CHAPTER 7

35 3 2
                                    

Angelique's POV

Ilang oras na ang lumipas at heto pa rin ako, nagbabantay pa din sa matalik kong kaibigan na mahimbing na natutulog. Hindi pa rin sya gumigising buhat kanina. Nakabalik na sa klase si Ji-woon at Megumi. Ako na lang ang nagpaiwan para magbantay.

Kanina ko pa sya pinagmamasdan at hindi ko maiwasan na makaramdam ng galit. Babae si Cian, mahina para gawin sa kanya yun. Kahit ano pang dahilan ng hayop na Dubby na yun, dapat di nya ginawa yun.

Walang kalaban laban si Cian. Ni hindi man lang nya nagawang makabawi ako maka iwas man lang.

Paano na lang kaya pag nalaman ito ni Tito. Hindi malabong sumugod na naman sya.

Pinagmasdan kong muli si Zian. Napansin ko ang luhang nagmumula sa mga mata nya.

Mukhang nananaginip sya.

'Nakakacurious kung ano ang napapanaginipan mo ngayon, to the point na lumuluha ka na.'

Kinuha ko ang panyo ko at pinahid ang luha sa pisngi nya.

'Ano kayang gagawin nya, kung nakita nya ang nangyari sayo.'

"Ahm..." naramdaman ko ang biglang pag galaw ni Cian.

Gising na sya.

"Cian!" agad na nasambit ko ng makita ko na unti unti na syang nagmumulat ng mata nya.

She looks around as she opens her eyes.

"Asan ako? Nasa hospital ba ako? Sina mama? Si papa? Ano ng nanyare?  Si Dubby?" sunod sunod na tanong nya kasabay na marahan nyang pag upo sa kama.

"Nasa clinic ka lang Cian, wala ka pa sa hospital. About naman kay na tita at tito, dont worry kasi hindi ko pa sila tinatawagan. At kung ano man ang nangyare ay mamaya ko na lang ikukwento. Si Dubby naman, ewan. Naiwan kasi sila sa cafeteria nung dinala ka namin dito." sunod sunod ko din na sagot.

"Ahaish! I can't barely imagine kung ano na naman gagawin ni papa kung nalaman nya ang nangyari." ani nya na nakahawak sa ulo nya.

"May masakit pa ba sayo?" nag-aalalang tanong ko.

"Medyo masakit lang ang ulo ko, tapos nakakaramdam lang ako ng pagkahilo." sagot nya. "Pwede ba na umuwi na ako?"

"Dala pa din siguro yan nangpagkakatama ng ulo mo sa lamesa kanina. Oo pwede ka na umuwi. Ihahatid ka na lang namin ng driver ko."

"Pwede bang sa inyo na muna ako? Ayoko na muna umuwi samin."

"Pero, magpaalam ka muna kay tita Alliyah."

"Okay!"

After a while, nagpaalam na kami sa nurse na uuwi na kami. Hindi na namin hinintay ang tapos ng klase tutal pinayagan na kami na hindi pumasok for now, due to what happen earlier.

Gaya ng napag usapan namin ni Cian, ay sa amin kami dumiretso. Sa amin na daw muna sya magpapalipas ng oras.

"Oh ang aga nyo atang dalawa?" bungad sa amin ni mom nung pumasok kami ng pinto. Lumapit naman ako kay mom at humalik sa pisngi. Ganun din ang ginawa ni Cian. "Its been a long while my dear Thea."

Hindi naman sumagot si Cian, at sa halip ay ngumiti na lang bilang tugon.

"Maaga lang kasi kami pinauwi mom."  sagot ko na half truth naman. "Sa kwarto na muna kami mom huh."

"Sige, I'll bring merienda later."

Pagpasok na pagpasok naming dalawa ni Cian sa room ko ay sabay kaming humilata sa kama. Tila ang daming nangyari sa buong araw namin para makaramdam ng pagod.

Way Back to YouWhere stories live. Discover now