O


Tumayo siya agad pagkatapos niyang ikiss yung neck ko. Ako? Nakahiga pa din sa floor. Oh, Lord. Alam mo na po? Failed ako!! May re-take po ba??


Nakita kong nagpipigil magsmile si Drake pero halata naman na mukha niyang napapa smile siya. Haaay, Drake!


Tinulungan niya akong tumayo. Yung yelo niya? Ayun, natutunaw sa floor. Bahala na nga. Mamaya may madulas din dito, kami pa ni Drake mapagbintangan!! May mga cctv pa naman sa bawat sulok ng building na 'to.


Kinuha ko yung panyo ko at pinunasan yung floor. Hindi pala kasya. Ang liit ng panyo ko. T^T


"Here," sabi niya.


O_________O


Lord, eto na ba yung re-take?!! Bakit sobra naman po 'to!!


"D-D-Drake?" sabi ko ng yung mata ko, naka glue na talaga sa abs niya. Oh, Lord. Why are you testing me??


"It's fine. You can use my shirt," sabi niya sabay abot pa din sa akin nung shirt niya na branded tapos gusto niya ipamunas ko lang sa basa sa sahig?!! Naka ecstacy yata talaga si Drake!! Pero oh noes!! Yung mata ko ayaw pa ding maalis sa abs niya!! Grabe!! Mga mata ko, umalis na kayo ng tingin jan!!


Dahil napansin niya yata na nasa trance ako, siya na ang nagpunas sa sahig. Nakamejo up siya kaya face to face na kami ng abs niya. Oh, golly. Nagggym ba si Drake? Parang ang strong ng abs niya. Parang ang sarap---- NO NO NO!! Hindi ako perv!


"It's done," sabi niya sabay tayo. "Let's go?" sabi niya.


Nagnod na lang ako.


Ex ko ba talaga siya? Bakit parang boyfriend ko pa din siya sa ginagawa namin??




Naglakad kami papunta sa unit niya. Omo. Nostalgic ang feels!!


Nagtingin tingin ako sa paligid ng unit niya, aba, halos mag oone month na din pala nung last na punta ko dito, noh? As in yung pasok talaga sa loob nito? Ang tagal na din pala!


"Come here," sabi niya tapos naglagay siya sa table ng parang portable na lutuan ng something something. Weee. Kaka excite naman 'to! Magpipicnic ba kami?!!


Naglagay siya ng kaldero something sa lutuan tapos hinintay naming magboil yung water pero habang hinihintay namin, kumain muna kami ng marshmellows.


"So, is your family mad at me?" tanong niya.


"H-ha?"


Nagbuntong hininga siya. "Tell them I'm sorry. No, wait. I'll personally tell them that I am sorry," sabi niya tapos nakatingin pa din siya sa kaldero. Ako naman, punung puno ng mallows ang bibig.


Nakonsensya naman ako kasi parang sobrang guilty niya sa nangyari. "Hala, Drake... Wala na yun. Past is past, di ba?"


Ngumiti siya sa akin pero yung sad smile. "I know but---"


I cut him off. "But ano? Wala na, Drake. The damage has been done. Magsorry ka man, nagawa mo na. Kaya wag na lang din, okay? Marami na kasing nagbago..."


"The... things that changed. Does that include your feelings?"

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Där berättelser lever. Upptäck nu