CHAPTER 6

41 4 5
                                    

Althea's POV

I don't know kung ano ba ang nangyayari, pero parang halos lahat ng mata ay sa amin nakatingin.

"Aba nga naman! Our nerdy princess occupied our table."

Oh no! Don't tell me...

Lumingon ako sa likuran ko at napatingala. Parang nag slow motion ang lahat. Hindi dahil sa romantic atmosphere na nabubuo, kundi dahil sa kaba at takot.

"D-D-Du-bby!"

Dubby Kinston, ang walang hiyang bully. Bastos, mayabang at basagulero. Walang sinisino, kahit na teacher. Palibhasa anak ng Vice Governor kaya malakas ang loob nya.

Kasama nya ang mga kabarkada nya ngayon at ang sama ng tingin nya sakin.

"Pasensya na Dubby, lilipat na lang kami." nasabi ko na lang para makaiwas sa kanya.

Napatingin naman ang mga kasama ko sakin. Halata sa kanila ang pagtataka.

"Guys tara na, lipat tayo ng table." pagyaya ko sa kanila sabay tayo at kinuha ang pagkaen ko para lumipat.

"No,no...Not so fast my dear." pagpigil sa akin ni Dubby. Mahigpit nyang hinawakan ang braso. "May atraso ka pa sakin."

Ramdam ko na talaga ngayon na nakatingin silang lahat samin. Nakaagaw pansin na kami.

"Anong atraso?" nagtatakang tanong ko. Wala naman akong maalalang atraso sa kanya.

"Hindi ko akalain na makakalimutin pala ang SC President. Hayaan mong ipaalala ko sayo."

Sa isang iglap, hindi ko na alam ang nangyayari. Nahihilo ako. Umiikot ang paningin ko. Pero kita ko na lumapit sa akin si Angel hanggang sa nag black out na ang paningin ko.

___________________________________
Angelique's POV

*Plok* Dinig ko ang lakas ng pagkakasampal nung Dubby kay Cian. Malakas yun, dahil natumba si Cian at tumama pa ang ulo nya sa isang lamesa.

Agad akong lumapit kay Cian. Pansin ko din na nawalan sya ng malay.

"You!" sabay turo ko dun sa lalakeng sumampal sa kaibigan ko. "How dare you do that to my bestfriend? Ano bang atraso niya para saktan mo pa sya?"

"Malaki! Malaki ang atraso nya sakin at kulang pa yan." sigaw nya sabay halakhak. "Kung ayaw mong madamay, manahimik ka." sabay duro sakin.

Bigla naman namagitan samin si Ji-woon.

"Ikaw, makikialam ka din ba?" pag aangas nung Dubby kay Ji-woon.

Pero, hindi sya pinansin ni Ji-woon. Humarap sa akin si Ji-woon at lumuhod.

"Bring her to the clinic. Megumi, help them." utos ni Ji-woon.

Lumapit samin si Megumi at tinulungan ako sa pagbuhat kay Cian.

Tiningan ko si Ji-woon sa huling pagkakataon. Nakangiti sya, pero may kakaiba sa mga mata nya. Nakakuyom din ang kamao nya.

Sa clinic,

"Who's that Dubby guy?" tanong ni Megumi.

"I don't know either." I answered. "Bago lang din kasi ako dito eh."

"Ohh I see."

"Sana maging okay lang sya." sabay tingin kay Cian na inaasikaso ng nurse.

"I think she'll be fine."

Lumapit samin ang nurse. Tapos na nyang asikasuhin si Cian.

"How's our friend?" tanong ko sa nurse.

Way Back to YouWhere stories live. Discover now