SEA Chapter 8-The day I gave your love away

2.3K 29 5
                                    

Author’s Note: Hi readers! In this chapter, back to the present na po tayo… unlike the previous chapter which is chapter 7 kung saan past ang setting, it’s like of a Back story, this chapter is the continuation of what happened in chapter 6, but don’t be confused, guys…for this chapter, there will be a flashback about Madeline and Andrew’s break-up.

Enjoy reading!

Sa gitna ng pag uusap ng magkakabarkada, biglang nag ring ang phone ni Andrew…

Sinagot ng binata ang phone, at ng bahagya sa kinaroroonan ng barkada…

“hello..”

“Anak, Andrew..”, si Mommy Elena, ballot ng pag aalala ang boses niya

“Ma.. bakit po? What’s the matter?”, nabanaagan naman ni Andrew ang pag aalala at pagkabahala sa boses ng ina

“Anak, tinawagan ako ng Tito Gabriel mo, isinugod daw nila sa ospital ang Daddy mo… inatake daw sa puso…”, nanginginig ang boses na sinabi ni Elena ang nangyari.

 “What?? Okay… I’ll be on my way….”

Walang sandaling inaksaya si Andrew, at agad siyang nagpaalam sa mga kaibigan.

“guys, I have to go… I’m so sorry.. my Dad was rushed to the hospital… “, mabilis na paalam ni Andrew ss mga kaibigan, pero hindi naman nakatakas sa paningin ni Andrew ang bumangong pag aalala sa mga mata ni Madeline, kaya’t bago siya tuluyang umalis, he still managed to give a quick peck on her cheek and whispered to her..”I’ll call you…”, at bumaling ang binata sa mga kaibigan…. “I’ll call you, guys…”, at tsaka ito tuluyang umalis.. si Nathan naman ay kina Ben na lang sasabay pag uwi..

“Drew, ingat ka ah..balitaan mo kami agad… ingat pag drive, pare…”, pahabol na bilin ni Ben sa pinsan.

“nakoo… ano kayang nangyari? Inatake kaya si Tito? Tsk tsk..”, pag aalala ni Daniel

“grabe talaga si Andrew, nagmamadali na nga, nakuha pang mag goodbye kiss kay Maddie…at may bulong pa ah… ang sweet naman…. Mads, kayo na ba ulit? Hahah.. joke!..”, nakuha pang mag biro ni Migs para kahit papaano’y mapagaan ang loob ng mga kaibigan.

“ikaw talaga Miguel.. nakuha pang mag joke! Hmp!...”, alam naman ni Maddie na pinapagaan lang ng kaibigan ang loob nila, and at the same time, taking all the chances he gets para makapang asar..

“Oo nga noh… loko talaga yun si Andrew… hahah…. Hahah…”, tatawa-tawa naman si Ben sa ginawa ng pinsan.

Pagkatapos kumain ay nagpack up na ang tropa… bago sila umalis ay tinulungan muna nila si Daniel na mag ayos ng kanilang mga ginamit sa rest house kahit na may helpers naman doon.

Mga bandang 1:30pm na nang makaalis ang barkada sa rest house. .

Samantalang si Andrew naman ay halos paliparin ang sasakyan sa pagmamadaling makarating sa hospital kung saan dinala ang kanyang ama…

Hindi birong kaba ang nararamdaman ni Andrew… as if in the back of his mind, he knows that there is something that is going to happen to his Dad… dahil hindi man sabihin ng Daddy niya ang tunay nitong kondisyon nitong mga nakakaraang mga araw, ay hindi naman lingid sa kanya ang karamdaman ng ama…

After less than an hour ay narating na ni Andrew ang hospital…  sa hospital na ito rin dinala noon si Andrew, 4 years ago…

agad siyang sinalubong ng ina sa Emergency at sinabing critical ang condition ni Daddy Rafael…  kaya’t halos namutla si Andrew sa sinabi ng ina, at ganoon din ang sinabi ng doctor nang tanungin niya ito…

Someone Else's Angel (KimXi Fan Fiction)Where stories live. Discover now