CHAPTER 3

37 4 2
                                    

Althea's POV

Mabilis lang lumipas ang maghapon. Halos di ko namalayan ang pagtakbo ng oras at heto, uwia na kami.

Lutang lang ang isip ko sa buong araw. Ewan ko ba, pero simula kanina nung sinabi ni Ms. Rodford na may transferee pa ay medyo kinabahan na ako. Hindi ko na nga maalala kung ano ba mga ginawa namin kanina.

"Cian, anong problema? Parang ang lalim ng iniisip mo ah?" tanong ni Angel.

Naglalakad kami ngayon papunta sa parking lot kung saan naghihintay ang sundo nya. Sasabay na lang kasi uli ako sa kanya.

"Wala naman!" pagsisinungaling ko.

"Ikaw talaga! I know that look at alam kong may problema ka." haysss. Wala ata ako maitatago sa bestfriend kong ito.

"May balita ka ba sa pinsan mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala eh!" tipid nyang sagot. "Namimiss mo na ba si..." agad kong pintulol ang sasabihin nya.

"Don't say bad words. Masama yun. Naitanong ko lang kasi I feel weird nung sinabi ni Ms. Rodford na may transferee pa na darating."

"Ganun ba! Wala pa naman kasi ako balitasa kanya. Matagal tagal ko na din syang hindi nakikita at nakakausap." medyo nalungkot sya.

Mula ng mangyari yun ay wala na kaming balita sa kanya. Pati pala pinsan nya ay wala ding alam.

Sabagay, nakamove on na naman ako. Kaya di bale na lang.

Tahimik lang kaming dalawa kahit nung nasa sasakyan na kami. Wala ako maisip na mapag usapan.

Nung makarating na kami sa bahay ay yayayain ko sana sya na pumasok sa loob pero tumanggi sya. Kaya nagpaalam na lang ako sa kanya at pinagmasdan ang sasakyan nya sa paglayo.

___________________________________

Angelique's POV

Pagkarating ko sa bahay ay duniretso ako sa kwarto at sumalampak ng higa sa kama.

Pumasok sa isip ko yung tanong sakin ni Cianna.

Nagawa kong magsinungaling sa bestfriend ko.

Ang totoo kasi nyan ay may alam ako sa pinsan ko. Matagal na nya ako kino contact at nangangamusta.

Sabi pa nya na malapit na daw sya bumalik. Hindi ko lang magawang sabihin kay Cianna. Una dahil sekreto yun at ayaw ipaalam nung pinsan ko. At pangalawa, alam kong hindi gusto malaman ni Cianna ang bagay na yun dahil sa nangyari dati.

Kung hindi siguro nangyari yun, ay masaya pa din sila ngayon.

Ang hirap din kasi ng ganito. Kailangan kong isekreto ang isang bagay na alam kung makakaapekto sa bestfriend ko.

Napabuntong hininga na lang ako ng malalim at pumikit.

~bzzzt...bzzzt~

Nafeel ko ang pag vibrate ng cellphone ko na nasa kama ko.

09********* Calling...

'Sino kaya ito? Unregistered number lang eh!'

Pinag-isipan ko kung sasagutin ko o hindi but I ended up answering it.

"Hello, who's this?" tanong ko sa nasa kabilang linya.

"Angeliqueeeeeee..." wow taas naman ng energy nun. Parang kilala ko na kung sino 'to.

"Shean? Ikaw ba yan?" naniniguro kong tanong sa kanya.

"Oo, ako 'to! I just arrived at home a while a go. So naisipan ko na din na tawagan ka."

Way Back to YouWhere stories live. Discover now