SEA Chapter 10-What hurts even more

2.1K 35 11
                                    

Sa buhay, sabi nga ng iba, kapag may umalis, may dumarating…

at kadalasan, ang sinumang dumarating ay ang siyang pumapawi sa lungkot dulot ng pag alis…..

ganoon nga din kaya ang mangyayari???

Lumabas ng ICU ang family doctor nina Andrew na si Dr. Zamora..

agad siyang sinalubong ng mag ina ni Rafael, at nasa likod nila ang mga kamag anak at kaibigan…

Nilapitan ng doctor ang mag ina..

“Elena, Andrew… I’m so sorry… I really am… ……..”, banayad na tinapik ng doctor si Andrew sa kanang balikat..

Paglabas pa lang ng doctor sa ICU, ramdam na niya ang sasabihin nito.. masakit man sa kanya, pero kailangan niyang tanggapin ang katotohanang….. hanggang ditto na lang ang ama niya… he was not that old to die… actually, he was only 53 years old… pero ganoon talaga… walang pinipiling edad ang sakit nito….

Andrew always seems to be strong and tough… but at this point, pakiramdam niya’y isa daig pa niya ang sundalong natalo sa giyera….

He feels so weak all of a sudden…if it wasn’t for the woman who is standing beside him and holding his hand, baka nag break down na siya…. nagpapasalamat pa rin siya sa Diyos dahil kasama niya ngayon ang babaeng pinakamamahal, kahit hindi naman sila…. he was still thankful because Madeline is with him now in this lowest point of his life… he will never forget all those times when Maddie was there for him when his parents got separated, when he felt that he didn’t know himself anymore, when he almost lost his love for himself… all those times…..she was there…. and he always knew, he was loved…

Kinabukasan…. sa unang araw ng burol ni Rafael… buong pamilya niya ay kumpleto… ang mga kamag anak, at mga malalapit na kaibigan… ang mga colleagues…. ang mga employees ng real estate company….the board….

pero may isa pang kulang….

Maghapong tumutulong sa pag aasikaso sa lamay ang pamilya ni Madeline bilang family friend sila ng pamilya ni Andrew…

At si Madeline, hindi siya nawawala sa tabi ng dating nobyo… alam niyang kailangan siya nito… pero may mga oras na lumalabas si Andrew para makapag isa at makapag isip isip… hinayaan na lamang siya ni Madeline na mapag isa…

Maya maya’y lumabas din saglit si Madeline at may kinausap sa phone…..

pagkatapos niyang makipag usap ay kaagad siyang pumasok sa loob para kausapin naman ang kanyang tita Elena…

“ahm, tita…”

“oh, anak…kamusta ka?... kung pagod ka na, magpahinga ka muna…ikaw namang bata ka…”, concerned na sabi ni Elena

Someone Else's Angel (KimXi Fan Fiction)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora